Abenida Gilmore
Abenida Gilmore Gilmore Avenue | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Pambayan | |
Haba | 2.0 km (1.2 mi) |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Abenida Eulogio Rodriguez Sr. sa Mariana, Lungsod Quezon |
Dulo sa timog | Kalye Nicanor Domingo sa Valencia, Lungsod Quezon |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Gilmore (Ingles: Gilmore Avenue) ay isang daang panresidensyal sa distrito ng New Manila, Lungsod Quezon, Pilipinas. Nagsisimula ito sa sangandaan nito sa Abenida Eulogio Rodriguez Sr. sa hilaga at nagtatapos ito sa Kalye Nicanor Domingo sa timog karugtong ng Kalye Granada na papuntang Abenida Ortigas. Babagtasin nito ang Bulebar Aurora pagdaan. Isa ito sa limang pangunahing lansangan na dumadaan sa New Manila mula Abenida E. Rodriguez Sr. hanggang Bulebar Aurora; ang mga iba pang lansangan ay Abenida Broadway, Abenida Doña Hemady, Kalye Balete, at Kalye Betty Go-Belmonte. Ang haba nito ay 2 kilometro (1.2 milya).
Ang sangandaan ng abenida sa Bulebar Aurora ay kilala bilang isa sa mga pook-pamilihan ng mga kompyuter. Kapwa puno ng mga tindahan ang mga katimugang sulok ng Gilmore at Aurora; ang mga tindahang ito ay nagbebenta ng mga iba't-ibang uri ng mga kompyuter at mga kagamitan nito, bago man o segunda-mano. Isa sa mga kilalang pook na matatagpuan sa abenida ay ang St. Paul University Quezon City (na matatagpuan din sa sangandaang ito). Sa tapat naman ng pamantasan makikita ang opisina ng SYKES Asia Inc. (sa Gusaling K Pointe).
Ang pinakamalapit na estasyon ng pangmasang transportasyon mula sa Abenida Gilmore ay ang Estasyong Gilmore ng Linya 2, na ipinangalan mula sa daan mismo.
Ipinangalan ang abenida mula kay Eugene Allen Gilmore, bise gobernador-heneral ng Pilipinas mula 1922 hanggang 1929 (panahon ng mga Amerikano) na naglingkod bilang pansamantalang gobernador-heneral ng Pilipinas (Agosto–Disyembre 1927).