San Mateo, Rizal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
San Mateo
Bayan
San Mateo Rizal 1.JPG
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng San Mateo
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng San Mateo
San Mateo is located in Philippines
San Mateo
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinato: 14°43′N 121°7′E / 14.717°N 121.117°E / 14.717; 121.117Mga koordinato: 14°43′N 121°7′E / 14.717°N 121.117°E / 14.717; 121.117
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON
Lalawigan Rizal
Distrito Pangalawang Distrito ng Rizal
Mga barangay 15
Pamahalaan
 • Punong-bayan Cristina C. Diaz
 • Pangalawang Punong-bayan Jose Rafael E. Diaz
Lawak
 • Kabuuan 55.09 km2 (21.27 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 205,255
 • Kapal 3,700/km2 (9,600/sq mi)
Zip Code 1850
Kodigong pantawag 2
Kaurian ng kita Unang Klase
PSGC 45811000
Website San Mateo, Rizal: Opisyal na Websayt
Senso ng populasyon ng
San Mateo, Rizal
Senso Populasyon +/-
1990 82,310
1995 99,217 3.8%
2000 135,603 6.93%
2007 184,860 4.37%
2010 205,255 1.45%

Ang San Mateo, Rizal, Bayan ng San Mateo, Lalawigan ng Rizal, o payak na San Mateo lamang ay isang unang klaseng urbanong munisipalidad ng Lalawigan ng Rizal sa Pilipinas. Nakalagak ito sa pulo ng Luzon, at isa sa 13 mga munisipalidad at isang kabiserang lungsod na bumubuo sa Lalawigan ng Rizal, Rehiyon 4-A (Rehiyon ng Calabarzon) sa Katimugang Katagalugan ng Pilipinas. Kabahagi ang San Mateo ng Paikot na Urbanong Lansangan ng Metro Luzon (Metro Luzon Urban Beltway).

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

May dalawang magkaibang salaysay tungkol sa pagkakatatag ng San Mateo. Ang una, ayon kay Padre Gaspar de San Agustin sa kanyang aklat na Conquistas de las Islas Filipinas, ay ang pagtatatag ng mga Agustino sa bayan noong 1572. Sa ikalawang salaysay, sinasabing ipinadala ni Miguel López de Legazpi ang kanyang pamangking si Juan de Salcedo dalawang taon bago siya lumapag sa Maynila. Ito ay upang paghandaan ang pagpapasinaya ng lungsod na ginawa noong ika-24 ng Hunyo 1571.

Taong 1596 ng unang magkaroon ang bayan ng simbahan bagamat may salaysay na nagsasabing naitatag na ang Parokya ng San Mateo noon pang 1572. Ayon sa kasaysayang isinulat ng Agustinong nagngangalang Padre Cavada, taong 1596 ng itayo ang unang simbahan sa bansa sa katimugan ng kasalukuyang poblacion ng San Mateo. Ang apostol na si San Mateo ang naging patron ng simbahang ito.[1]

Isa pang salaysay ukol sa pagbibinyag ng pangalang San Mateo ay nagmula sa kuwento ng pagkakatagpo sa lugar na ngayon ay kinatatayuan ng bayan. Isa sa mga Kastilang nagliligid at marahil ay isang kapatas sapagkat siya ay may hawak na aklat sa isang kamay at panulat sa kabila ay nakatayo na animo'y isang imahen ng santo. Sa gayon, ang isang kasama ay tumawag at nagsabing,

"Kaibigan, sa ayos mong iyan ay kamukha mo si San Mateo."

Si San Mateo, sapagka't isa sa sinasabing sumulat ng Ebanghelyo, ay inilalarawan na may hawak na aklat at pluma sa mga kamay.

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang bayan ng San Mateo ay matatagpuan sa Lambak ng Marikina. Binabagtas ng Ilog Marikina ang kanlurang bahagi ng bayan samantalang ang Ilog Nangka ay dumadaloy sa timog. Tinatayang nasa 24 kilometro hilagang-silang ng Lungsod ng Maynila ang San Mateo. Kinahahanggan ng bayan sa hilaga ang bayan ng Rodriguez, sa kanluran ang Lungsod Quezon, sa silangan ang lungsod ng Antipolo, at sa timog ang lungsod ng Marikina.[2]

Ang malaking bahagi ng bayan ay kinatatayuan ng mga pamayanan habang ang silangang bahagi ay binubuo ng matataas ng lugar na nasa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre.

Mga Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Binubuo ng 15 barangay and San Mateo.[3]

Barangay Lawak (km²) Populasyon (2010) Kapal ng Populasyon (/km²)
Ampid 1 1.316 27,365 20,794.07
Ampid 2 0.245 3,685 15,040.82
Banaba 1.382 21,553 15,595.51
Dulong Bayan 1 0.5879 5,030 8,555.88
Dulong Bayan 2 4.3 6,837 1,590
Guinayang 2.73 7,167 2,625.27
Guitnang Bayan 1 4.12 24,707 5,996.84
Guitnang Bayan 2 6.14 13,680 2,228.01
Gulod Malaya 1.394 8,564 6,143.47
Malanday 3.53 13,544 3,836.83
Maly 5.65 14,905 2,638.05
Pintong Bukawe 7.53 4,080 541.83
Silangan 7.655 33,942 4,433.96
Sta. Ana 0.8 9,176 11,470
Sto. Niño 0.8711 11,020 12,650.67

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Komersyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang sentro ng komersyo ng San Mateo ay matatagpuan sa gitna ng maraming pamayanan. Ang isa sa sa mga pook pangkomersyo ay nagsisimula sa pampublikong pamilihan sa Barangay Guitnang Bayan II at dinadaanan ng lansangan patungong Rodriguez at ng kalye ng Daangbakal. Ang lugar ay kinaroroonan ng mga institusyong pinansyal, pampublikong pamilihan, restawran at maliliit na kainan, at mga tindahan.[2]

Isa pang maituturing na pook pangkomersyo ay ang kanto ng Delos Santos at Gen. Luna sa Barangay Ampid I, gayundin ang lugar malapit sa pamilihan sa Barangay Banaba at ang kanto ng Patiis at Gen. Luna sa Barangay Malanday.[2]

Mga Pook na Interesante[baguhin | baguhin ang batayan]

Dambana ng Mahal na Birhen ng Aranzazu

Sinasabing ang unang larawan ng Nuestra Señora de Aranzazu ay dinala sa Pilipinas lulan ng barkong galyon mula sa Oñate, Espanya kung saan sinasabing nagpakita ang Birhen ng Aranzazu. Sa kasalukuyan, matatagpuan sa San Mateo ang natatanging parokya sa Pilipinas na ipinangalan sa Birhen ng Aranzazu. Noong ika-4 ng Hunyo 2004, inihayag ang simbahan ng Aranzazu bilang Pangdiyosesis na Dambana ng Mahal na Birhen ng Aranzazu.[4]

Matatagpuan naman sa Pintong Bukawe ang Camp Sinai kung saan matatanaw ang Sierra Madre, Laguna de Bay, at ang kalunsuran. Dito rin makikita ang mga tableta ng Sampung Utos na kasalukuyang pinakamalaki sa mundo.[4]

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. News5 Everywhere - TAGA-SAN MATEO, RIZAL KA BA?. TV5 NETWORK, INC. Hinango noong Hulyo 11, 2016.
  2. 2.0 2.1 2.2 About Us. Municipality of San Mateo, Rizal. Hinango noong Hulyo 10, 2016.
  3. Municipality: San Mateo. PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Hinango noong Hulyo 10, 2016.
  4. 4.0 4.1 Rizal Provincial Government Official Website. Provincial Government of Rizal. Hinango noong Hulyo 10, 2016.