Pumunta sa nilalaman

Gawaing panlipunan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang gawaing panlipunan (Ingles: social work) ay isang propesyon o larangang nakatuon at nakalaan sa pagsusumigasig na makakamit ng katarungang panlipunan, sa kalidad ng buhay, at sa pagpapaunlad ng buong potensiyal ng bawat isang tao o indibiduwal, pangkat at pamayanan sa loob ng isang lipunan.

Ang manggagawang panlipunan, manggagawa ng gawaing panlipunan, o tagagawa ng gawaing panlipunan, na kilala sa Ingles bilang social worker, ay isang empleyado o tauhan ng pamahalaan na tumutulong sa mga taong hindi kayang tulungan ang kanilang mga sarili, kasama na ang mga taong may kapansanang pangkatawan, mga taong nalulong sa alak, at mga taong nalulong sa bawal na mga gamot na katulad ng kokaina at marihuwana. Tinutulungan ng taong ito ang taong batbat ng matinding paghihikalos o pagkadehado sa lipunan upang magkaroon ng normal na buhay, katulad ng pagkakaroon ng trabaho, tirahan, pera, at iba pa. Kapag sumasailalim sa pang-aabuso ang isang bata, nakakatulong ang manggagawang panlipunan sa pagkuha ng bata at pagdadala nito sa isang tahanan o upang mapangalagaan ng ibang tao. Nagmumula sa pamahalaan ang mga manggagawang panlipunan.

Lumalapit o kumukuha ang mga panlipunang mga manggagawa mula sa mga agham panlipunan at kadalubhasaang klinikal upang lutasin ang mga suliraning panlipunan. Maaari silang magtrabaho para sa pananaliksik o sa pagsasakatapuran ng kanilang larangan, o kaya kapwa sa mga gawaing ito. Karaniwang mayroong degri o lisensiyang nakatala ang mga nagsasakatuparan ng kanilang larangan o disiplina, tinatawag na Lisensiyadong Klinikal na Manggagawang Panlipunan (Licensed Clinical Social Worker sa Ingles), na nakabatay o depende sa batas pambansa. Malimit na nakatuon ang pananaliksik sa gawaing panlipunan sa mga paksang katulad ng terapiyang pang-indibiduwal at mag-anak, patakarang panlipunan, at pangangasiwa at kaunlarang pampubliko o pangmadla. Nakaayos ang mga panlipunang manggagawa sa pagiging lokal, pambansa o nasyunal, at pandaigdig o internasyunal na mga katawang propesyunal upang mapalawig pa ang mga layunin ng propesyon.


TaoPamahalaanLipunan Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Pamahalaan at Lipunan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.