Liwasang Paco
Ang Liwasang Paco ay isang parke at libingan na matatagpuan sa Lungsod ng Maynila sa Pilipinas. Ito ay ang unang libingan sa Maynila na matatagpuan hindi kalayuan sa lungsod na mayroong mahusay na bentilasyon at napaliligiran ng pader o bakod at namamarkahan ng krus.[1] Ito ang pinakamatandang libingan sa Maynila.[2]
Istruktura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong 4,100 metro kwadrado ang sukat ng Liwasang Paco.[3] Ang liwasan ay may disenyong pabilog na may bukal (Inggles: fountain) sa gitna na noon ay libingan ng mga mahihirap sa lipunan.[4] Matatagpuan din sa loob ng liwasan ang kapilya ng St. Pancratius na isang simbahan kung saan ay maaaring magpakasal.[3] Napapalibutan ang liwasan ng pader na gawa sa limestone. Ilan sa mga punong matatagpuan sa loob ng liwasan ay ang mga puno ng akasya, frangipani, at dogwood.[5]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1589 ay itinayo ng mga misyonerong Franciscano ang komunidad na ito sa labas ng Intramuros at tinawag na Dilao dahil sa halamang dilaw na amaryllis na saganang tumubo noong ika-16 na siglo.[5] Tinatayang dalawang kilometro ang layo ng Dilao sa Intramuros.[3]
Pinalitan ng Paco ang Dilao noong ika-19 na siglo. Ang Paco ay ang daglat ng Francisco na tumutukoy sa mga Franciscano.[5]
Noong 1817 ay sinimulan ang pagpapagawa ng sementeryo sa utos ng gobyerno. Ang orihinal na layon ng sementeryong ito ay para sa mga mayayaman at aristokratikong mga Espanyol.[5][3]
Dahil sa salot ng kolera sa Manila noong 1820 ay maraming pinatay na mga Tsino at taga-Europa na pinaniwalaang nagpakalat ng sakit na kolera.[4] Naatasan si Don Nicolas Ruiz na idisenyo ang sementeryo upang mailagak doon ang dumaraming namamatay.[6] Sa malalaking pader inilagay ang mga nitso.[5]
Pinasinayaan ang libingan noong Abril 22, 1822.[5][3]
Nagplano si Gobernador Heneral Fernando de Norzagaray noong 1859 na magpatayo pa ng karagdagang mga nitso.[5]
Ginawang imbakan ng mga armas ng mga sundalong Hapones ang sementeryo noong kanilang inokupa ang Maynila.[5]
Libingan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Liwasang Paco nakalibing sina Jose Burgos, Jacinto Zamora, at Mariano Gomez na naakusahang nag-udyok sa pag-alsa sa Cavite noong 1872.[3]
Dito rin unang inilagak ang mga labi ni Jose Rizal matapos siyang patayin noong December 30, 1896. Inilibing siya sa isang libingan na walang marka upang hindi ito magamit ng mga rebolusyunaryong Pilipino. Natagpuan ni Narcisa, isa sa mga nakakatandang kapatid ni Rizal, ang pinaglibingan kay Rizal at pinaglayan niya ito ng isang tanda kung saan nakasulat ang mga letrang "R.P.J." na inisyal ng pangalan ni Rizal na nakabaligtad. Ipinahukay ni Narcisa ang mga labi ni Rizal noong 1898. Ang mga labi ay inilagay sa isang urna na yari sa garing at nanatili sa tahanan ni Narcisa sa Binondo. Inilipat ang mga labi ni Rizal sa Liwasang Rizal noong 1912.[3]
Ipinasara ng kolonyal na pamahalaan ng Amerika ang sementeryo noong 1912 at karamihan sa mga nitso ay wala nang laman at selyado na.[6][3] Sa kasalukuyan ay mayroon pa rin 65 na nakalibing dito kabilang ang 22 na bata.[3]
Parke
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pamumuno ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1966 ay naging pampublikong parke ang sementeryo. Pinaganda ang parke noong dekada 70 sa pamumuno ni Unang Ginang Imelda Marcos.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Chu, Richard T.; Ang See, Teresita (2016-10-15). "Toward a History of Chinese Burial Grounds in Manila during the Spanish Colonial Period". Archipel. Études interdisciplinaires sur le monde insulindien (sa wikang Ingles) (92): 63–90. doi:10.4000/archipel.283. ISSN 0044-8613.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Akpedonu, Erik (2016-10-15). "The Manila Chinese Cemetery: A Repository of Tsinoy Culture and Identity". Archipel. Études interdisciplinaires sur le monde insulindien (sa wikang Ingles) (92): 111–153. doi:10.4000/archipel.288. ISSN 0044-8613.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 3.8 Sison, Norman (2014-10-31). "Paco Park: Where history lies with the dead". VERA Files (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 4.0 4.1 Pahimnayan, Sarah Jane S. (Disyembre 13, 2017). "Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ng Paco Park at Cemetery " Death and Resurrection of Paco Park & Cemetery "". Academia.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 5.6 5.7 5.8 Enriquez, Marge C. (2022-05-10). "Laden with layers of history, Paco Park turns 200". Lifestyle.INQ (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 6.0 6.1 Alcazaren, Paulo (Oktubre 29, 2016). "From cemetery to park". www.philstar.com. Nakuha noong 2024-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)