Daang Governor Pack
Daang Governor Pack Governor Pack Road | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan – Tanggapang Inhinyero ng Distrito ng Lungsod ng Baguio | |
Haba | 0.17 km (0.11 mi) |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | N231 (Daang Session) |
Dulo sa timog | N208 (Lansangang Aspiras–Palispis) / N54 (Daang Kennon) |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Baguio |
Ang Daang Governor Pack (Ingles: Governor Pack Road) ay isang pangunahing lansangan sa Baguio sa hilagang Luzon, Pilipinas. Ang haba nito ay 0.17 kilometro (0.11 milya).
Paglalarawan ng ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-uugnay ang daan mula sa isang rotonda ng Lansangang Aspiras-Palispis (dating Lansangang Marcos) at Daang Kennon papuntang Daang Session sa pusod ng kabayanan ng lungsod. Matatagpuan sa daan ang lumang Baguio Terminal ng Victory Liner, Bus Terminal ng Genesis Transport, Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio City, at ang Unibersidad ng mga Cordillera.
Bilang ng ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ng pagpapatupad bagong sistemang pamilang ng ruta ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) noong 2014, isa ang Daang Governor Pack sa mga bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 54 (N54) ng sistemang lansangambayan ng Pilipinas, na kinabibilangan din ng Daang Kennon, Daang Harrison, at Daang Naguilian. Lagpas ng tagpuan ng Daang Harrison hanggang sa Daang Session, ang daan ay walang bilang na ruta at tinukoy bilang isang pambansang daang tersiyaryo.