Pumunta sa nilalaman

Bantayog ng mga Bayani

Mga koordinado: 14°38′39″N 121°2′21″E / 14.64417°N 121.03917°E / 14.64417; 121.03917
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bantayog ng mga Bayani
Mga koordinado14°38′39″N 121°2′21″E / 14.64417°N 121.03917°E / 14.64417; 121.03917
KinaroroonanQuezon Avenue, Diliman, Quezon City, Philippines
Inihandog kayThe memory of Martial law in the Philippines and People Power Revolution
Opisyal na website

Ang Bantayog ng mga Bayani, ay isang monumento, museo, at sentro ng pagsasaliksik sa kasaysayan sa Lungsod ng Quezon sa Pilipinas. Pinaparangalan ng bantayog ang mga martir at bayani na nagpumiglas laban sa 21-taong diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.[1][2]

Matapos napatalsik si Pangulong Ferdinand Marcos sa bisa ng People Power Revolution noong 1986, bumisita sa Pilipinas si Ruben Mallari, isang Doktor na Pilipinong-Amerikano. Nakita niya ang halaga ng pagsasa-alaala sa mga taong sumalungat sa awtoridad ng Marcos ngunit hindi nakatira nakaraan ang People Power Revolution, kaya't agad niyang ipinanukala ang isang bantayog para sa mga ito.[3]

Itinayo ang Bantayog ng mga Bayani Memorial Foundation bilang tugon sa mungkahi ni Dr. Mallari. Ang dating Dekano ng College of Public Administration Unibersidad ng Pilipinas na si Ledivina V. Cariño ang siyang nanguna sa pagsulat ng concept paper para sa ibinabalak na bantayog.[3] Itinatag ang isang Research and Documentation Committee para siyasatin kung sino-sino ang mga dapat maisama sa pagpaparangal.[1]

Mula sa simula, hinangad ng Bantayog ng mga Bayani na igalang ang lahat ng mga nagpumiglas laban sa rehimeng batas militar noong 1972, anuman ang kanilang mga pinagkakasapiang organisasyon o ideolohiya. Dahil sa paninindigang "walang kompromiso kay Marcos at sa diktadurang Marcos", pinaarangalan ng bantayog ang lahat ng indibidwal na sumalungat sa diktadurya ano man ang kanilang pagkakahanayang samahan o kilusan.[4]

Wall of Remembrance

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Wall of Remembrance sa Bantayog ng mga Bayani.

Ang pangunahing tanda ng pag-alaala sa Bantayog ay ang "Wall of Remembrance" na gawa sa granite kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga martir at bayani na nagpumiglas sa pag-a-abuso ng diktadurang Marcos.[3]

Ang mga indibidwal na pinarangalan sa dingding ay hinirang ng mga pamilya ng mga biktima, mga miyembro ng samahang sibiko, o sa pangkalahatang publiko. Ang mga nominasyon na ito ay sinusuri sa ilalim ng isang hanay ng mga pamantayan ng Research and Documentation Committee ng Bantayog ng mga Bayani Memorial Foundation, na nagsusumite ng mga rekomendasyon sa Executive Committee. Ang Board of Trustees ng Pundasyon ang siyang nagbibigay ng huling pag-apruba.[3]

Noong una, hangarin ng Bantayog na parangalan lamang ang mga martyr na namatay noong panahon ng diktadura. Ngunit matapos ng masusing pag-aaral, nagpasya ang pundasyon na parangalan din ang mga taong nagtataguyod ng kalayaan, hustisya, at demokrasya sa panahon ng administrasyong Marcos, kahit ang kanilang kamatayan ay nangyari nung nakalipas na ang People Power Revolution.[3]

Ang unang pangkat ng 65 na pangalan ay iniukit sa Wall of Remembrance noong 1992. Kasama dito ang mga tulad ng Pinuno ng mga Kalinga na si Macli-ing Dulag; ang tagapaglathala na si Chino Roces at ang mamamahayag na si Alex Orcullo; ang dating mga punong mahistrado ng Korte Suprema na sina Roberto Concepcion at Claudio Teehankee ; ang misyonerong si Father Tullio Favali, at ang kura paroko ng Caoayan, Ilocos Sur na si Zacarias Agatep, ang madreng si Sister Mary Bernard Jimenez, ang laikong social worker na si Puri Pedro, ang pari ng Philippine Independent Church na si Jeremias Aquino; ang makatang-aktibista na si Emman Lacaba ; ang mga aktibista ng mag-aaral tulad nina Rizalina Ilagan, Cristina Catalla at Liliosa Hilao ; ang negosyanteng si Gaston Ortigas; gayundin ang mga politiko tulad ng dating mga senador na sina Lorenzo Tañada, Benigno Aquino, Jr., at Jose W. Diokno, ang gobernador ng Antique na si Evelio Javier, ang alkalde ng Zamboanga City na si Cesar Climaco, at ang konsehal ng Dipolog City na si Jacobo Amatong.[3]

Sa taong 2019, nasa 316 na mga pangalan ang naitala sa Wall of Remembrance.[5][6][7][8]

Ang librong Ang Mamatay ng Dahil sa 'Yo: Heroes and Martyrs of the Filipino People in the Struggle Against Dictatorship 1972-1986 na inilathala noong 2015 ng National Historical Commission of the Philippines, ay nagtatampok ng mga maikling talambuhay ng bayani at martir ng paglaban sa diktadurya ng batas militar.[9][10]

Ang monumento ng Inang Bayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa Bantayog ng mga Bayani rin ang isang 35-talampakang rebulto na pinangalanang "Inang Bayan." Matatagpuan ito malapit sa bandang harapan ng Bantayog malapit sa kanto ng Quezon Avenue at EDSA, kung kaya madali itong matanaw mula sa kalsada.[11]

Inilalarawan ng Inang Bayan ang isang babae na pilit inaabot ang kalangitan at kalayaan, habang inaakay ang bangkay ng isang kabataang napaslang. Ang babae isang matalinghagang paglalarawan ng "inang bayan" na Pilipinas ( inang bayan sa Filipino ), habang ang kabataan ay kumakatawan sa pagsasakripisyo at kabayanihan ng mga martir na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng mamamayang Pilipino.[12]

Ang tatlong mga plake sa base ng bantayog ay naglalaman ng huling saknong ng " Mi Ultimo Adios " ni Jose Rizal sa Ingles, Filipino, at sa orihinal na Espanyol.[13] Wika ng plaka sa Ingles:

"I die just when I see the dawn break
Through the gloom of night, to herald the day:
And if color is lacking my blood thou shall take,
Pour’d out at need for thy dear sake,
To dye with its crimson the waking ray."[13]

Ang monumento ay nilikha ni Eduardo Castrillo, isang Pilipinong iskultor na kilala rin sa pag-likha ng mga akdang katulad ng People Power Monument (1993), ang Dambana ni Bonifacio at ng Rebolusyong Katipunan (1998) at ang mural na "Consolidated Growth through Education" na siyang sumasagisag sa Polytechnic University of the Pilipinas (1974).

Ang Museuo ng Bantayog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag noong kalagitnaan ng 2000 ang Bantayog ng mga Bayani Museum, na nakatalaga sa ikalawang palapag ng Gusaling Jovito R. Salonga sa likuran lamang ng Wall of Remembrance.[14]

Pangunahing koleksyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangunahing koleksyon ng museo ay nagtatampok ng mga bagay na nauugnay sa kinikilalang mga bayani at martir, at sa panahon ng diktadurang Marcos. Inaasahan nitong buhayin ang kasaysayan para sa mga bumibisita sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng mga karumal-dumal na karanasan ng mga nabuhay noong panahon ng batas militar.[15]

Nakatuon ang museo sa mga taon ng pamamahala ni Marcos mula 1965 hanggang 1986, lalo sa mga pangyayaring naganap mula nung pagdeklara ng Batas Militar noong 1972. Ngunit bilang pagbibigay ng konteksto, bahagyang sinasaklaw din nito ng mga pangyayaring naganap bago ang pagkapangulo ni Marcos noong 1965, at ang maikling panahon pagkatapos ng EDSA Revolution - humigit-kumulang hanggang sa 1987.[15]

Replica ng piitan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bahagi ng koleksyon ng Museo ng Bantayog ang isang replica ng piiitan na batay sa alaala ni Hilda Narciso, na isang biktima ng Martial Law.[16] Si Hilda Narciso ay isang lay worker ng Simbahang Katoloko nung ipiniit, pinagsinamantalanan, at pinahirapan ng mga puwersang anib sa diktaduryang Marcos.[17] Ipiniit siya kasama ng dalawampung kapwa-preso sa isang piitang di lalaki sa dalawa o tatlong metro kwadrado.[18][19]

Banghay ng mga samahang nakipaglaban sa diktadurya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Madalas di napapansin sa isang dako ng Museo ng Bantayog ang isang diagram ng iba`t ibang mga samahan na kasangkot sa paglaban laban sa kalabisan ng diktadurang Marcos. Ipinapakita nito ang mga samahang sumapi sa pakikkipaglaban, mula sa mga konserbatibong pangkat, kabilang ang mga organisasyong batay sa pananampalataya tulad ng Negros Occidental Women Religious Association (NOWRA), at Task Force Detainee ng Pilipinas, at mga organisasyong ng negosyante tulad ng Makati Business Club ; hanggang sa mga progresibong organisasyon tulad ng Kilusang Mayo Uno at Kabataang Makabayan.[20] Habang hindi kapansin-pansin ang diagram na ito, kinikilala ito ng mga akademiko bilang isa sa mga pinaka-komprehensibong pagsasalista ng mga pangkat na naipahayag nang naging kasama sa pagkilos laban kay Marcos.[20]

Bulwagan ng Alaala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa bandang tabi ng pangunahing silid ng museo, may isang permanent exhibit na tinatawag na "Hall or Remembrance." Nagbibigay ito ng karagdagang mga detalye tungkol sa buhay ng mga bayani at martir na pinaparangalan sa Wall of Remembrance.[15] Pinapangkat ng exhibit ang mga bayani at martir sa iba`t ibang sektor, at nagbibigay ng maikling talambuhay ng bawat pinarangalan.[15]

Iba pang mga exhibit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang iba pang mga makabuluhang bahagi ng Bantayog ay kinabibilangan ng mga artepakto tulad ng Senate Seal na ginamit noong termino ni Jovito Salonga sa senado, at ilang likhang sining tulad ng iskulturang 'Utang na Labas ( lit. "Panlabas na Utang" ) ni Jerry Araos - hanog sa konsepto ng Utang na loob, na isinasalarawan kung paano pinahirapan ng administrasyong Marcos ang bansang Pilipino.[12]

Ang Gusaling Salonga at ang looban ng Bantayog ay madalas ding pagpuwestuhan ng mga temporary exhibit, tulad ng "Desaparacidos" ni Toym Imao.[21][22]

Ang looban ng Bantayong ng mga Bayani ay idinisenyo ni Ildefonso P. Santos Jr., na hinirang bilang isang Pamansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Arkitekturang Paisahe noong 2006.[23]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Layug, Margaret Claire (2018-11-30). "7 more 'heroes' added to 'Bantayog ng mga Bayani' wall". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-12-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cabato, Regine D.; Sayson, Frances P. (2014-09-11). "Braving the storm". The Guidon (sa wikang Ingles). Ateneo de Manila University. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-20. Nakuha noong 2019-06-06.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 "About". Bantayog ng mga Bayani. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2016. Nakuha noong 3 Abril 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Bueno, Anna (Setyembre 22, 2017). "Martial law survivors: "Sa panahong ito, ano ba sa tingin niyo ang bayani?"". CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-06-06. Nakuha noong 2019-06-06.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gamil, Jaymee (2 Disyembre 2015). "15 new martyrs honored in Bantayog ng mga Bayani". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 3 Abril 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Doyo, Ma. Ceres P. "11 more heroes in Bantayog ng mga Bayani" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-03-30.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Doyo, Ma. Ceres P. (Nobyembre 30, 2018). "7 new Bantayog heroes honored today". Inquirer News. Nakuha noong 2018-12-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Doyo, Ma Ceres P. (Nobyembre 30, 2019). "11 more honored at Bantayog for defying Marcos dictatorship". Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. "Ang mamatay nang dahil sa 'yo – Bantayog ng mga Bayani". Bantayog ng mga Bayani (sa wikang Ingles). 2015-10-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-03-30. Nakuha noong 2018-03-30.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Doyo, Ma. Ceres P. "'Ang mamatay nang dahil sa 'yo'" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-03-30.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Roxas-Mendoza, Psyche (2017-12-10). "A Time for Heroes". The Philippines Graphic (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-20. Nakuha noong 2020-03-02.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Madarang, Rhea Claire. "This place in Metro Manila takes you on a gripping Martial Law tour". Rappler.
  13. 13.0 13.1 Doyo, Ma Ceres P. "Castrillo's monument against Marcos tyranny". opinion.inquirer.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-26. Nakuha noong 2019-04-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "8 More Museums You've Been Taking for Granted for Too long". ph.news.yahoo.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-25. Nakuha noong 2019-04-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 "Philippine Museum Honors Resistance to Martial Law". AsiaPacific Human Rights Information Center. Nakuha noong 2019-03-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Enano, Jhesset O. (2017-09-17). "Battle not yet over for Bantayog". newsinfo.inquirer.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-17. Nakuha noong 2019-04-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Pasion, Patty (Setyembre 21, 2016). "A Martial Law victim's story of healing" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-17.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Yap, DJ (2017-09-22). "Martial law retold to millennials: "I was a rape victim, a survivor"". The Philippine Daily Inquirer.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Pasion, Patty (2016-09-21). "A Martial Law victim's story of healing". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-04-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 Claudio, Lisandro E. (2013) Taming People's Power: The EDSA Revolutions and Their Contradictions. Ateneo de Manila University Press. ISBN 9789715506557
  21. Enano, Jhesset O. "Art is his 'Laser Sword' vs Marcoses". newsinfo.inquirer.net.
  22. "Designing Conscience: sculptor Toym de Leon Imao reveals how to design memorials in the era of historical revisionism". Hulyo 18, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Santos, Tomas U. "Thomasians named new National Artists" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-11-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)