Karahanan ng Butuan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Karahanan ng Butuan

 

bago ang taong 1001–1521
 

Kabisera Nakasentro sa ngayo'y Lungsod ng Butuan
Wika Butuanon,[1] Lumang Malay, iba pang mga wikang Bisaya
Relihiyon Hinduismo, Budismo at Animismo
Pamahalaan Monarkiya
Kasaysayan
 - Itinatag bago ang taong 1001
 - Unang binanggit sa mga tala ng Dinastiyang Song 1001
 - Pagsupil ng Imperyong Kastila matapos ang huling pinuno na si Raha Kolambu ay nakipagsandugo kay Fernando Magallanes 1521
Salapi Piloncitos,[2] palitan ng paninda
Bahagi ngayon ng  Pilipinas
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Philippine History Collage.jpg
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Pagdating ng mga Austronesyo
Mga Petroglipo ng Angono
Panahong Klasikal (900–1565)
Bansa ng Mai (971–1339)
Bayan ng Tondo (900–1589)
Kumpederasyon ng Madyaas (1200–1569)
Kaharian ng Maynila (1258–1571)
Kaharian ng Namayan (1175–1571)
Karahanan ng Butuan (1001–1521)
Karahanan ng Cebu (1200–1565)
Kaboloan (1406–1576)
Kadatuan ng Dapitan (1100–1563)
Kasultanan ng Maguindanao (1500/1515–1888)
Kasultanan ng Sulu (1405–1915)
Panahong Kolonyal (1565–1946)
Panahon ng Kastila (1565–1898)
Pamumunong Britaniko (1762–1764)
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikang Pilipino (1896–1898)
Katipunan
Unang Republika (1899–1901)
Panahon ng Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1902)
Sampamahalaan ng Pilipinas (1935–1942, 1945–1946)
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika (1943–1945)
Panahong Kontemporanyo (1946–kasalukuyan)
Ikatlong Republika (1946–1972)
Diktadurya ni Marcos (1965–1986)
Ikalimang Republika (1986–kasalukuyan)
Guhit-panahon
Kasaysayang militar
Portal icon Pilipinas

Ang Karahanan ng Butuan (tinatawag ring Kaharian ng Butuan; Butuanon: Gingharian hong Butuan; Sebwano: Gingharian sa Butuan; Intsik: 蒲端國, Púduānguó sa mga tala ng Tsino) ay isang noo'y maunlad at umuusbong na kabihasnan sa Pilipinas na matatagpuan sa hilaga't-silangang Mindanao na nakasentro sa ngayo'y kasalukuyang lungsod ng Butuan bago dumating ang mga mananakop. Kilala ito sa pagmimina ng mga ginto, ang mga produktong ginto nito at ang malawak na pakikipagkalakalan nito sa buong Nusantara. Ang kaharian ay nagkaroon ng ugnayang pangkalakalan sa mga sinaunang kabihasnan ng Hapon, Tsina, India, Indonesia, Iran, Cambodia, at mga pook na ngayo'y nasa Thailand.[3][4]

Ang mga balangay na natuklasan sa silangan at kanlurang pampang ng Ilog Agusan ang nagpasiwalat nang higit sa kasaysayan ng Butuan. Dahil dito, ang Butuan ay itinuring naging pangunahing daungang pangkalakalan sa rehiyon ng Caraga noong panahong klasikal.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa mga tala ng Tsina[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinapakita ng mga patunay na ang Butuan ay mayroon nang ugnayan sa Dinastiyang Song ng Tsina noong taong 1001 AD. Sa mga salaysay ng Song Shih, itinala ang unang pagdating ng isang Butuan tributaryong misyon (Li Yui-han 李竾罕 at Jiaminan) sa imperyal na hukuman ng Tsina noong ika-17 ng Marso, 1001 AD at inilarawan ang Butuan (P'u-tuan) bilang isang maliit na bansang Hindu na may Budismong monarkiya sa dagat na nagkaroon ng madalas na ugnayan sa Kaharian ng Champa at patigil-tigil na ugnayan sa Tsina sa ilalim ng rahang nagngangalang "Kiling" (Ch'i-ling).[5][6] Nagpadala ng sugo ang raha sa ilalim ng I-hsu-han, na may pormal na pang-alala na humihiling ng pantay na katayuan sa protokol ng hukuman kasama ang ipinadalang sugo ng Champa. Ngunit ang kahilingan ay kalauna'y tinanggihan ng imperyal na hukuman, marahil dahil sa pagpapabor nito sa Champa.[7]

Noong 1011 AD, sampung taon ang nakalipas, ang bagong pinuno na nagngangalang "Sri Bata Shaja" ang nagtagumpay na makamit ang pantay na diplomatiko sa Champa sa pagpapadala kay Likanhsieh. Ginulat ni Likanhsieh si Emperador Zhenzong sa paghandog ng isang memoryal na nakaukit sa isang gintong tableta, ilang puting dragon (Bailong, 白龍), alkampor, mga bulaklak mula sa Maluku, at isang alipin mula sa Dagat Timog Tsina sa gabi ng isang mahalagang seremonya ng pag-aalay.[8][9] Itong pagpapakita ng kapusungan ang nagpasimula ng interes ng Tsina sa maliit na kaharian at ang diplomatikong ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa ay umabot sa karurukan nito noong Dinastiyang Yuan. Natigil ang mga pagtatala ng Tsino sa kaharian matapos ang pamumuno ni Raha Kolambu, ang huling malayang raha ng Butuan. Pormal nang nalupig ng Imperyong Kastila ang kaharian nang makipagsandugo ang raha kay Fernando Magallanes noong Marso ng taong 1521.

Mga nahukay na kasangkapan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang garing pantatak ng Butuan na nasa pangangalaga ng Pambansang Museo ng Pilipinas sa Maynila.
Ang Paleograpong Pilak ng Butuan na nahukay noong dekada '70 sa Butuan sa loob ng isang kabaong na yari sa kahoy. Ang mga nakaukit na sulat ay nagpapakita ng impluwensiyang Hindu-Budismo, marahil isang anyo ng sinaunang pagsulat sa Pilipinas (c. ika-14 hanggang ika-15 dantaon).

Mangilan-ngilang mga banga ang nahanap sa Butuan na nagpapahiwatig sa yaman ng kaharian at ang pag-iral ng mga dayuhang tradisyon.[10] Ilan sa mga bangang ito ay pinetsahan bilang mga sumusunod:

  • Sathing Phra (900 hanggang 1100 AD)
  • Haripunjaya (800 hanggang 900 AD)
  • Mga Hapon (ika-12 hanggang ika-16 na dantaon)[11]
  • Mga Tsino (ika-10 hanggang ika-15 dantaon)
  • Mga Khmer (ika-9 hanggang ika-10 dantaon)
  • Mga Thai (ika-14 hanggang ika-15 dantaon)
  • Champa (ika-11 hanggang ika-13 dantaon)
  • Persia (ika-9 hanggang ika-10 dantaon)

Ang mga artepaktong natuklasan sa paligid ng arkeolohikong pook ng Ambangan sa Barangay Libertad na nagpapatunay sa mga makasaysayang tala na nakipagkalakalan ang Butuan sa India,[12] Hapon, Tsina, at mga bansa sa Timog-silangang Asya sa gitna ng kapanahunang ito.[13]

Mga pinagmulan ng pangalang "Butuan"[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangalang Butuan ay pinaniniwalaang umiral matagal na bago dumating ang mga manlulupig na Kastila sa Pilipinas. Isang maaaring indikasyon nito ay ang isang rinosero na garing pantatak na may disenyong nakaukit sa sinaunang Habanes o maagang sulat Kawi (ginamit bandang ika-10 dantaon) kung saan, ayon sa isang iskolar na Olandes, ay mababasa bilang But-wan. Maaari rin ito nagmula sa salitang batuan (Garcinia morella), isang may kaugnayan sa manggostan na prutas na madalas makakita sa Mindanao. Isa pang alternatibo ay nagmula ang pangalan kay Datu Bantuan, maaaring isang dating datu sa rehiyon.[14]

Mga naitalang pinuno[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Maharlikang Pamagat ng Namumunong Raha Mga kaganapan Mula Hanggang
Datu Bantuan - 989
Raha Kiling Ang Embahada ng I-shu-han (李竾罕) 989 1009
Sri Bata Shaja Sadya ni Likanhsieh (李于燮) 1011 ?
Raha Kolambu Pagsupil ni Fernando Magallanes ? 1521

Tingnan rin[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Fred S. Cabuang (Setyembre 6, 2007). "Saving Butuanon language". Sininop mula sa orihinal na pahina noong Agosto 30, 2008. https://web.archive.org/web/20080830070649/http://www.manilatimes.net/national/2007/sept/06/yehey/opinion/20070906opi7.html. Hinango noong 2009-10-09. 
  2. http://opinion.inquirer.net/10991/%E2%80%98piloncitos%E2%80%99-and-the-%E2%80%98philippine-golden-age%E2%80%99
  3. [1]
  4. http://whc.unesco.org/en/tentativelists/2071/
  5. "Timeline of history". http://valoable1.webs.com/timelineofhistory.htm. Hinango noong 2009-10-09. 
  6. https://www.filipiknow.net/visayan-pirates-in-china/
  7. William Henry Scott Prehispanic Source Materials: For the Study of Philippine History, p. 66
  8. Kabanata 7 hanggang 8 ng Song Shih
  9. https://www.filipiknow.net/visayan-pirates-in-china/
  10. Luna, Lillian (2004). MAPEH for Secondary Students. Art Books and History Books. St Bernadette Publications Inc.. ISBN 971-621-327-1. 
  11. [2]
  12. [3]
  13. [4]
  14. "Historic Butuan". http://butuancity.info/about-butuan/92-historic-butuan.html. Hinango noong 2009-10-09.