Pumunta sa nilalaman

Abenida Andrews

Mga koordinado: 14°31′25″N 121°0′39″E / 14.52361°N 121.01083°E / 14.52361; 121.01083
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Abenida Andrews
Andrews Avenue
Daang Nichols (Nichols Road)
Abenida Andrews, pakanluran sa Newport City kasama ang NAIA Expressway.
Impormasyon sa ruta
Haba4.3 km (2.7 mi)
Bahagi ng N192
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N61 (Bulebar Roxas) sa Baclaran
 
Dulo sa silangan AH26 / E2 (South Luzon Expressway) sa Fort Bonifacio
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Andrews (Ingles: Andrews Avenue) ay isang pangunahing lansangang silangan-pakanluran sa katimugang Kalakhang Maynila, Pilipinas, na nagsisilbing tagaugnay ng mga lungsod ng Pasay at Taguig.[1] Ang haba nito ay 4.3 kilometro (o 2.7 milya). Dumadaan ito sa ilalim ng NAIA Expressway na halos kalinya ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa hilaga at kumokonekta ng Bulebar Roxas at Daang Domestiko malapit sa Bay City sa South Luzon Expressway (SLEx) malapit sa Newport City. Paglampas ng SLEx sa silangan, tutuloy ito patungong Ika-5 Abenida at Daang McKinley sa Bonifacio Global City bilang Abenida Lawton.

Nagsisilbi ring pangunahing daluyan ng trapiko patungong Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) ang Abenida Andrews, mula silangan at kanluran, at pangunahing daan patungong Resorts World Manila.

Ang abenida ay dating tinawag na Nichols Field Road,[2] na di-kalaunan ay naging Nichols Road, mula sa dating base panghimpapawid ng Estados Unidos sa Pasay na pinagsisilbihan nito. Ang Palapagang Nichols naman ay pinangalan kay Kapitan Henry E. Nichols, isang komander mula sa Hukbong Dagat ng Estados Unidos ng barkong USS Monadnock, noong Digmaang Pilipino-Amerikano.[3][4] Itinayo ang base panghimpapawid noong 1912[5]; pagkaraan nito, itinayo ang daan patungong Fort McKinley (Fort Bonifacio ngayon) at sa Bulebar Dewey (Bulebar Roxas ngayon). Ang kabuuan ng kahabaan ng daan mula Dewey hanggang Fort McKinley ay pinangalanang Nichols Road.[6]

Sa kasalukuyan, ang bahagi ng dating Nichols Road sa Fort Bonifacio/Taguig ay pinangalanang Abenida Lawton. Ang nalalabing bahagi ng daan sa Pasay ay pinangalanang Abenida Andrews, mula kay Frank Maxwell Andrews, ang general officer ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at isa sa mga nagtatag ng United States Army Air Force.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Daang Sales, bahagi ng Abenida Andrews sa silangan.
Abenida Andrews pasilangan sa kanluran ng Kalye Tramo, 2013.

Nahahati ang Abenida Andrews sa tatlong bahagi.

Daang Sales (Sales Road)

Sa silangang dulo nito, nagsisimula ang Abenida Andrews bilang Daang Sales sa may Palitan ng Sales sa South Luzon Expressway, malapit sa Nichols railway station. Tagapagpatuloy ito ng Abenida Lawton mula sa Fort Bonifacio sa pamamagitan ng Tulay ng Sales at sa roundabout. Dadaan ito patimog-kanluran habang nasa Villamor Airbase at Villamor Golf Course patungong Terminal 3 ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA). Ang bahaging Daang Sales ay tatapos sa isa pang roundabout sa tapat ng Philippine Air Force Aerospace Museum bago magliko ang daan pakanluran.

Andrews Avenue proper

Ang pangunahing bahagi ng abenida ay isang daang arteryal na may walong linya at hinahatian ng pangitnang harangan na dumadaan sa hilagang hangganan ng paliparan. Mula sa roundabout sa tapat ng Philippine Air Force Aerospace Museum, tutuloy ang abenida sa katimugang gilid ng Newport City, isang mixed-use development na kaharap ng NAIA Terminal 3. Dadaan ito sa Resorts World Manila, Star Cruises Centre, at Shrine of St. Therese bago abutin nito ang dating kinalalagyan ng Circulo del Mundo, isang kilalang egg structure (o istraktura na hugis-itlog)[7] na giniba noong 2015 para mabigyan daan sa NAIA Expressway. Mula rito hanggang sa sangandaan nito sa Daang Domestiko, ang abenida ay nililinyahan ng mga opisina ng mga airline at mga pasilidad ng pagpapanatili. Dito rin matatagpuan ang mga pasilidad ng Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila bago magiging Daang Paliparan ang abenida.

Daang Paliparan (Airport Road)

Sa kanluran ng Daang Domestiko at ng isang maliit na sapa na tinatawag na Estero de Tripa de Gallina, papasok ang daan sa pook ng Baclaran ng Parañaque. Kikipot ang daan hanggang sa maging apat ang mga linya nito at hindi hinahatian ng pangitnang harangan na nagdadala ng walang salubong na trapikong pakanluran. Tutumbukin ng daan ang kanlurang dulo nito sa Bulebar Roxas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Roads and Transport" (PDF). Pasay City Government. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2014-12-22. Nakuha noong 14 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Manila American Cemetery and Memorial" (PDF). American Battle Monuments Commission. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2013-10-16. Nakuha noong 14 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Nichols Field - Ensconced in Philippine aviation history" (PDF). Lufthansa Technik Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2016-03-04. Nakuha noong 14 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Captain Henry Nichols died on the USS Monadnock in 1899". Ancestry.com. Nakuha noong 14 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Villamor Air Base". Philippine Air Force. Nakuha noong 14 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Series S501, U.S. Army Map Service, 1954-". University of Texas at Austin. Nakuha noong 14 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Ex-MMDA chair Bayani Fernando says "egg structure" across NAIA was built for P50 million, not P390 million". Spot.ph. Nakuha noong 14 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°31′25″N 121°0′39″E / 14.52361°N 121.01083°E / 14.52361; 121.01083