Pambansang Daan ng Baguio–Bua–Itogon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Pambansang Daan ng Baguio-Bua-Itogon (Ingles: Baguio-Bua-Itogon National Road), na tinatawag ding Pambansang Daan ng Baguio-Bua-Itogon-Dalupirip (Baguio-Bua-Itogon-Dalupirip National Road),[1] o sa mas-payak na ngalan nito na Daang Baguio-Bua-Itogon (Baguio-Bua-Itogon Road)[2]), ay isang pangunahing lansangan[2] sa hilagang Luzon sa Pilipinas, na dumadaan mula sa lungsod ng Baguio hanggang sa bayan ng Itogon sa lalawigan ng Benguet.[3] Nagsisilbi ito bilang mahalagang ruta para makadaan sa Itogon,[3][4], lalong-lalo na sa anim sa mga barangay nito: Tuding, Gumatdang, Ucab, Poblacion (Central), Tinongdan, at Dalupirip.[5]

Ang daang ito ay may haba na 20.2 kilometro (12.6 milya), at nagsisimula sa sangandaan nito sa Daang Leonard Wood sa Baguio.[5] Nagtatapos ito sa pook-kalagitnaan ng Barangay Dalupirip sa tabi ng Ilog Agno.[5]

Alinsunod sa pagtatalaga ng mga pambansang lansangan sa bansa, ang kabuoang lansangan ay itinalagang isang pambansang daang tersiyaryo na walang bilang.[6]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Road structures to be demolished". Sun.Star Baguio. 31 Oktubre 2012. Nakuha noong 1 Oktubre 2014.
  2. 2.0 2.1 "Executive Order No. 194, s. 1939 (Establishing a Classification of Roads)". Official Gazette of the Republic of the Philippines. 13 Marso 1939. Nakuha noong 1 Omtubre 2014. Check date values in: |accessdate= (tulong)
  3. 3.0 3.1 "Brief Profile of the Municipality of Itogon". Official Website of the Municipality of Itogon. Nakuha noong 1 Oktubre 2014.
  4. "Towns and Cities: Itogon". Biyahero. Nakuha noong 1 Oktubre 2014.
  5. 5.0 5.1 5.2 "Baguio-Bua-Itogon Rd". Mapcentral. Nakuha noong 1 Oktubre 2014.
  6. "Benguet 1st". Department of Public Works and Highways. Nakuha noong Marso 29, 2020.