Dipolog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Dipolog

Lungsod ng Dipolog
Dipolog airport aerial view.jpg
Mapa ng Zamboanga del Norte na nagpapakita ng lokasyon ng Dipolog.
Mapa ng Zamboanga del Norte na nagpapakita ng lokasyon ng Dipolog.
Dipolog is located in Pilipinas
Dipolog
Dipolog
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 8°34′00″N 123°20′00″E / 8.5666667°N 123.3333333°E / 8.5666667; 123.3333333Mga koordinado: 8°34′00″N 123°20′00″E / 8.5666667°N 123.3333333°E / 8.5666667; 123.3333333
BansaPilipinas
RehiyonTangway ng Zamboanga (Rehiyong IX)
LalawiganZamboanga del Norte
Pamahalaan
Lawak
[1]
 • Kabuuan241.13 km2 (93.10 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2015)
 • Kabuuan130,759
 • Kapal540/km2 (1,400/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
29,503
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
7100
PSGC
097202000
Kodigong pantawag65

Ang Dipolog, opisyal na Lungsod ng Dipolog (pagbigkas: di•pó•log; Sebwano: Dakbayan sa Dipolog) ay isang lungsod at siya ring kabisera ng lalawigan ng Zamboanga del Norte, Pilipinas. Ayon sa 2015 senso, ito ay may populasyon na 130,759 sa may 29,503 na kabahayan.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinasinayaan ang Dipolog bilang isang ganap na bayan ng gobernador ng Lalawigang Moro John Pershing noong Hulyo 1, 1913, matapos maipatayô ang gusaling magsisilbing munisipyo ng naturang bayan. Itinalaga rin ni Pershing ang kauna-unahang alkalde ng bayan na si Pascual Martinez.

Sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, inilipat ng tubong-Dipolog na Gobernador ng Zamboanga na si Matias Ranillo ang kabisera ng lalawigan ng Zamboanga mula Lungsod ng Zamboanga papuntang Dipolog.[2] Nang masakop na ng puwersang Hapones ang kabayanan ng Dipolog, inilikas palayô ng kabayanan ang pamahalaang lalawigan patungo sa barrio ng Polanco.[3] Noong Agosto 22, 1951, hinawalay sa Dipolog ang nasabi at ilan pang barrio upang maging hiwalay na mga bayan ng Polanco at Piñan.[4]

Noong Enero 1, 1970, sa bisa ng Batas Republika 5520 naging lungsod ang bayan ng Dipolog.[5]

Pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang sistema ng pamahalaan ng Dipolog ay gaya ng iba pang pamahalaang lokal sa Pilipinas alinsunod sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal. Bilang isang nakapaloob na lungsod ang mga ordinansang ipinapasá ng pamahalaang lungsod ay isinusumite sa Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte upang masuri kung ito'y tumatalima sa angkop nitong kapangyarihan.

Tagapagpaganap[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang alkalde o punong-bayan ang siyang nasisilbing punong tagapagpaganap ng lungsod.

Tagapagbatas[baguhin | baguhin ang batayan]

Binubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Dipolog ng sampung regular na konsehal na halal at dalawang ex-officiong konsehal. Samantalang nagsisilbing tagapangulo ng Sangguniang Panlungsod ang bise-alkalde na siyang humahalili kapag nabakante ang posisyon ng alkalde.

Mga Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Nahahati sa 21 barangay ang Dipolog, ang lima rito—Barra, Biasong, Central, Estaka, at Miputak—ay sakop ng poblacion .

Barangay Lawak (ha.) Populasyon
Barra 32.53
Biasong 32.06
Central 38.62
Cogon 1,157.79
Dicayas 594.34
Diwan 3,704.57
Estaka 80.49
Galas 703.35
Gulayon 503.01
Lugdungan 907.38
Minaog 312.24
Miputak 711.76
Olingan 711.76
Punta 446.85
San Jose 657.04
Sangkol 355.15
Santa Filomena 220.23
Santa Isabel 125.19
Sicayab 537.63
Sinaman 495.25
Turno 592.73

Media[baguhin | baguhin ang batayan]

TV[baguhin | baguhin ang batayan]

  • RMN DXDR TeleRadyo 2
  • GMA 4
  • RPN DXKD TeleRadyo (Channel 7)
  • ABS-CBN Northwestern Mindanao (Channel 42)

Radio[baguhin | baguhin ang batayan]

AM[baguhin | baguhin ang batayan]

  • RMN DXDR 981
  • RPN DXKD Radyo Ronda 1053
  • DXBD Bombo Radyo 1350

FM[baguhin | baguhin ang batayan]

  • CMN 88.9 Radyo Totoo
  • MOR 90.9
  • 92.5 Korean Radio
  • 93.3 Star FM
  • 94.1 iFM
  • 100.5 Radyo Natin
  • 102.5 Brigada News FM
  • 103.7 Energy FM

Demograpiko[baguhin | baguhin ang batayan]

Senso ng populasyon ng
Dipolog
TaonPop.±% p.a.
1903 5,204—    
1918 15,982+7.77%
1939 31,604+3.30%
1948 40,618+2.83%
1960 32,236−1.91%
1970 46,368+3.70%
1975 48,403+0.87%
1980 61,919+5.05%
1990 79,887+2.58%
1995 90,777+2.42%
2000 99,862+2.07%
2010 120,460+1.89%
2015 130,759+1.57%
Sanggunian: PSA[6][7][8][9]


Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Province: Zamboanga del Norte". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. "History of Dipolog". Dipolog.com. Nakuha noong 2015-08-02.
  3. "Zamboanga del Norte: Municipality of Polanco". Nakuha noong 2015-08-02.
  4. "Profile". Municipality of Piñan. Nakuha noong 2015-08-02.
  5. Republic Act No. 5520. Hinango noong 2015-08-02.
  6. Census of Population (2015). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
  7. Census of Population and Housing (2010). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
  8. Censuses of Population (1903–2007). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
  9. "Province of Zamboanga del Norte". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]