Kalye Del Pilar
Kalye Del Pilar Del Pilar Street | |
---|---|
Calle Real | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 2.0 km (1.2 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | N155 (Abenida Kalaw) sa Ermita |
Dulo sa timog | N140 (Abenida Quirino) sa Malate |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Kalye Marcelo H. del Pilar (Ingles: Marcelo H. del Pilar Street), o kilala rin bilang Kalye Del Pilar (Del Pilar Street), ay isang daan sa lungsod ng Maynila na dumadaan mula hilaga patimog at nag-uugnay ng mga distrito ng Ermita at Malate. Isa itong kalyeng dalawa ang mga linya at haba na 2 kilometro (o 1.2 milya), at dinadala ito ang walang salubong na trapiko patimog mula Abenida Kalaw sa may Liwasang Rizal sa hilaga hanggang Abenida Quirino sa tapat ng Ospital ng Maynila sa timog. Binabagtas nito ang Abenida ng United Nations, Kalye Padre Faura, Kalye Pedro Gil, at Kalye Remedios.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatakda ng kalye ang dating baybayin ng Look ng Maynila noong panahon ng mga Kastila. Tinagurian itong Calle Real[1] (Kastila na nangangahulugang "royal street") na nagsilbi noong pambansang daan na nagugnay ng Maynila sa mga lalawigan sa katimugang Luzon. Dumaan ito noon mula Ermita hanggang Muntinlupa, at dumadaan ito sa Pasay (kung saan kilala ito ngayon bilang Abenida Harrison), Parañaque (kung saan kilala ito ngayon bilang Abenida Elpidio Quirino), at Las Piñas (kung saan kilala ito ngayon bilang Abenida Diego Cera at Daang Alabang–Zapote).
Ang kasalukuyang dalampasigan ay matatagpuan mga 180 metro sa kanluran sa Bulebar Roxas (dating Bulebar Dewey) na tinambakan ng lupa noong unang bahagi ng dekada-1900 noong panahon ng mga Amerikano. Tulad ng ibang mga lansangan sa Maynila, pinalitan ito ng pangalan noong 1921, at ang bagong pangalan ay mula kay Marcelo Hilario del Pilar na isang Pilipinong manunulat at taong makabayan.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "In Search of Old Manila during Holy Week". Philippine Star. Nakuha noong 3 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manila Polo Club: Early Years". Lou Gopal / Manila Nostalgia. Nakuha noong 3 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)