Pumunta sa nilalaman

Wikang Hatang Kayi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikang Remontado Agta)
Hatang Kayi
Sinauna, Remontado Dumagat
Hatang Kayi[1]
Katutubo saPilipinas
RehiyonTanay, Antipolo, at Montalban sa Rizal, at General Nakar, Quezon
Mga natibong tagapagsalita
2,500 (2000)[2]
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3agv
Glottologremo1247
Area where Sinauna language is spoken

Ang wikang Hatang Kayi, na kilala rin sa tawag na Remontado Dumagat, Kabalat, at Sinauna,[1] ay isang wikang Malayo-Polinesyo mula gitnang Luzon. Isa ito sa mga wika ng mga Agta sa Pilipinas.

Ito ay sinasalita sa Tanay at Rodriguez, Rizal; General Nakar, Quezon;[3] at Antipolo sa Pilipinas.

Ang tawag ng mga mananalita ng wikang ito sa kanilang sariling wika ay Hatang Kayi ("wikang ito").

Ang tawag na "Sinauna" ay ginamit ng ilang manunulat mula ng pag-aralan ang wika noong dekada 1970 nguni't hindi kailan man ginamit na pansariling katawagan ng mga nagsasalita nitong wika.[1]

Ang tawag na Remontado ("namundok") ang pinakakaraniwang ginagamit sa mga kasulatan sa wikang Ingles patungkol sa lahing tinutukoy at sa kanilang wika.

Mula sa pananaliksik ni Lawrence Reid noong taong 2010, maituturing niya ang wikang Hatang Kayi na isa sa mga wikang mula gitnang Luzon.[4] Si Lawrence Reid ay isang mananaliksik na Amerikano sa International Institute for Asian Studies (IIAS; "kalipunan sa iba't-ibang bansa sa pag-aaral sa Asya") sa Pamantasan sa Leiden ng Olanda.

Matatagpuan ang Remontado Dumagat sa mga bundok sa paligid ng hangganan sa pagitan ng distrito ng Sampaloc sa Tanay, Rizal, at General Nakar, Quezon.[5]

Sa ngayon, ang Hatang Kayi ay sinasalita sa sumusunod na limang nayon, kung saan ito ay sinasalita lamang ng mga matatandang lampas sa edad na 50:[1]

Dalawang póok sa Barangay Santa Inez, Tanay, Rizal:

  • Sitio Nayon
  • Sitio Kinabuan

Tatlong póok sa Barangay Lumutan, General Nakar, Quezon:

  • Minanga (Sentro)
  • Sitio Sari
  • Sitio Paimuhuan
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Lobel, Jason William; Surbano, Orlando Vertudez (2019). "Notes from the Field: Remontado (Hatang-Kayi): A Moribund Language of the Philippines". Language Documentation and Conservation. 13: 1–34. hdl:10125/24796.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hatang Kayi sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
  3. Reid, Lawrence A. (1994). "Possible Non-Austronesian Lexical Elements in Philippine Negrito Languages". Oceanic Linguistics. 33 (1): 37–72. doi:10.2307/3623000. hdl:10125/32986. JSTOR 3623000.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Reid, Lawrence A. (2010). "Historical linguistics and Philippine hunter-gatherers" (PDF). Sa Billings, Loren; Goudswaard, Nelleke (mga pat.). Piakandatu ami Dr. Howard P. McKaughan. Manila: Linguistic Society of the Philippines and SIL Philippines. pp. 234–260. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-02-26. Nakuha noong 2021-11-18.{{cite book}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Lobel, Jason William (2013). Philippine and North Bornean Languages: Issues in Description, Subgrouping, and Reconstruction (Tisis). University of Hawaii at Manoa. hdl:10125/101972.{{cite thesis}}: CS1 maint: date auto-translated (link)