Pumunta sa nilalaman

Abenida Dr. Arcadio Santos

Mga koordinado: 14°28′1″N 121°0′53″E / 14.46694°N 121.01472°E / 14.46694; 121.01472
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang N63 (Pilipinas))

Abenida Dr. Arcadio Santos
Dr. Arcadio Santos Avenue
Daang Sucat (Sucat Road)
Abenida Dr. A. Santos malapit sa Palitan ng Sucat ng SLEX
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH)
Haba4.8 km (3.0 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N195 (Abenida Ninoy Aquino) sa San Dionisio, Parañaque
 
  • Karugtong ng Daang Palibot Blg. 5
  • Abenida Angelina Canaynay
  • Abenida N. Lopez
  • Abenida Filipinas
  • President's Avenue
Dulo sa silangan E2 / AH26 (South Luzon Expressway) sa Sucat, Muntinlupa
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodParañaque, Muntinlupa
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
Abenida Dr. A. Santos malapit sa President's Avenue na tanaw mula sa SM City BF Parañaque sa BF Homes.

Ang Abenida Dr. Arcadio Santos (Ingles: Dr. Arcadio Santos Avenue), na dating tinawag na (at mas-kilala ng mga lokal na residente bilang) Daang Sucat (Ingles: Sucat Road), ay isang pangunahing lansangang silangan-pakanluran sa Parañaque, katimugang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang kanlurang dulo nito ay sa Kalye Victor Medina sa Barangay San Dionisio, bilang karugtong ng Abenida Ninoy Aquino, at ang silangang dulo nito ay sa South Luzon Expressway, sa may hangganan ng lungsod sa Sucat, Muntinlupa, kung saan magiging Daang Meralco ito paglampas patungong Estasyon ng Sucat ng PNR. Ang haba nito ay 4.8 kilometro (3.0 milya).

Dating tinawag na Sucat Road ang daan, mula sa pangalan ng baryo sa Muntinlupa at sa estasyong daangbakal nito kung saan tinutunguhan ito. Ang kasalukuyang pangalan nito ay mula kay Dr. Arcadio Santos, isang taga-Parañaque na punong lalawigan ng Rizal mula 1920 hanggang 1922, kung kailan bahagi pa ng lalawigan ang noo'y bayan ng Parañaque.[1]

Noong Setyembre 2013, isang panukalang-batas ang isinulat sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na naglalayong bigyan ng bagong pangalan na President Cory Aquino Avenue (Abenida Pangulong Cory Aquino) ang abenida. Ang panukalang-batas na ito, na isinulat ni Rep. Eric Olivarez, ay nakabinbin pa rin sa Komite ng Pagawaing Bayan at Lansangan ng Senado mula Oktubre 2013.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Governors of Rizal Province". Rizal Provincial Government. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-06. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Hon. Olivarez, Eric L." House of Representatives of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-16. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°28′1″N 121°0′53″E / 14.46694°N 121.01472°E / 14.46694; 121.01472