Bulebar Shaw

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Bulebar Shaw
Shaw Boulevard
Bulebar Shaw sa Mandaluyong pasilangan malapit sa EDSA.
Impormasyon sa ruta
Haba:5.2 km (3.2 mi)
Bahagi ng:
Pangunahing daanan
Dulo sa Kanluran:N141 (Philippines).svg N141 (Tulay ng Padre Sanchez) sa Maynila
 
Dulo sa SilanganN141 (Philippines).svg N141 (Bulebar Pasig) sa Pasig
Lokasyon
(Mga) Pangunahing lungsod:Maynila, Mandaluyong, Pasig
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Ang Bulebar Shaw (Ingles: Shaw Boulevard) ay isang lansangan na may anim hanggang sampung linya na kumokonekta sa mga lungsod ng Mandaluyong at Pasig sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Galing ang pangalan nito kay William J. Shaw, ang nagtatag ng Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong.[1] Isa ito sa mga pangunahing lansangan ng Sentrong Ortigas sa Mandaluyong at Pasig. Bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 5 (R-5) ng pinagugnay na mga daang arteryal ng Kamaynilaan. Ang haba nito ay 5.2 kilometro (o 3.2 milya).

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang dating pangalan ng Bulebar Shaw ay Bulebar Jose Rizal (Jose Rizal Boulevard).

Ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Bulebar Shaw patungong F.B. Martinez at Santa Mesa, Maynila.

Nagsisimula ang Bulebar Shaw sa sangandaan nito sa Kalye Heneral Kalentong bilang karugtong ng Kalye Padre Sanchez. Tinatahak nito ang ruta na lumiliko nang bahagya sa Mandaluyong bago bumagtas ng EDSA. Isang flyover ang nagdadala ng bulebar sa ibabaw ng Estasyong Shaw sa EDSA, at bababa ito malapit sa EDSA Shangri-la. Magiging dual-carriageway ang Bulebar Shaw paglampas ng EDSA, at di-kalaunan ay papasok sa Pasig kung saan dadaan ito sa may Capitol Commons, isang mixed-use development na matatagpuan sa dating lupain ng kapitolyong panlalawigan ng Rizal.[2] Paglampas ng Hillcrest Drive, tutuloy ito patungong C-5 bilang Bulebar Pasig.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga artikulong ukol sa mga daan[baguhin | baguhin ang batayan]

Iba pang mga kaugnay na artikulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Wack Wack Golf & Country Club History". Wackwack.com. http://www.wackwack.com/history.html. Hinango noong 12 Hulyo 2012. 
  2. "Capitol Commons". Ortigas & Company Limited Partnership. http://www.ortigas.com.ph/proj-capitol.html. 

Coordinates: 14°35′7″N 121°2′54″E / 14.58528°N 121.04833°E / 14.58528; 121.04833