Abenida J. P. Rizal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Abenida J. P. Rizal
J. P. Rizal Avenue
Abenida J. P. Rizal pakanluran malapit sa Barangay Tejeros, Makati.
Impormasyon sa ruta
Haba:6.4 km (4.0 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa Kanluran:Kalye Zobel Roxas at Kalye Tejeron sa Barangay Tejeros
 
Dulo sa SilanganN11 (Philippines).svg N11 (Daang Palibot Blg. 5) sa Barangay West Rembo
Lokasyon
(Mga) Pangunahing lungsod:Makati
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Ang Abenida Jose P. Rizal (Ingles: Jose P. Rizal Avenue), o mas-kilala bilang Abenida J. P. Rizal (Ingles: J. P. Rizal Avenue), ay isang pangunahing lansangang panlungsod sa hilagang Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong daang kolektor na dumadaan sa katimugang pampang ng Ilog Pasig mula Daang C-5 sa Baranggay West Rembo sa silangan hanggang Kalye Zobel Roxas sa Tejeros Village. Ang mga kilalang lansangan na bumabagtas rito ay Abenida Epifanio de los Santos (o EDSA, sa ilalim ng Tulay ng Guadalupe), Kalye Estrella, Abenida Makati (sa kabayanan ng Makati), Abenida South, at Abenida Chino Roces. Ang bahagi ng abenida mula Abenida Makati hanggang Abenida Chino Roces ay nagdadala ng walang salubong na trapiko pakanluran. Ang haba ng abenida ay 6.4 kilometro (o 4.0 milya).

Tanaw ng Abenida J. P. Rizal mula sa Estasyong Guadalupe ng MRT.

Nagdudugtong ang abenida sa East Rembo, Comembo, at bayan ng Pateros sa silangan bilang J. P. Rizal Avenue Extension (dating Guadalupe–Pateros Road). Tutuloy ito sa Maynila sa kanluran bilang Kalye Tejeron (Tejeron Street). Ipinangalan ang abenida kay pambansang bayani Dr. José P. Rizal.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 14°34′26″N 121°0′42″E / 14.57389°N 121.01167°E / 14.57389; 121.01167