Raha Sulayman

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rajah Sulayman)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Raha Sulayman
Raha ng Maynila
Bantayog ni Raha Sulayman sa Malate, Maynila.
Paghahari 1571–1575
Sinundan Raha Matanda
Kahalili Magat Salamat
Bahay Maharlika Namayan, Tondo, Maynila at Sabag
Mga paniniwalang relihiyoso Islam

Si Raha Soliman (1558–1575), na nakikilala rin bilang Raha Sulayman, ay isang Muslim na raha, na namuno ng Maynila kasama ni Raha Matanda, na matatagpuan sa timog ng Ilog Pasig sa ngayo'y Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon.

Magiliw niyang pinapasok ang mga Kastilang manlulupig na sina Martin de Goiti at Juan de Salcedo noong 1570. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga manlulupig ng mga pampalasa at mga babae bilang regalo. Ngunit nang dumaan ang mga linggo, sinimulang abusuhin siya ng mga Kastila at hindi naglaon, nalaman niya ang pakay ng mga Kastila na sakupin ang kanyang kaharian at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar. Namuno siya ng isang kudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa kaharian.


TaoKasaysayanPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.