Lansangang-bayang Aspiras–Palispis
Lansangang-bayang Aspiras-Palispis | |
---|---|
Lansangang-bayang Marcos Daang Agoo-Baguio | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 47.2 km (29.3 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa silangan | N54 (Daang Gobernador Pack) sa Baguio |
N209 (Daang Pugo–Rosario) sa Pugo, La Union | |
Dulo sa kanluran | N2 (Lansangang-bayang MacArthur) sa Agoo |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Baguio |
Mga bayan | Agoo Tubao Pugo Tuba |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Lansangang-bayang ng Aspiras-Palispis (Ingles: Aspiras-Palispis Highway; dating kilala bilang Lansangang-bayang Marcos at kilala rin bilang Daang Agoo-Baguio) ay isang pangunahing lansangan sa Pilipinas na nasa hilagang Luzon na may habang nanggagaling mula sa lungsod ng Baguio hanggang sa munisipalidad ng Agoo sa lalawigan ng La Union.
Ang lansangang-bayang ito na may haba ng 47.17 kilometro[1] ay tumatawid sa Tuba na bayan ng Benguet, at sa Pugo, Tubao, at Agoo ng mga bayan ng La Union.
Isa ito sa tatlong pangunahing daanan na ginagamit ng mga motorista at manlalakbay upang makaabot sa Baguio mula sa mga kapatagan.[2] Ang maraming ulit na rehabilitasyon at maiging pagpapabuti[3] ng lansangang iyon ang nagdala upang maisa-kategoriyo iyon bilang isang lansangang maaari sa lahat ng kapanahunan (all-weather road),[4] at iyon ang higit na pinipiling lansangan ng mga motorista sa halip na ang Daang Kennon.[5]
Ang buong lansangan ay itinakda bilang lansangang N208 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas na itinakda ng DPWH.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang noong pangalang Lansangang-bayang Marcos ay pinangalanang Lansangang-bayang Aspiras-Palispis noong ika-31 ng Oktubre 2000 sa pagkakalabas ng Batas Republika 8971.[6] Ang bahagi ng lansangang sumasakop sa Baguio at lalawigan ng Benguet ay itinalagang Lansangang-bayang Ben Palispis na nagmula sa pangalan ng dating gobernador ng Benguet na si Ben Palispis. Ang bahagi naman ng Lansangang-bayang Marcos sa La Union ay ang pinangalanang Lansangang-bayang Jose D. Aspiras na nagmula sa pangalan ng dating politikong si Jose D. Aspiras.[5][6] Ganoon pa man, ang dating pangalang ang higit na kilala pa rin ng madla at pinipili pa rin ng karamihan.[7]
Ang Tulay ng Palina na nasa pagitan ng Benguet at La Union ang nagsisilbing hangganan (boundary) sa pagitan ng dalawang lansangan.[8]
Mga bagtasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lalawigan | Lokasyon | Destinasyon[8] | Mga tala |
---|---|---|---|
Benguet | Baguio | Governor Pack Road | Silangang hangganan |
Kisad Road | Silangang hangganan | ||
Kennon Road | Silangang hangganan | ||
Baguio General Hospital Elliptical Road | |||
Legarda Road | |||
Worchester Road | |||
Balsigan Road | |||
North Santo Tomas Road | |||
Bakakeng Norte Road | |||
Justice Village Road | |||
Chapis Village Road | |||
Crystal Cave Road | |||
Bakakeng Central Road 1 | |||
Suello Road | |||
Atab East | |||
Atab West | |||
Balacbac-Feeder Road | |||
Tuba | Poyopoy Road | ||
La Union | Pugo | Pugo-Rosario Road | |
Agoo | MacArthur Highway | Kanlurang hangganan |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Operation, Maintenance, Improvement of Kennon Road and Marcos Highway". Department of Public Works and Highways (Philippines). 25 Ago 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Setyembre 2014. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Reason No. 46 - Baguio City: How to Get There". League of Cities of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Setyembre 2014. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zambrano, Joseph (7 Abril 2013). "Gov't releases P20 M for highway rehab". Baguio Midland Courier. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2016. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kennon or Marcos?". GoBaguio!. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Aspiras-Palispis-Marcos Highway". Libotero. 27 Oktubre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Setyembre 2014. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "An Act Naming the Agoo-Tubao-Pugo Section of the Agoo-Baguio Road, the Jose D. Aspiras Highway, and the Benguet-Baguio City Section of the Same Road, the Ben Palispis Highway". Chan Robles Virtual Law Library. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Opiña, Rimaliza (26 Hulyo 2010). "Councilor stressed correct name of road". Sun.Star Baguio. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Hulyo 2010. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "Ben Palispis Hway". Mapcentral. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Nobyembre 2020. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)