Kilusang Mayo Uno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
KMU
KMU logo.png
Buong pangalanKilusang Mayo Uno
Tinatag1 Mayo 1980; 41 taon nang nakalipas (1980-05-01)
Kasapi ngBayan, ITUC, WFTU, IMwF
Mga mahahalagang taoElmer Labog, Tagapangulo
Lugar ng katungkulanLungsod Quezon, Kalakhang Maynila
BansaPilipinas
Pook-sapotkilusangmayouno.org

Ang Kilusang Mayo Uno (KMU) ay isang pambansang sentrong unyon ng kalakalan sa Pilipinas. Ito ang alyansa ng mga daan-daang mga progresibong samahan sa paggawa sa ilalim nito. Nilikha ito noong Mayo 1, 1980 noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos upang katawanin ang mga samahan ng mga progresibong manggagawa sa Pilipinas na sinusulong ang Pambansang Demokratikong pakikibaka - partikular ang pagtanggal sa nakikitang Imperyalismo ng Estados Unidos.

Mga kampanya[baguhin | baguhin ang batayan]

Nanawagan ang KMU noong 1999 para sa isang kabuuan ng pagtaas ng sahod na ₱125. Noong Disyembre 2006, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang House Bill 435 na nagpapataas ng ₱125 sa sahod.

Nanguna rin ang KMU sa isang kampanya laban sa mga pagpatay sa labas ng batas. Mula pa noong 2001, higit sa 70 unyonista at aktibista sa paggawa ang napatay ng mga mamamatay na pangkat. Ang pangulo ng unyon ng Nestlé Philippines at Tagapangulo ng PAMANTIK na si Diosdado Fortuna ay kabilang sa mga napatay. Naglunsad din sila ng isang pandaigdigang kampanya laban sa pulitikal na pagpatay at nagsampa ng reklamo sa International Labour Organization laban sa pamahalaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Mayroon din silang isang patuloy na kampanya upang i-boykot ang Nestlé, na inaakusahan nila ng paglabag sa mga karapatan sa paggawa sa mga pasilidad ng kumpanya sa lalawigan ng Laguna.

Kasama sa mga naunang kampanya ay ang welga sa transportasyon noong 2004 upang iprotesta ang pagtaas ng presyo sa langis, at isang kampanya upang palayain ang yumaong kongresistang si Crispin Beltran mula sa pagkakulong ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Mga ibang panawagan[baguhin | baguhin ang batayan]

Tulad ng ibang mga militanteng grupo, nananawagan din ang kilusan ng wastong pagpopondo sa mga pangunahing serbisyong panlipunan na magpapagaan sa mga pasakit ng isang pangkaraniwang manggagawa at mga Pilipino sa pangkalahatan. Bukod sa pakikibaka para sa mga karapatan ng mga manggagawa, ang KMU ay naging aktibong kritiko rin ng Palasyo, na binabanggit ang gobyernong Aquino bilang isang papet ng mga imperyalistang Estados Unidos. Tinukoy nila ang pagpapakalinga ng gobyerno sa mga korporasyon para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng Bagyong Yolanda, isang pamamaraan upang kunin ang murang paggawa mula sa mga biktima ng mga natural na kalamidad.

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  • ICTUR; atbp., mga pat. (2005). Trade Unions of the World (ika-6th (na) edisyon). London, UK: John Harper Publishing. ISBN 0-9543811-5-7.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.