Kalye Pedro Gil
Kalye Pedro Gil Pedro Gil Street | |
---|---|
Kalye Herran | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 3.6 km (2.2 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa silangan | Kalye Calderon sa Santa Ana |
| |
Dulo sa kanluran | N120 / AH26 (Bulebar Roxas) sa Ermita-Malate |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Kalye Pedro Gil (Ingles: Pedro Gil Street; dating Calle Herrán) ay isang pangunahing kalye panloob ng lungsod sa lungsod ng Maynila, Pilipinas. May haba ito na 3.6 kilometro (2.2 milya), at sumasaklaw sa mga distrito ng Ermita, Malate, Paco, at Santa Ana, pati na rin ang mga ilang bahagi ng San Andres.
Nagsisimula ang kalye sa sangandaan nito sa Kalye Calderon sa harap ng Simbahan ng Santa Ana sa distrito ng Santa Ana, kung saan hinahatian ito sa gitna sa pamamagitan ng pangitnang harangan ng luntiang lupain at mga iskultura na kilala bilang Plaza Felipe Calderon. Tutungo ito pakanluran hanggang sa magiging apat ang mga linya nito pagdaan ng Kalye Suter. Dadaan ito sa hilagang bahagi ng mga distrito ng San Andres at Paco kung saan babagtasin nito ang mga linya ng Philippine National Railways at Abenida Quirino. Paglampas, dadaan ito sa mga pusod ng mga distrito ng Paco, Ermita, at Malate. Dito makikita ang Robinsons Place Manila, Simbahan ng Paco, at iba pang mga lugar. Tatapos ang kalye sa sangandaan nito sa Bulebar Roxas. Sa silangan, tutuloy ito patungong Mandaluyong, at San Juan paglampas ng Ilog Pasig bilang Kalye Panaderos at Kalye Heneral Kalentong.
Ipinangalan ang kalye kay Pedro Gil, isang Pilipinong mambabatas noong unang bahagi ng dekada-1920. Kilala ito noon bilang Calle Herrán, mula kay José de la Herrán, isang Kastilang kapitan noong Labanan sa Look ng Maynila.[1]
Mga pangunahing sangandaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kilometro[2] | Milya | Mga paroroonan | Mga komento |
---|---|---|---|
1.062 | N120 (Bulebar Roxas) / AH26 | ||
Kalye Del Pilar | |||
Kalye Mabini | |||
2 | N170 (Abenida Taft) | ||
Kalye Leon Guinto | |||
N181 (Kalye San Marcelino) | |||
Kalye General Luna, Kalye Angel Linao | |||
N140 (Abenida Quirino) | |||
Kalye Onyx | |||
Linyang Pasig | |||
4.686 | Kalye Tejeron, Kalye Dr. M. Carreon |
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Did-you-know Alam mo ba?". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 7 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "South Manila". DPWH Road Atlas. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-12-22. Nakuha noong 2017-04-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)