Pumunta sa nilalaman

Muntinlupa–Cavite Expressway

Mga koordinado: 14°22′37″N 121°1′37″E / 14.37694°N 121.02694°E / 14.37694; 121.02694
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX)
Daang Hari–SLEX Link Expressway
Muntinlupa–Cavite Expressway pa-silangan patungong Palitan ng Susana Heights ng SLEx.
Impormasyon sa ruta
Haba4.0 km (2.5 mi)
Umiiral2015–kasalukuyan
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan E2 (South Luzon Expressway) sa Muntinlupa
Dulo sa kanluranSangandaan ng Daang Hari at Daang Reyna sa Kabite
Lokasyon
Mga pangunahing lungsod
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Muntinlupa–Cavite Expressway, na mas-kilala bilang MCX at dating tinawag na Daang Hari–SLEX Link Expressway, ay isang mabilisang daanang 4.0 kilometro (2.5 milya) ang haba at nag-uugnay ng katimugang lalawigan ng Kabite sa Muntinlupa sa Pilipinas. Pag-aari ito ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan, at pinamamahala ito ng AC Infrastructure Holdings Corporation, isang sangay ng Ayala Corporation.

Sa silangang dulo nito, dadaloy ito sa (at manggagaling ito mula sa) South Luzon Expressway sa lungsod ng Muntinlupa sa Kalakhang Maynila. Sa kanlurang dulo nito, dadaloy ito sa sangandaan nito sa Daang Hari at Daang Reyna malapit sa mga hangganan ng lungsod sa Las Piñas at Bacoor.

Ibinuksan sa trapiko ang mabilisang daanan noong Hulyo 24, 2015.[1]

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsisilbing tagaugnay sa pagitan ng Daang Hari at South Luzon Expressway (SLEx) ang Muntinlupa–Cavite Expressway. Dumadaan ang mabilisang daanan malapit sa paligid ng mga bilangguan ng New Bilibid at Southville 2A, isa sa mga pook-relokasyon ng mga taong naninirahan sa lupa ng iba na dating nakatira sa tabi ng mga linyang daangbakal ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (o PNR).

Nagsisimula ang mabilisang daanan sa isang palitang hugis-T (T-interchange) sa may South Luzon Expressway malapit sa Susana Heights. Tatahakin nito ang bahagyang pa-kurbang ruta kalinya ng Sapa ng Magdaong na nagsisilbing hangganan sa pagitan ng mga baranggay ng Poblacion at Tunasan. Maya-maya, dadaan ito malapit sa mga bilangguan ng New Bilibid, kung saan iniba ang pagkakaruta ng mga ilang access road noong itinatayo ang mabilisang daanan. Magtatapos ang mabilisang daanan sa isang rotonda sa may Daang Hari at Daang Reyna.

Tarangkahang Pambayad ng Muntinlupa–Cavite Expressway

Itinataya ang mga bayarin sa bawat direksyon sa tarangkahang pambayad, batay sa uri ng sasakyan. Isang kasunduan ng pagpapatakbo nang sabayan na nilagda ng mga nagpapatakbo ng mga mabilisang daanan ng Muntinlupa–Cavite (MCX) at South Luzon (SLEx) ay nilagdaan tatlong araw bago ang pormal na pagbubukas ng unang nabanggit na mabilisang daanan.[2] Bunga nito, ang mga motorista na gumagamit ng Muntinlupa–Cavite Expressway ay dapat magbayad ng bayarin (depende sa uri ng sasakyan), sa karagdagan ng bayarin mula South Luzon Expressway at/o Metro Manila Skyway hanggang Labasan ng Susana Heights.[3] Alinsunod sa batas lahat ng mga bayarin ay may kasamang 12% Value-Added Tax.

Uri ng sasakyan Bayarin
Class 1
(Mga sasakyan, motorsiklo, SUV, at dyipni)
₱17.00
Class 2
(Mga bus at magaan na trak)
₱34.00
Class 3
(Mga mabigat na trak)
₱51.00

Nasa Muntinlupa ang buong ruta ng mabilisang daanan. Walang nakalagay na mga panandang pang-kilometro sa alinmang bahagi ng mabilisang daanan.


Lungsod/BayankmmiMga paroroonanMga nota
Muntinlupa E2 / AH26 (SLEX) – NAIA, Batangas, Laguna, Makati, Manila, Susana HeightsPalitang T. Walang pasukan mula sa Susana Heights Access Road.
Tarangkahang Pambayad ng MCX
Lansangang Aguinaldo, Daang Hari, Las Piñas, Vista CityRotonda. Kanlurang dulo ng mabilisang daanan.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Hindi kumpletong access
  •       May toll

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Valiente, Catherine S. (24 Hulyo 2015). "Aquino opens Muntinlupa–Cavite Expressway". The Manila Times. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 25 Hulyo 2015. Nakuha noong 24 Hulyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. ABS-CBNnews.com (21 Hulyo 2015). "Ayala, San Miguel sign interoperability deal for MCX". Nakuha noong 28 Hulyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Tabamo, Dinzo (25 Hulyo 2015). "The new Muntinlupa-Cavite Expressway is now open". TopGear.com.ph. Summit Media. Nakuha noong 28 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°22′37″N 121°1′37″E / 14.37694°N 121.02694°E / 14.37694; 121.02694