Indones
Ang mga Indones[1] ang tinatayang sumunod na pangkat na nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga bangkang inuka sa kahoy na tinatawag na balangay.
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang pangkat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmula sila sa Timog-silangang Asya. Mapuputi sila at balingkinitan ang pangangatawan, matangkad kaysa sa mga negrito, makitid ang mukha, malapad ang noo, malalim ang mga mata at matangos ang ilong. Dumating sila sa Pilipinas may 5,000 hanggang 6,000 taon na nakakalipas. Mas maganda at makabago ang kanilang kalinangan at pamumuhay. Ang kanilang mga pabilog na bahay ay yari sa kahoy at may bubong na yari sa damo o talahib. Ang mga bahay nila ay nakatayo sa lupa o di kaya'y nakahukay sa lupa na may isang metro ang lalim. Ang iba naman ay nasa tuktok na punungkahoy ang bahay. Namuhay sila sa pamamagitan ng pamamana, pangingisda at pagkakaingin. Binubungkal nila ang lupa at nagtatanim ng tugi at milet. Niluluto nila ang kanilang mga pagkain. Ang kanilang kagamitan tulad ng pinggan ay yari sa dahon. Sila ang mga unang pangkat ng mga Indones. Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga Ilongot ng Sierra Madre at ng Caraballo.
Ikalawang pangkat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalawang pangkat ng mga Indones na dumagsa sa Pilipinas ay maitim, malapad ang mukha, makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang pangangatawan. Sila ay galing sa tangway ng Indo-Tsina at naninirahan sa mga baybayin ng Luzon. Higit na mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa sa mga naunang dumating sa pilipinas.
Ang sumunod na pangkat na nakarating sa Pilipinas ay ang mga taong nangngaling sa Gitnang Asya, may kulang-kulang isang libong taon na ang nakalilipas. Yari sa tanso ang kanilang mga kagamitan at pinaniniwalaang marunong din silang gumamit ng patubig sa kanilang pagsasaka. Natatanim sila ng palay, gabi, ube at iba't ibang uri ng halamang makakain.
Terminolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kasaysayan ng Pilipinas, Indones ang katawagan sa mga mamamayan ng Sinaunang Indonesia na nakarating sa kapuluan ng Pilipinas. Ngunit sa makabagong panahon, tumuturing ang Indon (sa Ingles) o Indones sa literal na salin, sa pinaikling Indonesian, tawag sa mamamayan o sa wika ng kasalukuyang Indonesia, o Indonesia (ang bansa). Mas minamarapat ng mga makabagong mamamayan at ng pamahalaan ng Indonesia na tawagin silang Indonesiano o Indonesian, sa halip na Indon o Indones, isang sinaunang katawagan na itinuturing ngayon, kung hindi gagamiting pangkasaysayan, na nakakainsulto sa kanila, katulad ng ginawa nilang reklamo sa Malaysia noong Mayo 2007.[2] Ngunit ayon sa talahulugang Tagalog-English Dictionary ni Leo James English, Indones (lalaki) at Indonesa ang katawagan ng mga Indonesiano sa wikang Tagalog.[3],[4]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Philippines - Early History". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Indones)RI protest Malaysia soal Indon, WordPress.com
- ↑ English, Leo James (1977). "Indones, Indonesa". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Malay) UMNO Minta Rakyat dan Media Massa Hentikan Panggilan "Indon".
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- (sa Malay) Sebab istilah `Indon' tidak digemari. (Utusan Malaysia.) Naka-arkibo 2008-06-12 sa Wayback Machine.
- (sa Indones) WEB Indonesia berkenaan bantahan penggunaan perkataan tersebut. Naka-arkibo 2012-01-19 sa Wayback Machine.
- (sa Indones) WEB Indonesia berkenaan bantahan penggunaan perkataan tersebut. Naka-arkibo 2007-10-26 sa Wayback Machine.