Pumunta sa nilalaman

Guinayangan

Mga koordinado: 13°54′N 122°27′E / 13.9°N 122.45°E / 13.9; 122.45
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Guinayangan

Bayan ng Guinayangan
Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Guinayangan.
Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Guinayangan.
Map
Guinayangan is located in Pilipinas
Guinayangan
Guinayangan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 13°54′N 122°27′E / 13.9°N 122.45°E / 13.9; 122.45
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganQuezon
DistritoPang-apat na Distrito ng Quezon
Mga barangay54 (alamin)
Pagkatatag1769
Pamahalaan
 • Punong-bayanMaria Marieden M. Isaac
 • Manghalalal28,269 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan214.12 km2 (82.67 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan44,045
 • Kapal210/km2 (530/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
11,521
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-3 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan17.25% (2021)[2]
 • Kita₱172,031,229.89 (2020)
 • Aset₱580,854,999.09 (2020)
 • Pananagutan₱359,412,873.67 (2020)
 • Paggasta₱141,589,199.96 (2020)
Kodigong Pangsulat
4319
PSGC
045618000
Kodigong pantawag42
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikaWikang Inagta Alabat
wikang Tagalog
Websaytguinayangan.com

Ang Guinayangan ay isa sa mga bayan ng lalawigan ng Quezon na dating Tayabas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 44,045 sa may 11,521 na kabahayan. Ang bayang ito ay matatagpuan sa dulong timog ng lalawigan . Kabilang sa ika-apat na uri, ayon sa bagong klasipikasyon ng mga bayan, ang Guinayangan ay may lawak na 22,880 ektarya, humigit kumulang at pinaninirahan ng mahigit 45,000 mamamayan, sang ayon sa pinakabagong senso. Bisaya, Tagalog, Bikolano, Ilokano, Pampanguenio at mga katutubong katabangan ang pinggagalingan ng mga tao dito.

Ang Guinayangan ay may layong 255 kilometro mula lunsod ng Maynila, kung lalakbayin ng SLEX. Mararating din ang bayang ito sa pamamagitan ng sasakyang dagat dahil sa ito ay nasa baybay ng look Ragay, sa katunayan, noong walang pang daang bakal mula sa Aloneros, isang baranggay ng sakop ng Guinayangan na nadadaanan ng daang bakal, ang mga taga rito ay lumuluwas sa pamamagitan ng bapor, sapagkat noon ay may daungan dito. Malayang makararating dito ang mga Bikolano, Bisaya at iba pang mga kababayan sa pamamagitan ng paglalakbay dagat.

Ayon sa kasulatang hango sa Expediente a Conulta En Que de Los Moros Han Destinado El Pueblo Guinayangan1769, National Archives, Bureau of Records, Manila at gayon din sa mga salaysay ng mga katutubong mamamayan. Walang nakuhang tiyak na petsa sa pagkakatatag ng Pueblo de Guinayangan. Gayon man nasasabi sa nabanggit na kasulatan at kalakip nitong mapa na ang Guinayangan ay nasa bungad ng ilog Cabibihan. Ang bayang ito ay nilusob ng maga piratang moro na lulan ng tatlumpo at dalawang bangka noong 1769. Lumaban ang mga mamamayan at tumagal ang labanan ng talong araw. Mapipigilan sana ang mga mamamayan kundi dumating ang saklolo buhat sa Gumaca at Atimonan. Ang mga mamayan at inatasan ng Alkalde Mayor na lumikas muna sa Gumaca, subalit ang utos naman ng Senior Obispo Antonio de Luna sa kanola ay humanap na lamang ng bagong pook na pagtatayuan ng kanilang pamayanan. Sila ay tumongo sa dakong ilaya ng kabibihan at itinayo ang Nuevo Guinayangan sa Sitio Apad ng ng visita ng Vinas. Samakatuwid, ang bayan ng Guinayangan ay natatag ng mga taong 1600 at 1700 a.d..

Ang bayan ng Guinayangan ay nahahati sa 54 na mga barangay.

  • A. Mabini
  • Aloneros
  • Arbismen
  • Bagong Silang
  • Balinarin
  • Bukal Maligaya
  • Cabibihan
  • Cabong Norte
  • Cabong Sur
  • Calimpak
  • Capuluan Central
  • Capuluan Tulon
  • Dancalan Caimawan
  • Dancalan Central
  • Danlagan Batis
  • Danlagan Cabayao
  • Danlagan Central
  • Danlagan Reserva
  • Del Rosario
  • Dungawan Central
  • Dungawan Paalyunan
  • Dungawan Pantay
  • Ermita
  • Gapas
  • Himbubulo Este
  • Himbubulo Weste
  • Hinabaan
  • Ligpit Bantayan
  • Lubigan
  • Magallanes
  • Magsaysay
  • Manggagawa
  • Manggalang
  • Manlayo
  • Poblacion
  • Salakan
  • San Antonio
  • San Isidro
  • San Jose
  • San Lorenzo
  • San Luis I
  • San Luis II
  • San Miguel
  • San Pedro I
  • San Pedro II
  • San Roque
  • Santa Cruz
  • Santa Maria
  • Santa Teresita
  • Sintones
  • Sisi
  • Tikay
  • Triumpo
  • Villa Hiwasayan
Senso ng populasyon ng
Guinayangan
TaonPop.±% p.a.
1903 3,870—    
1918 4,053+0.31%
1939 15,948+6.74%
1948 8,390−6.89%
1960 16,428+5.76%
1970 26,278+4.80%
1975 26,860+0.44%
1980 29,174+1.67%
1990 32,829+1.19%
1995 36,775+2.15%
2000 37,164+0.23%
2007 39,074+0.69%
2010 41,669+2.37%
2015 45,155+1.54%
2020 44,045−0.49%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Quezon". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Quezon". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]