Pumunta sa nilalaman

Daang Alabang–Zapote

Mga koordinado: 14°26′12″N 121°0′24″E / 14.43667°N 121.00667°E / 14.43667; 121.00667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Daang Alabang–Zapote
Alabang–Zapote Road
Calle Real (Real Street)
Daang Alabang–Zapote papalapit ng Daang CAA, Barangay Talon Uno.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Haba10.9 km (6.8 mi)
Bahagi ng N411 sa pagitan ng N62 (Abenida Diego Cera) sa Zapote, Las Piñas at N1 (Manila South Road/Daang Maharlika) sa Alabang, Muntinlupa
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran E3 (Manila–Cavite Expressway) sa Bacoor
 
Dulo sa silangan N1 (Manila South Road o National Road) sa Alabang, Muntinlupa
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Alabang–Zapote (Ingles: Alabang–Zapote Road) ay isang pambansang daang may apat na linya at haba na 10.9 kilometro (6.8 milya) na dumadaan mula silangan pa-kanluran sa katimugang dulo ng Kalakhang Maynila, Pilipinas. Kalinya nito ang Abenida Dr. Santos sa hilaga at pinangalan ito mula sa dalawang baranggay na pinag-uugnay nito: Alabang sa Muntinlupa at Zapote sa Las Piñas. Ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan o DPWH ang nangangasiwa sa lansangang ito.

Mula sa silangang dulo nito sa isang palitan sa South Luzon Expressway at Metro Manila Skyway sa Alabang, Muntinlupa, dadaan ang Daang Alabang–Zapote pakanluran patungo sa mga sangandaan nito sa Abenida Diego Cera at Lansangang Aguinaldo sa Las Piñas. At simula noong 1997, tumutuloy na ito pakanluran hanggang sa kasalukuyang dulo nito sa kanluran sa CAVITEx (R-1) sa Bacoor, Cavite, sa pamamagitan ng isang flyover at tulay.[1]

Dinadala ng daan ang higit sa 70,000 sasakyan kada araw magmula noong 2016, at tinitiis nito ang mga pagsisikip sa trapiko. Naitala ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) ang Daang Alabang–Zapote bilang isang pangunahing punto ng paninikip (o kung tawagi'y choke point), at binago ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), o balaking "color coding", sa daan upang hindi na kabilang ang mga window hour.

Sinusundan ng Daang Alabang–Zapote ang dating pandalampasigang daan ng mga Kastila na nagugnay ng Maynila sa La Laguna at iba pang mga katimugang lalawigan. Tinawag ito noon Calle Real (Kastila na ang ibig-sabihi'y "royal street") o Camino Real ("royal way") na dumaan noon mula Ermita hanggang Muntinlupa.[2] Sa kasalukuyan, tangi ang Daang Alabang–Zapote ay tinatawag pa ring Calle Real (o Real Street) bilang alternatibong pangalan ng daan. Ang mga nalalabing bahagi ng Calle Real ay pinalitan na ng pangalan: Kalye Del Pilar sa lungsod ng Maynila, Abenida Harrison sa Pasay, Abenida Elpidio Quirino sa Parañaque, at Abenida Diego Cera sa Las Piñas (bahaging Manuyo Uno - Zapote).

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Daang Alabang–Zapote malapit sa Pamplona, Las Piñas pagka-rush hour tuwing dapit-hapon.

Nagsisimula ang daan sa Alabang malapit sa Starmall Alabang at Festival Alabang (dating Festival Supermall) sa Filinvest City. Tatawid naman ito papuntang Madrigal Business Park at Alabang Town Center at babagtasin nito ang Abenida Madrigal at Abenida Acacia. Sa kanluran ng Daang Hari (o Investment Drive), papasok ito sa Las Piñas at Barangay Pilar kung saang matatagpuan ang SM Southmall. Mula Abenida Marcos Alvarez hanggang Abenida CAA-Kalye BF Resort, dadaan ito sa Barangay Talon kung saang matatagpuan ang Robinsons Place Las Piñas. Sa Barangay Pamplona, tutungo ito lampas ng Gusaling Panlungsod ng Las Piñas, SM Center Las Piñas at Starmall. Itinayo ang isang flyover at tulay noong 1997 upang i-ugnay ang Zapote, Las Piñas sa Zapote, Bacoor (Longos) sa ibabaw ng Ilog Zapote kung saang nagtatapos ang daan sa isang palitan kasama ang CAVITEX (o Coastal Road). Halos nililinyahan ang buong daan ng mga linyang subtransmisyon ng kuryente ng Meralco na inilagay sa mga matataas na mga poste sa tabing-daan na pinaghatian din ng mga linyang distribusyon.

Magmula noong Hulyo 2016, iniulat ng Las Piñas Traffic Management Office na higit sa 70,000 sasakyan ang dumadaan sa Daang Alabang–Zapote araw-araw, lampas sa kakayahan nito. [3] Nakakuha ng daan ang kasiraang-puri sa mga pagsisikip sa trapiko nito, at itinala ito ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila bilang isang pangunahing lugar ng paninikip sa trapiko sa katimugang Kalakhang Maynila, kasama na ang mga ibang pangunahing daang papunta sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino, tulad ng Daang Sucat, Abenida Andrews, at Domestic Road.[4] Ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), o mas-kilala sa madla bilang "balaking pagkokodigo ng kulay" ("color-coding scheme"), ay iniba para sa Daang Alabang–Zapote upang magkaroon ito ng walang "window hours", o mga oras na kung saan pansamantalang nakasuspinde o hindi ipinapatupad ang UVVRP.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Flyover construction rushed for Christmas". Manila Standard. Nakuha noong 17 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Rebirth of Taft Avenue". Manila Bulletin. Nakuha noong 17 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Las Piñas LGU on traffic problem: moratorium on franchise issuance, Task Force Ayos Trapiko". Government of the Republic of the Philippines. Philippine Information Agency. 18 Hulyo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-24. Nakuha noong 17 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Frialde, Mike (7 Hulyo 2016). "Traffic choke points in Metro Manila identified". The Philippine Star. Philstar. Nakuha noong 17 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ramirez, Robertzon (18 Oktubre 2016). "18 roads added to coding scheme". The Philippine Star. Philstar. Nakuha noong 17 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°26′12″N 121°0′24″E / 14.43667°N 121.00667°E / 14.43667; 121.00667