North Luzon East Expressway
North Luzon East Expressway | |
---|---|
North East Luzon Expressway NLEX East NLEE | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 92.1 km (57.2 mi) |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Dulo sa timog | N170 (Abenida Commonwealth) sa Balara, Lungsod Quezon E1 / AH26 (North Luzon Expressway) sa Guiguinto, Bulacan |
Dulo sa hilaga | Cabanatuan, Nueva Ecija |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Lungsod Quezon, San Jose del Monte, Gapan, Cabanatuan |
Mga bayan | Norzagaray, Guiguinto, Plaridel, Bustos, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel, San Leonardo, Santa Rosa |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang North Luzon East Expressway ay isang ipinapanukalang mabilisang daanan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Magkakaroon ito ng apat na mga linya at haba na 92.1 kilometro (57.2 milya).[1] Ito ang magiging huling bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ng pinag-ugnay na sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan.
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang proyekto, na may haba na 92.1 kilometro, ay binubuo ng Phase I at Phase II at magiging mahalagang rutang pantransportasyon sa silangang bahagi ng Gitnang Luzon. Magsisimula ito sa dulo ng La-Mesa Parkway (na ipinapanukala rin), o sa sangandaan ng C–6 sa San Jose del Monte, Bulacan, at magtatapos sa Cabanatuan, Nueva Ecija. Dadaan ito sa mga lungsod at bayan ng Norzagaray, Angat, San Ildefonso, San Miguel, Gapan, at Santa Rosa kalinya ng Pan-Philippine Highway (AH26). Kakailanganin ng mga tulay upang maidala ang mabilisang daanan sa ibabaw ng Ilog Angat, Ilog Peñaranda, at Ilog Pampanga.[1] Inaasahang matatapos ang mabilisang daanan sa taong 2022.[1]
Inaasahan na, pagkakompketo ng mabilisang daanan, maiaalis nito ang mabigat na daloy ng trapiko sa bahaging Gitnang Luzon ng Pan-Philippine Highway, magbibigay ito ng mas-mabilis na biyahe patungong Lambak ng Cagayan, at maglilikha ito ng episiyenteng ruta pangkalakalan sa pagitan ng mga bayan at lungsod ng Nueva Ecija, Bulacan, at Kalakhang Maynila. Mag-aalok din ang proyekto sa mga babae upang maggawa sa pagtatayo nito, upang mahikayat ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa workforce nito.[1]
Mag-uugnay ang North Luzon East Expressway sa Central Luzon Link Expressway, isa pang ipinapanukalang mabilisang daanan.
Project Bidding
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bidding ng proyekto ay napunta sa isang pribadong kontratista sa pagtatayo.[1]
Kalagayan ng proyekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sa liham nito na may petsang Pebrero 11, 2015, ipinahayag ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Pilipinas (DBP) ang kanilang interes sa paglahok sa Proyektong North Luzon East Expressway (NLEE) bilang mga tagapayo sa transaksyon.[1]
- Ibinigay ng DPWH sa DBP ang kopyang-troniko ng balangkas ng huling ulat ng Business Case Study noong Marso 3, 2015.[1]
- Sinabi ng DPWH na magsisimula ang pagtatayo ng mabilisang daanan sa huling bahagi ng 2016.[1]
Mga labasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Exit 1 Norzagaray
- Exit 2 Guiguinto
- Exit 3 Plaridel
- Exit 4 Bustos
- Exit 5 San Rafael
- Exit 6 San Ildefonso
- Exit 7 San Miguel
- Exit 8 San Leonardo
- Exit 9 Santa Rosa
- Exit 10 Cabanatuan