Pumunta sa nilalaman

Manila–Cavite Expressway

Mga koordinado: 14°28′10″N 120°57′27″E / 14.46944°N 120.95750°E / 14.46944; 120.95750
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa E3 expressway (Pilipinas))


Manila–Cavite Expressway
CAVITEx
Daang Coastal
Bulebar Aguinaldo
Bahagi ng CAVITEx sa may Tulay ng Imus, Look ng Bacoor, pahilaga.
Impormasyon sa ruta
Haba14.0 km (8.7 mi)
Umiiral1998[1]–kasalukuyan
Bahagi ng
Pagbabawal
  • Motorsiklo na mas bababa sa 400cc
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N61 (Bulebar Roxas) / N194 (Daang NAIA) / Seaside Drive sa Parañaque
 
Dulo sa timog N62 (Lansangang Tirona) / N64 (Lansangang Antero Soriano) / Daang Covelandia sa Kawit, Kabite
Lokasyon
Mga pangunahing lungsod
Mga bayanKawit
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Manila–Cavite Expressway, na mas-kilala bilang CAVITEX at dating Bulebar Aguinaldo, ay isang mabilisang daanan na nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Kabite sa Pilipinas. Binansagan din itong Daang Coastal sapagkat malapit ito sa Look ng Maynila. Ang haba nito ay 14.0 kilometro (8.7 milya), at pinamamahalaan ito ng Public Estates Authority Tollway Corporation (PEATC), isang korporasyong pamamay-ari ng pamahalaan at sangay ng Public Estates Authority na isang tanggapan sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Itinakda ang buong mabilisang daanan bilang bahagi ng Daang Radyal Blg. 1 (R-1) ng pinag-ugnay na mga daang arteryal sa Kamaynilaan at Expressway 3 (E3) ng sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas.

Sa hilagang dulo nito, dadaloy ito sa (at mangagaling ito mula sa) Bulebar Roxas sa lungsod ng Parañaque sa Kalakhang Maynila. Sa katimugang dulo nito, hihiwalay ito sa dalawang dulo (termini), kapwa nasa hilagang baybayin sa Kawit. Isa sa mga ito ay dadaloy sa sangandaan ng Lansangang Tirona at Lansangang Antero Soriano. Pakanluran ay tatahak muli pa-Binakayan at babalik sa Bacoor, deretso ay tutuloy sa Antero Soriano patungong Cavite Economic Zone, at kanan ay papunta sa kabilang dulo ng Lansangang Tirona malapit sa Dambanang Aguinaldo at papuntang Noveleta.

Tinatampok ng mabilisang daanan ang limitadong dami ng mga labasan (interchanges). Ang orihinal na katimugang dulo nito sa Bacoor ay ginawa na ngayong buong palitang trumpeta. May dalawang tarangkahang pambayad (toll plazas) ang mabilisang daanan: ang unang tarangkahan sa Las Piñas at ang tarangkahan ng ekstensyon sa Kawit. Sinisingil ang pantay na bayarin sa mga sasakyan batay sa uri ng mga sasakyan. Nilakip na rin ng PEATC ang isang near-field communication na prepaid kard na tinatawag nilang E-TAP. Tinatanggap na rin ng mabilisang daanan ang sistemang-dekuryente sa pangongolekta ng mga bayarin na tinatawag na Easydrive na inilagak ng Easytrip Services Corporation para sa CAVITEx. Ang Easytrip Services Corporation ay kasalukuyang namamahala ng ETC ng North Luzon Expressway, subalit hindi cross-compatible ang Easydrive ng CAVITEx sa Easytrip ng NLEx.[kailangan ng sanggunian]

Sa simula pa lang, ang CAVITEx ay pinag-isipan na isa sa mga tatlong mabilisang daanan na mangagaling sa Maynila. Ipinanukala ito noong panahon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos, ngunit hindi ito naitayo. Sinimulan ang pagtatayo ng CAVITEx noong 1998 bilang isang mabilisang daanang may haba na 6.6 kilometro (4.1 milya) at nakatayo sa lupang tinambak (reclaimed land).[1]

Noong 2011, isang 7 kilometrong (4.3 milyang) ekstensyon patungong Kawit ay ibinuksan sa mga motorista.[1] Noong 2015, pinahaba ang C-5 Road patimog upang maiugnay ito sa mga linyang pahilaga ng CAVITEx sa Las Piñas. Mula Disyembre 2016, nakaugnay na rin ang CAVITEx sa hilagang dulo ng NAIA Expressway na nagbibigay ng daan papuntang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) at Metro Manila Skyway/SLEx.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
CAVITEx pahilaga malapit sa Barangay Zapote, Las Piñas. Makikita sa kapuwang gilid ng bahaging ito ang mga linyang transmisyon ng kuryente ng NGCP at mga linyang subtransmisyon ng Meralco.
CAVITEx papalapit sa dulo nito sa Daang NAIA, Barangay Tambo, Parañaque.

Sa pangkaramihan, sinusundan ng Manila–Cavite Expressway ang pakurbang ruta sa mga baybayin ng Look ng Manila, at itinayo ang karugtong na Bacoor-Kawit sa lupang tinambak (reclaimed land) malapit sa mga baybaying barangay ng Bacoor. May-bayad (tolled) ang mabilisang daanan gamit ang sistemang barrier toll, na nagpapaloob ng mga tarangkahang pambayad sa mga puntong pasukan at walang pagkokolekta ng bayarin sa mga puntong labasan, maliban sa dulo sa Kawit. Hindi fully grade separated ang mabilisang daanan, sapagkat may bagtasang ilaw-trapiko sa gitna ng bahaging Daang NAIA-Tarangkahang Pambayad ng Zapote. Ang mabilisang daanan ay isang pisikal na karugtong ng Bulebar Roxas. Nakalinya sa bahaging Daang NAIA-Bacoor (ang unang bahagi ng mabilisang daanan) ang mga linya ng transmisyon ng kuryente na pinapatakbo ng National Grid Corporation of the Philippines at ng subtransmisyon na pinapatakbo naman ng Meralco. Kadalasang may tatlong mga linya kada direksiyon ang bahaging Daang NAIA-Bacoor (ang unang ruta ng mabilisang daanan na kadalasang binansag na "Coastal Road") at dalawang linya kada direksiyon ang bahaging Bacoor-Kawit (ang karugtong Kawit ng mabilisang daanan).

Nagsisimula ang mabilisang daanan sa bagtasang ilaw-trapiko sa Daang NAIA at Bulebar Roxas, malapit sa Uniwide Coastal Mall. Paglampas ng bagtasan ay isang pasilangang pasukan at pakanlurang pasukan ng NAIA Expressway na binuksan noong 2016. Nakalagay ang isang Caltex gas station paglampas ng Uniwide Coastal Mall at bagtasang NAIA Expressway. Ang tanging bagtasang sa lupa (at-grade intersection) ng mabilisang daanan ay bago mag-Tarangkahang Pambayad ng Zapote. Isang puntong pasukan mula sa pook ng "Kabihasnan" ng Parañaque ay matatagpuan bago ang pagtumbok ng Tarangkahang Pambayad ng Zapote. Lalawak ang mabilisang daanan sa patumbok nito sa Tarangkahang Pambayad ng Zapote, kung saan kinokolekta ang mga bayarin para sa mga motoristang mula sa Maynila. Pagkaraan ng Tarangkahang Pambayad ng Zapote ay ang palitang right-in/right-out kasama ang karugtong ng Daang Palibot Blg. 5 (C-5) na kasalukuyang napapasok mula sa pahilagang direksyon lamang. Dadaan naman ang mabilisang daanan sa Labasan ng Bacoor, ang orihinal na dulo ng mabilisang daanan sa Bacoor, kung saan natapos ang unang pagkakalinya sa isang daang paliko na pinalitan ng isang buong palitan (full interchange) kalakip ng pagbubukas ng karugtong ng Kawit. Paglampas ng Labasan ng Zapote, ang CAVITEX ay magiging isang nahating mabilisang daanan (dual carriageway) na may apat na linya sa isang lupang tinambak na itinayo sa mga baybayin ng mga baybaying barangay ng Bacoor. Lalawak ang mabilisang daanan sa pagtumbok nito sa Tarangkahang Pambayad ng Kawit, kung saan dito napunta ang dulo ng mabilisang daanan pagkabukas ng karugtong ng Kawit noong 2010. Ang dulo sa Kawit ay isang anyong-kahon na bagtasan (box intersection) kasama ang Daang Covelandia, Lansangang Tirona (N62), at Lansangang Antero Soriano (N64) na kasalukuyang pisikal na karugtong ng umiiral na mabilisang daanan. Ang dulo ng mabilisang daanan sa Kawit ay maglalaman ng dulo sa Kabite ng ipinapanukalang Cavite–Laguna Expressway.

Sa darating na hinaharap, mag-uugnay ang CAVITEx sa mga ipinaplanong mabilisang daanan na Bulacan-Rizal-Manila-Cavite Regional Expressway at Cavite–Laguna Expressway. Gayundin, ito ay magiging kahanay ng Katimugang Karugtong ng Manila LRT-1 pag-naitayo na ito sa Parañaque. Magkakaroon ito ng dalawang estasyon sa CAVITEx: Asia World at Ninoy Aquino International Airport.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang CAVITEx–C5 South Link Expressway ay isang 7.7-kilometrong, pang-animan na mabilisang daanan na mag-uugnay ng Daang C-5 mula Taguig papuntang CAVITEx. Kinakailangan nito ang pagtatayo ng isang flyover sa pagitan ng Daang C-5 sa Kanlurang Bicutan, Taguig at ng karugtong ng Daang C-5 sa Pasay, malapit sa Merville, Parañaque, sa ibabaw ng South Luzon Expressway. Kasama sa ikalawang yugto ang pagtatapos ng karugtong ng Daang C-5 mula Merville hanggang Las Piñas at ang pagtatayo ng isang palitan sa CAVITEx.

Ang pagpapagawa sa ₱9.5B CAVITEx–C5 South Link ay nagsimula noong 8 Mayo 2016.[2][3] Ang unang yugto ay ibinuksan sa trapiko noong 23 Hulyo 2019 at inaasahang matatapos ang proyekto sa taong 2021.[4][5]

Tarangkahang Pambayad ng Parañaque

Ang mga bayarin ay tinataya sa bawat direksiyon sa bawat tarangkahang pambayad, batay sa uri ng sasakyan. Alinsunod sa batas, lahat ng mga bayarin ay may kasamang 12% Value-Added Tax (o VAT).

Uri ng sasakyan Las Piñas Kawit
Class 1 24.00 ₱64.00
Class 2 ₱48.00 ₱129.00
Class 3 ₱72.00 ₱194.00

Mga kasalukuyang labasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
RegionLalawiganLungsod/BayankmmiLabasanPangalanMga paroroonanMga nota
Kalakhang MaynilaParañaque85.0MIA Road N61 (Bulebar Roxas) / N194 (Daang NAIA) / Seaside Drive – Paliparan, Maynila, Bay CityHilagang dulo ng mabilis na daanan. Tumutuloy pahilaga bilang N61 (Bulebar Roxas).
8.35.2 E6 (NAIAx) – Paliparan, SkywayPahilagang labasan at patimog na pasukan
8.455.25Caltex (patimog lamang)
106.2Pacific Avenue Abenida Pacific – PITX, Bulebar MacapagalPalitang tulay. Ipinagbabawal ang pag kanan para sa mga patimog.
138.1KabihasnanPahilagang labasan lamang
138.1C5-South LinkC-5 South Link ExpresswayIminumungkahing palitan
138.1Tarangkahang Pambayad ng Parañaque
Las Piñas148.7C5 Road ExtensionC-5 Road ExtensionPalitang pasok sa kanan/labas sa kanan para sa C-5 Road Extension. Entrance only.
CalabarzonCaviteBacoor159.3Bacoor (Longos) N62 (Bulebar Aguinaldo) / N411 (Daang Alabang–Zapote) – Las Piñas, BacoorPalitang trumpeta. Dating timog na dulo ng mabilis na daanan.
Kawit2314Tarangkahang Pambayad ng Kawit
2415Marulas N62 (Lansangang Tirona) – Lungsod ng Cavite, NoveletaPatimog na labasan lamang
2415Zeus (Binakayan) N62 (Lansangang Tirona) / N64 (Lansangang Antero Soriano) / Daang Covelandia – Binakayan (Kawit), Tanza, NasugbuTimog na dulo ng mabilis na daanan. Tumutuloy patimog bilang N64 (Lansangang Antero Soriano). Dudugtong sa Cavite-Laguna Expressway sa hinaharap.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Sarado/dati
  •       Hindi kumpletong access
  •       May toll
  •       Hindi pa nagbubukas o ginagawa pa

Mga labasan sa hinaharap

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kilometro Labasan Uri ng Palitan Lugar Mga Nota
TBA Sangley Point TBA Las Piñas, Manila Magdudugtong sa Coastal Road patungo sa bagong Paliparan sa Cavite City. Ito ay daanang nasa ilalim ng tubig na may kasamang tren..[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Land Development". Philippine Reclamation Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-18. Nakuha noong 20 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Amojelar, D.G. (1 Pebrero 2017). "FF Cruz to build Cavitex C5 link" (sa wikang Ingles). The Standard (Philippines). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2017. Nakuha noong 7 Pebrero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Section of CAVITEX- C5 Southlink opens". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Hulyo 23, 2019. Nakuha noong Hunyo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Taguig-Parañaque section of C5 South Link Expressway opens to motorists July 23" (sa wikang Ingles). GMA News Online. Nakuha noong 18 Agosto 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-21. Nakuha noong 2016-10-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

14°28′10″N 120°57′27″E / 14.46944°N 120.95750°E / 14.46944; 120.95750