Ildefonso P. Santos, Jr.
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas Ildefonso P. Santos, Jr. | |
---|---|
Kapanganakan | 5 Setyembre 1929 |
Kamatayan | 29 Enero 2014 Maynila, Pilipinas | (edad 84)
Nasyonalidad | Pilipinas |
Ibang pangalan | IP Santos |
Nagtapos | Pamantasan ng Santo Tomas |
Parangal | Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura (2006); Patnubay ng Kalinangan; Parangal ng Bayan (1988); Outstanding Professional for Landscape Architecture |
Si Ildefonso Paez Santos, Jr., higit na kilala bilang "IP Santos" (5 Setyembre 1929 – 29 Enero 2014), ay Pilipinong arkitekto na kinilala sa pagiging "Ama ng Arkitekturang Paisahe sa Pilipinas." Kinilala siyang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng Arkitektura noong 2006.[1]
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Siya ay anak ng manunulang si Ildefonso Santos at Asuncion Paez.[2] Nagtapós si Santos ng arkitektura sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1954. Pinagpatuloy niya ang pag-aaral ng arkitektura at master sa University of Southern California School of Architecture.[3]
Mga Gawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inumpisahan ni Santos ang propesyon ng arkitekturang paisahe sa Pilipinas[4] Ilan sa kaniyang ginawa ay ang paisahe ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, Manila Hotel, Gusali ng San Miguel Corporation sa Mandaluyong, Nayong Pilipino, Liwasang Paco, Liwasang Rizal, Loyola Memorial Park, Tagaytay Highlands Golf and Country Club, The Orchard Golf and Country Club, Simbahan ng Magallanes sa Makati, at Asian Institute of Management.
Iginawad sa kaniya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 9 Hunyo 2006 ang parangal bilang "Pambansang Alagad ng Sining" bilang pagkilala sa katangi-tangi niyang naiambag sa larangan ng arkitektura at kaalyadong sining.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Jose Rizal Relief Sculptures - Manila, Philippines - Relief Art Sculptures on Waymarking.com". waymarking.com. Nakuha noong 2014-04-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Architect IP Santos, Jr. Library Collection Turnover to the College of Architecture Library | UP Library Bulletin Online". uplibrarybulletin.wordpress.com. Nakuha noong 2014-01-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ildefonso P. Santos, Jr. | Arkitektura | Philippine Architecture, Architects, News". arkitektura.ph. Nakuha noong 2014-01-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles) - ↑ "National Commission for Culture and the Arts". web.archive.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-01. Nakuha noong 2014-04-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles) - ↑ "Presidential Proclamation No. 1068" (PDF). GOVPH. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-02-20. Nakuha noong 2014-09-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)