E1 expressway (Pilipinas)
Ang E1 expressway ay isang bahagi ng sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas.[1] Dumadaan ito sa kanlurang Luzon mula Lungsod Quezon papuntang Pozorrubio, Pangasinan sa hilaga, kasama ang nakaplanong karugtong papuntang Rosario, La Union.
Mga bahagi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lungsod Quezon papuntang Mabalacat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ng katimugang bahagi ng E1 ang malaking bahagi ng North Luzon Expressway, isang pang-apatan hanggang pang-waluhang may-takdang mabilisang daanan na nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa mga lalawigan sa rehiyong Gitnang Luzon. Itinayo ito noong dekada-1960 at may habang 84 na kilometro (52 na milya).
Nagsisimula ang mabilisang daanan sa Lungsod Quezon sa Palitan ng Balintawak sa EDSA bilang karugtong ng Abenida Andres Bonifacio. Dadaan ito sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela sa Kalakhang Maynila at sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga sa Gitnang Luzon. Kasalukuyang nagtatapos ito sa Mabalacat at durugtong ito sa Lansangang MacArthur na magtutuloy pahilaga patungo sa nalalabing bahagi ng Gitna at Hilagang Luzon.
Sa simula ito ay kontrolado ng Philippine National Construction Corporation o PNCC, ang pamamahala at pagpapanatili ng NLEX ay inilipat noong 2005 sa Manila North Tollways Corporation, isang sangay ng Metro Pacific Investments Corporation. Isang pangunahing pagpapaganda at pagsasaayos na natapos noong Pebrero 2005 ay ang pagiging hawig ng modernong kalidad nito sa mga mabilisang daanan sa Pransiya.
Mabalacat papuntang Lungsod ng Tarlac
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ng gitnang bahagi ng E1 ang bahaging Clark-Tarlac ng Subic–Clark–Tarlac Expressway, isang 93.77 kilometro (53.77 milya) at pang-apatang mabilisang daanan na itinayo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), isang korporasyon na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng gobyerno sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ang mabilisang daanan, na sinimulan noong 5 Abril 2008, ay ang pinakamahabang mabilisang daanan sa Pilipinas. Nagsimula ang komersiyal na pagpapatakbo nito noong 28 Abril 2008, kalakip ang pagbubukas ng bahaging Subic-Clark at Sonang A ng bahaging Clark-Tarlac. Naging hudyat ng buong pagpapatakbo ng SCTEX ang pagbubukas ng mga Sonang B at C ng nalalabing parte ng bahaging Clark-Tarlac noong 25 Hulyo 2008.
Lungsod ng Tarlac papuntang Rosario
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ng hilagang bahagi ng E1 ang Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway, isang 88.85 kilometro (55.21 milya) at pang-apatang mabilisang daanan sa hilaga ng Maynila sa hilagang Pilipinas. Iniuugnay nito ang gitna sa hilagang Luzon,[2] kalakip ng katimugang dulo nito sa Lungsod ng Tarlac, Tarlac at ng nakaplanong hilagang dulo nito ay kasalukuyang nakatakda sa Rosario, La Union.[3][4]
Ang unang bahagi ng proyekto, mula Lungsod ng Tarlac hanggang Pura, ay gumagana na sa batayang "soft opening" mula noong 31 Oktubre 2013, at nakahanda ito sa buong pagpapatakbo noong Nobyembre 2013.[5]
Parte ng pangalawang bahagi, na magdadala ng mga motorista sa Ramos, ay binuksan noong 23 Disyembre 2013. Ang nalalabing bahagi mula Anao hanggang Rosales, Pangasinan ay binuksan noong 2014, at nakatakdang matatapos ang huling bahagi ng mabilisang daanan na nagtatapos sa Rosario, La Union sa Hunyo 2019.[3][4]
May mga panukala rin na pahabain ang mabilisang daanan patungong Laoag sa Ilocos Norte.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "2015 DPWH Road Data". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-24. Nakuha noong 5 Marso 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Lowe, Aya (2013-06-12). "TPLEx may extend up to Laoag — Cojuangco". Rappler.com. Ortigas Center, Pasig City: Rappler, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-01. Nakuha noong 5 Marso 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Arcangel, Xianne (2013-10-29). "First phase of TPLEX to begin operations Wednesday". GMA News Online. GMA Network Inc. Nakuha noong 5 Marso 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Rebuyas, Michael (2013-11-02). "17-km stretch of TPLEx now open to motorists". The Philippine Star. Mandaluyong City, Philippines. Nakuha noong 5 Marso 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Camus, Miguel R. (2013-10-27). "First phase of TPLEx set to open on Oct. 30". Philippine Daily Inquirer. Makati, Metro Manila: Inquirer.net. Nakuha noong 5 Marso 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)