Hilaga

Ang hilaga (Kastila: norte, Ingles: north, Sebwano: amihanan) ay isa sa mga direksiyong kardinal o mga punto ng aguhon. Kabaligtaran ng timog ang hilaga, at patayo ito sa parehong kanluran at silangan. Ang hilaga ay isang pangngalan, pang-uri, o pang-abay na tumutukoy sa direksiyon o heograpiya.
Tinutukoy rin nito ang direksiyon sa kanan ng isang tao na nakaharap sa lubugan ng araw. Malimit na dinadaglat ang north bilang N sa wikang Ingles.
Pagmamapa at nabegasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hilaga ang itaas na panig ng isang mapa, batay sa kinaugaliang pamantayan.
Upang makapunta sa hilaga gamit ang aguhon para sa nabegasyon, kinakailangan ng isang indibidwal na itakda sa 0° o 360° ang sanggunian (bearing) o azimuth. Ang paglalakbay nang tuwid sa hilaga ay pagtatahak ng isang linyang meridyano pataas.
Kinikilalang pangunahing direksiyon ang hilaga sa kalinangang Kanluranin:
- Ginagamit ang hilaga upang matukoy ang ibang mga direksiyon, tahasan man o hindi.
- Kadalasang tumutugma sa hilagang dulo ng ipinapakitang lugar ang (biswal na) mga gilid sa itaas ng mga mapa, maliban kung tahasang nakasaad ang kataliwasan o itinuturing na mas kapaki-pakinabang ang mga palatandaang pook para sa lupaing iyon kaysa mga tiyak na direksiyon.
- Sa konteksto ng alinmang mga bagay sa kalawakan, malimit na tumutukoy ang "hilaga" sa panig na tila umiikot nang pakaliwa kapag tiningnan mula sa kalayuan sa kahabaan ng aksis ng pag-ikot. Ngunit binibigyang-kahulugan ng Pandaigdigang Unyong Astronomiko (IAU) ang heograpikong hilagang polo ng isang planeta o mga buwan nito sa Sistemang Solar bilang planetaryong polo na nasa parehong emisperyong selestiyal na may kaugnayan sa hindi nagbabagong plano ng Sistemang Solar, bilang hilagang polo ng Daigdig.[1] Nangangahulugan itong umiikot ang ilang bagay sa retrograde na kilos, tulad ng Urano: kung tanaw mula sa IAU north, pihit pakanan ang pag-ikot nito.
Magnetikong hilaga at deklinasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kawili-wiki ang hilagang magnetikong polo dahil ito ang tinuturong diresksiyon na hilaga sa isang gumaganang magnetikong aguhon, maski na hindi pa ito inihanda.[2] Tinatawag na magnetikong deklinasyon ang diperensiya sa pagitan nito at ng tunay na hilaga. Sa maraming mga layunin at pangyayari, katanggap-tanggap naman ang pagkakamali sa direksiyon na bunga ng pagbabalewala ng pagkakaiba ng dalawa. Para naman sa iba, maaaring malutas ang suliranin na ito sa pamamagitan ng kasangkapan o diskarte ng pag-iisip ng isang indibidwal batay sa ipinapalagay na kaalaman sa naaayong deklinasyon. Ngunit hindi makatwiran ang dapat na ituring sa payak na panlalahat ng paksa, at malamang na sumasalamin ito sa popular na mga maling akala ukol sa magnetismo sa Daigdig.
Malinaw na nakasaad ang pampook na deklinasyon, para sa madaling pagwawasto ng aguhon sa tunay na hilaga, ang mga mapang inilaan para sa paggamit sa orienteering gamit ang aguhon. Maaari ding nakasaad sa mga mapa ang parilyang hilaga (grid north), isang katawagan sa nabegasyon na tumutukoy sa pahilagang direksiyon sa kahabaan ng mga linyang parilya ng isang proyeksiyon ng mapa.
Papel ng hilaga bilang pangunahing direksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagbibigay ng malinaw na pagwawangis sa "itaas" na direksiyon ang nakikitang pag-ikot ng kalangitan sa gabi sa paligid ng nakikitang polong selestiyal. Dahil dito, hindi arbitraryo – kahit man lang sa mga astronomo – ang pagpili ng hilaga bilang katumbas ng "taas" sa Hilagang Emisperyo, o ang timog bilang katumbas ng "baba" sa Timog Emisperyo, bago pa ang pandaigdigang pakikipagtalastasan.[3] (Tandaan: walang litaw na katumbas ng Hilagang Bituin sa Timog Emisperyo.) Sa kabilang banda, kinilala sa mga kalinangang Tsino at Islamiko ang timog bilang naaangkop na dulo sa "taas" para sa mga mapa.[4] Sa mga kultura ng Polynesia kung saan mahalaga ang nabegasyon, tinutukoy naman ng mga hangin ang mga direksiyong kardinal, nangingibabaw man iyong pampook o pangninuno.[5]
- Madalas na ginuguhit ang mga mapa na nasa itaas ang alinman sa dalawa: tunay na hilaga o magnetikong hilaga.
- Nasa itaas ang Hilagang Polo sa mga globo ng Daigdig, o nasa itaas na hati kung nakalihis sa patayong puwesto ang kinakatawan ng aksis ng planeta sa globo (karaniwan sa taglay nitong anggulo na kaugnay sa aksis ng pag-ikot ng Daigdig).
- Karaniwang tinatatakan ang mga mapa upang itukoy kung anong katumbas sa isang direksiyon ng Daigdig ang direksiyon sa mapa,
- kadalasan ng isang arrow na nakaturo sa kinatawan ng tunay na hilaga sa mapa,
- paminsan-minsan ng isang arrow na nakaturo sa kinatawan ng magnetikong hilaga sa mapa, o dalawang mga arrow na nakaturo sa parehong tunay at magnetikong hilaga,
- paminsan-minsan ng isang rosas ng aguhon, at kung gayon, kalimitang sa mapang nasa taas ang hilaga at mas litaw na itinatampok ang hilaga kaysa ibang punto ng aguhon.
- Pagwawangis sa hilaga ang "taas" (up). Sinimulan ng astronomong Griyegong si Ptolomeo ang kaisipan na dapat palaging "nasa taas" ang hilaga at nasa kanan ang silangan.[6] Ipinapalagay ng historyador na si Daniel Boorstin na ganoon ang pagtrato sa hilaga dahil nasa Hilagang Emisperyo ang tanyag na mga lugar sa mundo at mas madaling pag-aralan ang mga lugar na ito kung nasa kanang bahaging itaas ng patag na mapa ang mga ito.[7]
Kadalasang iniuugnay ang hilaga sa malalamig na mga klima dahil nasa Hilagang Emisperyo ang karamihan sa matataong mga lupain sa mundo. Dumaraan ang Bilog ng Artiko sa Karagatang Artiko, Noruwega, Sweden, Pinlandiya, Rusya, estado ng Alaska sa Estados Unidos, mga tatlong teritoryo sa Kanada (Yukon, Northwest Territories at Nunavut), Greenland ng Dinamarka at Iceland.[a]
Mga papel ng kanluran at silangan bilang kalakip na mga suplementong direksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagama't sumasalamin sa mga arbitraryong salik ng nakaraan[alin?] ang pagpili ng hilaga bilang pangunahing direksiyon sa halip ng timog, hindi kasinlikas na pagpipilian ang kanluran at silangan tulad sa unang tingin. Ang karaniwang mga kahulugan ng mga ito ay, "kung saan lumulubog ang araw" para sa kanluran at "kung saan sumisikat ang araw" para sa silangan. Gayunpaman, maliban sa ekwador, kung pagsasama-samahin ang mga kahulugang ito, ipinahihiwatig na:
- hindi magiging 180° ang pagitan ng kanluran at silangan, at sa halip ay magkakaiba sa 180° nang doble sa degree ng latitud ng pinag-uusapang lokasyon, at
- bahagyang magbabago ang kanluran at silangan araw-araw, at kapansin-pansin ang pagbabagong ito sa paglipas ng taon sa mga sonang templada.
Gamit ang tumpak na astronomiyang-bayan (folk astronomy), nararating ng mga tao noong Panahong Bato o ng mga Selta ang silangan at kanluran sa pamamagitan ng pagtatala ng mga direksiyon ng pagsikat at paglubog (mas mainam higit sa isang beses na pagtala ng pagsikat at paglubog) at pagpili ng isa sa dalawang magkasalungat na direksiyong nasa kalagitnaan ng pagitan ng dalawa bilang pangunahing direksiyon. Batay sa tunay na kahulugan sa astronomiyang-bayan, ang kanluran at silangan ay "ang mga direksiyon na pinakamalapit sa paglubog at pagsikat, ayon sa pagkakabanggit, ng araw (o buwan), isang kanang anggulo mula sa pangunahing direksiyon."
Sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang lalawigan ng Batanes. Nasa lalawigang ito ang Pulo ng Y'Ami (na tinatawag ding Pulo ng Mavulis) na pinakahilagang pulo ng bansa.[8] Nasa hilaga ng bansa ang Bambang ng Bashi na isang makipot na daanang pantubig, at ang bansa ng Taiwan.
Binansagang "Primerang Lungsod ng mga Ibanag sa Hilaga" (Premier Ibanag City of the North) ang lungsod ng Tuguegarao sa hilagang Luzon dahil sentro ito ng pagpapanatili at pagpapaunlad ng kalinangan at tradisyong Ibanag sa kabila ng pagbabago ng panahon.[9]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mga salitang Tagalog ng ilang bansa. Canada: Kanada (Panganiban at Padre English); Denmark: Dinamarka (Panganiban); Finland: Pinlandiya (Panganiban), Norway: Noruwega (Panganiban). Pinagmulan: a) Panganiban, Jose Villa. Concise English-Tagalog Dictionary. (1969). b) English, James. English-Tagalog Dictionary (1965) at Tagalog-English Dictionary (1986).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Archinal, Brent A.; A'Hearn, Michael F.; Bowell, Edward G.; Conrad, Albert R.; Consolmagno, Guy J.; atbp. (2010). "Report of the IAU Working Group on Cartographic Coordinates and Rotational Elements: 2009" (PDF). Celestial Mechanics and Dynamical Astronomy. 109 (2): 101–135. Bibcode:2011CeMDA.109..101A. doi:10.1007/s10569-010-9320-4. S2CID 189842666. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Marso 4, 2016. Nakuha noong Abril 7, 2019.
- ↑ "True north and magnetic north: what's the difference?". www.rmg.co.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 27, 2022.
- ↑
Compare:
Busenbark, Ernest (1949). Symbols, Sex, and the Stars. San Diego, California: Book Tree (nilathala 1997). p. 133. ISBN 9781885395191. Nakuha noong Disyembre 5, 2019.
Throughout the world, the east or sunrise point was the prime direction and signified light, life, and birth. The west and southwest were the land of the dead. Temples, cathedrals and churches were oriented to the sunrise point at the vernal equinox, to the summer solstice, or to the sunrise point on the day sacred to the saint to whom the church was dedicated. In China, however, the temple of the sun at Pekin was oriented to the sun at the time of the winter solstice.
- ↑ Williams, Caroline (Hunyo 15, 2016). "Maps have 'north' at the top, but it could've been different". Bbc.com. Nakuha noong Nobyembre 10, 2017.
Early Islamic maps favoured south at the top because most of the early Muslim cultures were north of Mecca, so they imagined looking up (south) towards it [...].
- ↑
Fornander, Abraham; Stokes, John F. G. (1878). "Names or cardinal points [...]". An Account of the Polynesian Race: Its Origins and Migrations, and the Ancient History of the Hawaiian People to the Times of Kamehameha I. Bol. 1. London: Trübner & Company. p. 18. Nakuha noong Disyembre 5, 2019.
In the Tonga Islands, Hahagi means the northern and eastern side of an island, and Hihifo means the southern and western side. The first is derived from the preposition Hagi, 'up, upward;' the latter from the preposition Hifo, 'down, downward.' In many of the other Polynesian groups the expressions 'up' and 'down' [...] are used with reference to the prevailing trade-winds. One is said to 'go up' when travelling against the wind, and to 'go down' when sailing before it. [...] In New Zealand the north was conventionally called Raro, 'down,' and the south Runga, or 'up.'
- ↑ Jian, Baruch, Li, John (Hunyo 2011). "Can you find south using your watch?". Astronomy & Geophysics. 52 (3): 3.12–3.14. Bibcode:2011A&G....52c..12J. doi:10.1111/j.1468-4004.2011.52312.x.
{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Daniel Boorstin (1983). The Discoverers. Random House/J.M.Dent & Sons. p. 98.
- ↑ "Mavulis Island - The Northernmost Island of the Philippines". JAB TRAVEL VENTOURS. Enero 24, 2017. Nakuha noong Hulyo 16, 2022.
- ↑ Baccay, Oliver T. (Oktubre 24, 2025). "PIA, DepEd stage first Ibanag Quiz Bee". Philippine Information Agency. Nakuha noong Nobyembre 9, 2025.
Mga kawingan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kahulugan sa Diksiyonaryo.ph
May isang artikulo ang hilaga sa Wiktionary