Atimonan
Atimonan Bayan ng Atimonan | ||
---|---|---|
| ||
![]() Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Atimonan.ta | ||
![]() | ||
Mga koordinado: 14°00′13″N 121°55′11″E / 14.003589°N 121.919861°EMga koordinado: 14°00′13″N 121°55′11″E / 14.003589°N 121.919861°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) | |
Lalawigan | Quezon | |
Distrito | Pang-apat na Distrito ng Quezon | |
Mga barangay | 42 | |
Pagkatatag | 4 Pebrero 1608 | |
Pamahalaan | ||
• Punong-bayan | Jose F. Mendoza | |
• Manghalalal | 35,109 botante (2019) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 239.66 km2 (92.53 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2015) | ||
• Kabuuan | 63,432 | |
• Kapal | 260/km2 (690/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 14,422 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan | |
• Antas ng kahirapan | 27.53% (2015)[2] | |
• Kita | ₱161,538,438.50 (2016) | |
Kodigong Pangsulat | 4331 | |
PSGC | 045603000 | |
Kodigong pantawag | 42 | |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima | |
Mga wika | Wikang Tagalog | |
Websayt | atimonan.gov.ph |
Ang Atimonan ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Naghahanggan ang bayan sa mga munisipalidad ng Gumaca, Plaridel, Pagbilao at ng Padre Burgos. Ayon sa 2015 senso, ito ay may populasyon na 63,432 sa may 14,422 na kabahayan.
Isang makasaysayang lugar ang bayan na itinayo pa noong panahong kolonyal ng mga Kastila. Maraming mga masaysayang mga lugar sa bayan tulad ng simbahang bayan, ang daang Balagtas, at ang watchtower ng Iskong Bantay, sa daang kapangalan din ng watchtower, na pangunahing ginamit noong panahong Kastila para mapag-handaan ang mga paglusob ng mga piratang muslim.
Mamamayan at Kultura[baguhin | baguhin ang batayan]
Atimonanin (atimonean) ang tawag sa mga naninirahan sa Atimonan. Tagalog ang pangunahing wika, at maraming lokal na ekspresyon. Kadalasang nauunawaan ng mga Manilenyo ang Atimonang Tagalog, ngunit may kakaunting pagkakaiba. Karamihan sa mga Atimonanin ay may lahing Intsik o kaya'y Kastila. Ang ibang Atimonanin naman ay nakakapagsalita ng Bicolano, Lan-nang, o kaya'y Espanyol.
Pinakamalaking relihiyon ang Romano Katoliko sa Atimonan, may mga grupo o sekta din gaya ng Iglesia ni Cristo, Latter Day Saints at Born Again Christians. Ang Atimonan ay malalim na kaugat sa rural na buhay pangingisda.
Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Nakabase ang ekonomiya ng Atimonana sa pangingisda at agrikultura. Marami rin ang nagiging marino. Bahagi ang bayan sa programang Tourism Highway ng Kagawaran ng Turismo.
Mga Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang bayan ng Atimonan ay nahahati sa 42 barangay.
|
|
|
Mga Tanawin[baguhin | baguhin ang batayan]
- Quezon National Forest Park
- Mount Mirador
- Pinagbanderahan
- Atimonan Mermaid
- Our Lady of the Angels Parish Church and Plaza
- Lamon Bay
Demograpiko[baguhin | baguhin ang batayan]
Senso ng populasyon ng Atimonan | ||
---|---|---|
Taon | Pop. | ±% p.a. |
1903 | 11,203 | — |
1918 | 13,087 | +1.04% |
1939 | 18,512 | +1.67% |
1948 | 21,474 | +1.66% |
1960 | 32,294 | +3.46% |
1970 | 35,478 | +0.94% |
1975 | 37,483 | +1.11% |
1980 | 39,894 | +1.25% |
1990 | 46,651 | +1.58% |
1995 | 54,283 | +2.88% |
2000 | 56,716 | +0.94% |
2007 | 59,157 | +0.58% |
2010 | 61,587 | +1.48% |
2015 | 63,432 | +0.56% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "Province: Quezon". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
- ↑ https://psa.gov.ph/sites/default/files/City%20and%20Municipal-level%20Small%20Area%20Poverty%20Estimates_%202009%2C%202012%20and%202015_0.xlsx; petsa ng paglalathala: 10 Hulyo 2019; tagapaglathala: Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas.
- ↑ Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
- ↑ Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
- ↑ Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
- ↑ "Province of Quezon". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.