Pumunta sa nilalaman

Bulebar North Bay

Mga koordinado: 14°38′35″N 120°57′16″E / 14.6430556°N 120.9544444°E / 14.6430556; 120.9544444
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bulebar North Bay
North Bay Boulevard
Tanawin ng Bulebar North Bay patimog patungong Tondo, Maynila.
Impormasyon sa ruta
Haba2.0 km (1.2 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaKalye Mariano Naval sa Bagumbayan South
 
Dulo sa timogBulebar Honorio Lopez in San Rafael Village
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodNavotas
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Bulebar North Bay (Ingles: North Bay Boulevard) ay isang 2 kilometro (o 1 milyang) lansangang dalawa hanggang apat ang mga linya na dumadaan sa paligid ng Navotas Fish Port Complex sa hilagang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa ito sa mga pangunahing daan sa Navotas na dumadaan mula hilaga-patimog kalinya ng Daang Marcos (R-10) sa kanluran. Ang hilagang dulo nito ay sa Kalye Mariano Naval sa Barangay Bagumbayan South, at ang katimugang dulo nito ay sa Bulebar Honorio Lopez sa San Rafael Village. Inuugnay nito ang Tondo sa timog sa Barangay Bagumbayan South sa hilaga. Pinangalanan ito sa kinaroroonan nito sa Look ng Maynila sa hilaga ng komplex ng Manila North Harbor.

Itinayo ang daan sa isang pulo na gawa ng tao na tinatawag na Navotas Fish Port Complex, ang pinakamalaki at pinakaunang daungan ng pangingisda sa Pilipinas na tinambakan noong 1977 sa administrasyon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos.[1] Ang pulo ay hinahangganan ng Bangkulasi Channel sa hilaga, Malabon Channel sa silangan, Estero de Sunog Apog sa timog, at Look ng Maynila sa kanluran. Ang 47.5 ektaryang (o 117 acre) na lupain ay naging resettlement site para sa maraming mahihirap na pamilya mula sa Tondo, at ngayon ay pinamamahalaan ng tatlong barangay ng Navotas: Bangkulasi, Northbay Boulevard North, at Northbay Boulevard South, ang pinakamalaki sa lungsod na may populasyon na 68,375 noong 2010.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Navotas fishport to be modernized, worth P2.7B". Department of Agriculture. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 9 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "City of Navotas". National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-18. Nakuha noong 9 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°38′35″N 120°57′16″E / 14.6430556°N 120.9544444°E / 14.6430556; 120.9544444