Abenida San Miguel

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Abenida San Miguel pahilaga mula sa sangandaan nito sa Bulebar Shaw.

Ang Abenida San Miguel (Ingles: San Miguel Avenue) ay isang maiksing lansangang hilaga-patimog na matatagpuan sa Lundayang Ortigas, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong abenidang walo ang mga linya at hinahatian ng panggitnang harangan na dumadaan nang ilang daang metro sa pagitan ng Bulebar Shaw sa timog at Abenida Julia Vargas sa hilaga. Pinangalanan ito sa pinakamalaking korporasyong industriyal na San Miguel Corporation, na nakahimpil sa sangandaan ng abenida sa Julia Vargas mula pa noong 1984.[1]

Sa simula, nagdurugtong ang abenida patungong Abenida Ortigas sa hilaga. Subalit, ang bahaging ito sa pagitan ng Julia Vargas at Ortigas ay binigyan ng bagong panglan na ADB Avenue (Abenida ADB) noong lumipat ang himpilan ng Asian Development Bank papunta rito noong 1991.[2] Bumubuo ang abenida sa hangganan sa pagitan ng Barangay San Antonio, Pasig sa silangan at Barangay Wack-Wack Greenhills, Mandaluyong sa kanluran. Mayroon itong maikling karugtong papuntang Distrito ng Greenfield sa timog ng Bulebar Shaw bilang Kalye Sheridan.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "San Miguel Corporation Building". Arkitektura.ph. Hinango noong 1 Nobyembre 2013.
  2. "Greenbacks & green buildings". BusinessWorld. Hinango noong 1 Nobyembre 2013.

Mga koordinado: 14°34′50″N 121°03′33″E / 14.58050°N 121.05909°E / 14.58050; 121.05909