Pumunta sa nilalaman

Lansangang-bayang N156

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang N156 (Pilipinas))

Ang Pambansang Ruta Blg. 156 (N156) o Rutang 156 ay isang pambansang daang sekundarya ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Dumadaan ito sa timog ng Ilog Pasig sa lungsod ng Maynila, ang kabisera ng bansa.[1]

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kabuuan ng ruta ay nasa Maynila. Alinsunod sa pagtatakda ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), binubuo ang N156 ng mga sumusunod na bahagi:[2]

Abenida ng United Nations

[baguhin | baguhin ang wikitext]
N156 bilang Abenida ng United Nations

Ang Abenida ng United Nations (United Nations Avenue at karaniwang UN Avenue) ay isang pangunahing lansangan sa Maynila na nagdurugtong sa Ermita at ang mga distrito sa silangan ng lungsod, tulad ng Pandacan at Paco. Mula kanluran, nagsisimula ito sangandaan nito sa Bulebar Roxas, at babagtasin nito ang Abenida Taft (N170) sa kalagitnaan nito. Nagtatapos ito sa sangandaan (fork) ng karugtong ng Abenida Quirino at Kalye Paz Mendoza Guanzon sa bandang kanluran ng Pandacan.

Isang pangunahing daang arteryal na pangkomersiyo, pamahayan, at pang-industriya ang abenidang ito. Matatagpuan dito ang himpilan ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) sa Kanlurang Pasipiko. Dati itong tinawag na Kalye Isaac Peral (Kastila: Calle Isaac Peral), mula kay Isaac Peral na Kastilang inhinyero na nagdisenyo ng kauna-unahang submarinong pang-militar na fully-capable sa mundo noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon.[3] Binigyan ito ng bagong pangalan bilang pagkilala sa WHO (isang ahensiya ng Mga Nagkakaisang Bansa) na ang gusali nito'y itinayo noong 1959 sa dating ari-arian ng Unibersidad ng Pilipinas sa timog-kanlurang kanto nito sa Abenida Taft.[4]

Karugtong ng Abenida Quirino

[baguhin | baguhin ang wikitext]
N156 bilang Karugtong ng Abenida Quirino

Tutuloy ang N156 bilang Karugtong ng Abenida Quirino (Quirino Avenue Extension) na isang lansangan sa pook-industriyal ng Paco. Nagsisimula sa sangandaan ng Kalye Paz Mendoza Guazon at Abenida ng United Nations, at nagtatapos sa isang loop road sa paligid ng Plasa Dilao. Ito ay isang pangunahing ruta ng mga trak na dumadaan sa pagitan ng South Luzon Expressway at Port Area ng Maynila. Dati itong kilala bilang Calle Canonigo noong panahon ng mga Kastila.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "NCR". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-03. Nakuha noong 15 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "South Manila". Department of Public Works and Highways. Nakuha noong 15 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. "Old Manila streets lose names to politicians". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hulyo 2010. Nakuha noong 27 Setyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Report of the Regional Director to the Regional Committee for the Western Pacific" (PDF). World Health Organization. Nakuha noong 27 Setyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)