Puri Pedro
Si Purificacion "Puri" Pedro (Setyembre 22, 1948 - Enero 23, 1977) ay isang Pilipinong manggagawang panlipunan (social worker) at manggagawang laiko (lay worker) ng Simbahang Romano Katoliko na pinatay ng mga sundalo ilalim ng diktadura ng dating pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos noong 1977.
Bilang pag-alala sa kanyang pagkamartir, at sa kanyang pagboboluntaryo sa mga gawain sa parokya, kasama ang kanyang pagsisilbi sa mga taga- Kalinga at Bontoc na tumugis sa Chico River Dam Project, nakalilok ang kaniyang pangalan sa Wall of Remembrance ng Bantayog ng mga Bayani.
Siya'y tinuturing na isa sa limang "babaeng martir" ng University of the Philippines Diliman, at siya ay nasa listahan ng mga nominandong pangalanan na Lingkod ng Diyos ng Simbahang Katoliko.