Himamaylan
Himamaylan Dakbanwa sang Himamaylan Lungsod ng Himamaylan | |
---|---|
Palayaw: Maylan Tahanan ng Himaya-an Festival at ng Patik Kawayan | |
Bansag: Onward To More Progress | |
Mapa ng Negros Occidental na nagpapakita sa lokasyon ng Himamaylan. | |
Mga koordinado: 10°06′N 122°52′E / 10.1°N 122.87°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Kanlurang Kabisayaan (Rehiyong VI) |
Lalawigan | Negros Occidental |
Distrito | Panglimang Distrito ng Negros Occidental |
Mga barangay | 19 (alamin) |
Ganap na Lungsod | Ika-5 ng Marso, 2001 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Rogelio Raymund I. Tongson Jr. |
• Manghalalal | 73,697 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 367.04 km2 (141.71 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 116,240 |
• Kapal | 320/km2 (820/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 28,225 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-3 klase ng kita ng lungsod |
• Antas ng kahirapan | 25.44% (2021)[2] |
• Kita | (2020) |
• Aset | (2020) |
• Pananagutan | (2020) |
• Paggasta | (2020) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 6108 |
PSGC | 064510000 |
Kodigong pantawag | 34 |
Uri ng klima | klimang tropiko |
Mga wika | Wikang Hiligaynon wikang Tagalog |
Websayt | himamaylancity.gov.ph |
Ang Lungsod ng Himamaylan (Hiligaynon: Dakbanwa sang Himamaylan,Wikang Kastila: Ciudad de Gimamaylan) ay isang pangatlong uri ng lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental, Pilipinas. Ito ay 83 kilometro timog ng Bacolod — kabisera ng lalawigan. Dahil sa pagkabaybayin nito, mayaman ang lungsod sa yamang-dagat gaya ng isdâ, talabá at tahóng. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 116,240 sa may 28,225 na kabahayan.
Nagíng lungsód ang Himamaylan noong ika-5 ng Marso taong 2001 sa proklamasyon ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa ilalim ng RA 9028. Ito ay ang nag-iisang lungsod sa ika-5 Distrito ng Negros Occidental.
Pinagmulán ng Pangálan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Himamaylan ay namulâ sa pinagsamang salitang "Himà" at "Babaylan". Sinasabi na ang mga sinaunang Malay na nakatira ay nakaranas nang isang sakit sa paá na tinatawag na hima. At sa mga babaylan o manggagamot silá humihingi ng tulong. Dahil sa kahirapan ng mga Kastila sa pagbigkas, ay naging Himamaylan. Dati itong binabaybay sa wikang kastila na "Gimamaylan".
Kasaysáyan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagíng kabísera ng Negros ang Himamaylan. Nang panahóng iyón, ang lungsód ay nagíng kutà ng mga puwérsang Kastilà. Sa ngayón, ang mga lumáng kutang bantáyan para sa mga piráta na ginawà ng mga Kastilà ay nagíng puntáhan na makikità sa lungsód. Sa kalagitnáan ng 1565, dumatíng at pinasailálim ng mga Kastilà ang Himamylan. Pinasimúlan nilá ang Sistémang Enkomyenda na kung saán ang isáng bahagì ng lupaín kabílang ang mga prodúkto at mga namamaháyan nitó ay napapasailálim ng mga mananákop.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Himamaylan ay nasa gitnang bahagi ng baybayin ng pulô ng Negros. Ito ay may likas na daungan. Ang lalim nito ay mainam para sa mga sasakyang-dagat.
Mga Barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lungsod ng Himamaylan ay nahahati sa 19 na mga barangay.
|
|
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Datos ng klima para sa Lungsod Himamaylan, Negros Occidental | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 30 (86) |
31 (88) |
32 (90) |
33 (91) |
32 (90) |
30 (86) |
29 (84) |
29 (84) |
29 (84) |
29 (84) |
30 (86) |
30 (86) |
30.3 (86.6) |
Katamtamang baba °S (°P) | 22 (72) |
22 (72) |
22 (72) |
24 (75) |
25 (77) |
25 (77) |
25 (77) |
24 (75) |
24 (75) |
24 (75) |
23 (73) |
23 (73) |
23.6 (74.4) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 38 (1.5) |
29 (1.14) |
55 (2.17) |
65 (2.56) |
141 (5.55) |
210 (8.27) |
212 (8.35) |
176 (6.93) |
180 (7.09) |
180 (7.09) |
130 (5.12) |
70 (2.76) |
1,486 (58.53) |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 9.0 | 7.2 | 11.1 | 13.5 | 25.6 | 28.4 | 28.9 | 27.3 | 26.9 | 27.7 | 21.8 | 13.8 | 241.2 |
Sanggunian: Meteoblue [3] |
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 14,932 | — |
1918 | 15,559 | +0.27% |
1939 | 28,407 | +2.91% |
1948 | 33,984 | +2.01% |
1960 | 41,985 | +1.78% |
1970 | 53,663 | +2.48% |
1975 | 65,521 | +4.09% |
1980 | 70,467 | +1.47% |
1990 | 81,014 | +1.40% |
1995 | 83,268 | +0.52% |
2000 | 88,684 | +1.36% |
2007 | 102,014 | +1.95% |
2010 | 103,006 | +0.35% |
2015 | 106,880 | +0.71% |
Pinagkunan: Philippine Statistics Authority[4][5][6][7] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Himamaylan: Average Temperatures and Rainfall". Meteoblue. Nakuha noong 7 Mayo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region VI (Western Visayas)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.