Kalye Pioneer

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kalye Pioneer
Pioneer Street
Impormasyon sa ruta
Haba: 1.6 km (1.0 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa Timog-kanluran: N1 (Philippines).svgAsian Highway 26 PH sign.svg N1 / AH26 (EDSA) sa Barangka Ilaya
 
  • Kalye Reliance
  • Kalye United
Dulo sa Hilaga-silangan N141 (Philippines).svg N141 (Bulebar Shaw) sa Kapitolyo
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Ang Kalye Pioneer (Ingles: Pioneer Street) ay isang tagapagpatuloy ng Abenida Boni sa silangan ng Abenida Epifanio de los Santos (o EDSA) sa silangang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang haba nito ay 1.6 kilometro (o 1.0 milya). Sa malaking bahagi ng kahabaan nito, mayroon itong apat na linya (dalawa sa bawat direksyon) at sinasaklaw ang ruta mula sa sangandaan nito sa EDSA sa Barangka Ilaya, Mandaluyong (kung saan mangagaling ang trapiko mula sa tunel ng Abenida Boni), hanggang sa silangang dulo nito sa Bulebar Shaw sa Kapitolyo, Pasig, kalapit ng Sentrong Ortigas. Pagdaan nito, dadaan ito sa Robinsons Cybergate Complex kung saan matatagpuan ang gusaling pamilihan ng Forum Robinsons;[1] mga planta ng United Laboratories (UNILAB); at Greenfield District, isang mixed-use development sa timog ng Sentrong Ortigas sa may sangandaan nito sa Bulebar Shaw.[2] Ang Kalye Pioneer ay kinaroroonan din ng ilang bagong itinatayong kondominyum, mga sityo ng call center, at ilang strip mall.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 14°34′19″N 121°3′14″E / 14.57194°N 121.05389°E / 14.57194; 121.05389