Daang Radyal Blg. 2
Hilagang dulo: Abenida Padre Burgos/Tunel ng Lagusnilad sa Maynila Katimugang dulo: sa Talisay, Batangas |
Ang Daang Radyal Blg. 2 (Ingles: Radial Road 2), na mas-kilala bilang R-2, ay isang pinag-ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa ikalawang daang radyal ng Maynila sa Pilipinas.[1] Dumadaan ito mula hilaga patimog, at nagu-ugnay ng lungsod ng Maynila sa mga lungsod ng Pasay, Parañaque, at Las Piñas ng Kalakhang Maynila, at Bacoor, Imus, Dasmariñas, Silang, at Tagaytay sa lalawigan ng Cavite, at Talisay sa Batangas.
Ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ng R-2 ang mga sumusunod na bahagi mula hilaga patimog:
Abenida Taft (Taft Avenue)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula sa hilagang dulo nito sa Tunel ng Lagusnilad (na galing sa Abenida Padre Burgos) hanggang sa Daang Redemptorist sa Pasay, kilala ang R-2 bilang Abenida Taft. Sinisilbihan nito ang mga distrito ng Ermita at Malate at mga lungsod ng Pasay at Parañaque sa ilalim ng Unang Linyang Daambakal ng LRT.
Abenida Elpidio Quirino (Elpidio Quirino Avenue)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula sa sangandaan nito sa Abenida Taft/Daang Redemptorist sa Baclaran hanggang sa San Dionisio, kilala ang R-2 bilang Abenida Elpidio Quirino na isa sa mga pangunahing lansangan ng Parañaque. Tatapos ito sa sangandaan nito sa Abenida Padre Diego Cera
Abenida Diego Cera (Diego Cera Avenue)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Las Piñas, kilala ang R-2 bilang Abenida Diego Cera. Dumadaan ito sa pagitan ng Kalye Villareal sa Baranggay Manuyo Uno at Daang Alabang–Zapote sa Zapote.
Lansangang Aguinaldo (Aguinaldo Highway)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula sa Daang Alabang–Zapote hanggang sa Tagaytay, Cavite, kilala bilang Lansangang Aguinaldo ang R-2. Ito ang pangunahing lansangang hilaga-patimog sa lalawigan ng Cavite at nag-uugnay ng lungsod ng Las Piñas sa Kalakhang Maynila sa mga lungsod ng Bacoor, Imus, Dasmariñas, Silang, at Tagaytay sa Cavite. Tatapos ang Lansangang Aguinaldo sa Rotondang Tagaytay na matatagpuan sa nasabing lungsod.
Daang Tagaytay–Talisay (Tagaytay–Talisay Road)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Paglampas ng rotonda sa Tagaytay, kilala ang R-2 bilang Daang Tagaytay–Talisay. Isa itong daang sigsag na dumadaan pababa ng dalisdis ng kabundukan patungong Talisay, Batangas sa dalampasigan ng Lawa ng Taal.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Metro Manila Infrastructure Development" (PDF). University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)