Abenida Ninoy Aquino
Abenida Ninoy Aquino Ninoy Aquino Avenue | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 3.2 km (2.0 mi) |
Bahagi ng | N195 |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | N194 (Daang NAIA) sa Pasay |
Abenida Multinational | |
Dulo sa timog | N63 (Abenida Dr. Arcadio Santos) sa Parañaque |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Pasay at Parañaque |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Ninoy Aquino (Ingles: Ninoy Aquino Avenue) ay isang daang kolektor na dumadaan mula hilaga-patimog at nag-uugnay ng mga lungsod ng Pasay at Parañaque sa katimugang Kalakhang Maynila, Pilipinas.[1] Ang haba nito ay 3.2 kilometro (o 2.0 milya). Nagsisimula ito sa sangandaan nito sa Kalye Victor Medina sa hangganan ng mga baranggay ng La Huerta at San Dionisio sa Parañaque, at nagtatapos ito sa sangandaan nito sa Daang NAIA malapit sa NAIA Terminal 1 Exit ng NAIA Expressway sa Pasay. Nagsisilbi ito bilang tagapagpatuloy ng Abenida Dr. Santos (dating Daang Sucat), at bilang daang patungong Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (o NAIA) mula sa timog at silangan.
Tulad ng paliparan na dinadaanan nito, ipinangalan ang Abenida Ninoy Aquino kay dating senador Benigno "Ninoy" Aquino. Ang bahagi ng daan sa Pasay ay dating tinawag na Imelda Avenue.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Roads and Transport" (PDF). Pasay City Government. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2014-12-22. Nakuha noong 29 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)