Mga lansangan sa Kalakhang Maynila

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Narito ang listahan ng mga pangunahing o kilalang lansangan o daan sa Kalakhang Maynila, Pilipinas.

Ugnayan ng mga Daang Arteryal ng Kalakhang Maynila[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinasimpleng mapa ng ugnayan ng mga daang arteryal ng Kalakhang Maynila. Ang mga daang radyal ay mga linyang iba't-iba ang kulay, habang ang mga daang palibot ay mga linyang kulay gris.

Ang ugnayan ng mga daang arteryal ng Kalakhang Maynila (Ingles: Metro Manila Arterial Road Network) ay binubuo ng sampung (10) daang radyal (radial roads) at anim (6) na daang palibot (circumferential roads). Ang mga daang radyal ay nagbibigay ng ruta sa mga motorista palabas ng Maynila, patungo sa mga karatig-lungsod nito (hal. Lungsod Quezon atbp.) at mga karatig-lalawigan. Naka-numero ang mga ito nang 1-10 sa pamamarang pa-counterclockwise (iyan ay, paikot nang pa-kaliwa, mula sa bandang timog ng Ilog Pasig hanggang pahilaga). Sa kabilang banda, ang mga daang palibot ay mga daanan na lumilibot ng Lungsod ng Maynila; tinumbukan lamang ng mga ito ang bawat isa sa mga daang radyal nang isang beses lamang. Dalawa sa mga ito ay nasa loob ng nasasakupan ng Lungsod ng Maynila, habang ang mga apat na iba pa ay nasa mga karatig-lungsod ng Maynila. Hindi maaaring mag-tumbok ang mga daang radyal sa isa't-isa. Hindi rin maaaring magtumbok ng isang daang radyal ang isang daang palibot nang dalawang (o higit pa) beses.

Ang pinakatimog na daang radyal ay Daang Radyal Blg. 1, habang ang pinakahilaga ay Daang Radyal Blg. 10. Samantala, ang pinaka-loob na daang palibot ay Daang Palibot Blg. 1, habang ang pinakalabas ay Daang Palibot Blg. 6.

Abenida Quezon, isa sa mga bahagi ng Daang Radyal Blg. 7.
Abenida Katipunan, isa sa mga bahagi ng Daang Palibot Blg. 5.

Mga pangunahing daan[baguhin | baguhin ang batayan]

Lahat ng mga ito ay nasa wikang Ingles, subalit nasa wikang Tagalog ang link ng mga ito.