Rizal
Rizal | |||
|---|---|---|---|
| Lalawigan ng Rizal | |||
(Mula itaas hanggang ibaba) Masungi Georeserve, Hinulugang Taktak, Pililla Wind Farm, Angono Petroglyphs at mga Bulubunduking Sierra Madre sa Tanay. | |||
| |||
| Awit: Rizal Mabuhay | |||
Lokasyon sa Philippines | |||
| Mga koordinado: 14°40′N 121°15′E / 14.67°N 121.25°E | |||
| Rehiyon | Pilipinas | ||
| Itinatag | Hunyo 11, 1901 | ||
| Ipinangalan kay (sa) | José Rizal | ||
| Kabisera at pinakamalaking lungsod | Antipolo (mula July 7, 2020) | ||
| Pamahalaan | |||
| • Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
| • Gobernador | Nina Ricci A. Ynares (NPC) | ||
| • Bise Gobernador | Reynaldo H. San Juan, Jr. (PFP) | ||
| • Lehislatura | Rizal Provincial Board | ||
| Lawak | |||
| • Kabuuan | 1,191.94 km2 (460.21 milya kuwadrado) | ||
| Ranggo sa lawak | ika-73 sa lahat ng 81 | ||
| Pinakamataas na pook | 1,509 m (4,951 tal) | ||
| Populasyon (senso ng 2024) | |||
| • Kabuuan | 3,416,541 | ||
| • Ranggo | ika-4 sa lahat ng 81 | ||
| • Kapal | 2,900/km2 (7,400/milya kuwadrado) | ||
| • Ranggo sa densidad | Una sa lahat ng 81 | ||
| Tawag sa tagalugar | Rizaleño | ||
| Mga dibisyon | |||
| • malalayang lungsod | 0 | ||
| • Mga bahaging lungsod | Talaan
| ||
| • Mga munisipalidad | |||
| • Mga Barangay | 189 | ||
| • Mga distrito | |||
| Demograpiya | |||
| • Etnikong grupo | |||
| • Mga wika | |||
| Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
| IDD : area code | +63 (0)2 | ||
| Kodigo ng ISO 3166 | PH-RIZ | ||
| Websayt | rizalprovince.ph | ||
Ang Rizal ay isang lalawigan sa gitnang bahagi ng isla ng Luzon sa Pilipinas. Pinapaligiran ito ng Kalakhang Maynila sa kanluran, sa hilaga ang Bulacan, sa silangan ang lalawigan ng Quezon, at Laguna sa timog. Pinangalan ang lalawigan na ito sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Gat. Jose Rizal. At ang lalawigang ito ay bahagi ng Malawakang Maynila.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa sa mga patunay ng sinaunang pamayanan sa Rizal ay ang mga ukit sa isang kuweba sa Angono na tinaguriang mga Petroglipo ng Angono. Tinatayang ginawa noong 1000 BC, ang mga petroglipo ay kinabibilangan ng mahigit 120 ukit na hugis tao, palaka, at butiki.
Ang mga sinaunang mamamayan ng lalawigan ng Rizal ay unang nanirahan sa mga pampang ng Laguna de Bay. Bago dumating ang mga Kastila, ang mga pamayanang ito, gayundin ang mga pamayanan sa pampang ng Ilog Pasig, ay pinamumunuan ni Raha Sulayman na pamangkin ni Lakandula, ang pinuno ng Tondo.
Matapos gapiin ng unang Kastilang gobernador-heneral na si Miguel López de Legazpi ang mga raha, inatas niya sa kanyang pamangkin na si Juan de Salcedo na lupigin ang mga bayan sa katimugan ng Luzon. Noong 1571, sunod-sunod na nakuha ni Salcedo ang mga bayan sa pamamagitan ng diplomasiya at pakikipagkasundo sa mga mamamayan.
Inorganisa ang mga bayan sa mga munisipyo ng gobyernong Kastila sa Maynila. Matapos nito, ipinadala ang mga misyonero tulad ng mga Pransiskano at Heswita upang magtayo ng mga simbahan sa mga bayan at ipalaganap ang Kristiyanismo. Isa sa mga unang simbahan ay ipinatayo ng Heswitang si Padre Pedro Chirino, Kastilang iskolar na sumulat ng mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.
Bago pa man maging lalawigan ang Rizal, ang mga pamayanan nito ay naging bahagi ng mga lalawigan ng Tondo at Laguna noong panahon ng mga Kastila. Gayunpaman, bago dumating ang mga Kastila, ang mga bayan ng Pasig, Parañaque, Taytay at Cainta ay binubuo na ng mga pamayanang Tagalog na nakikipag-ugnayan na sa mga Tsino at iba pang mga Asyano.
Noong 1853, ang mga bayan ng Morong, Pililla, Tanay, Baras, Binangonan, Jalajala, Angono, Antipolo, Boso-Boso, Cainta at Taytay ay inalis sa lalawigan ng Tondo at inilipat sa bagong tatag na Distrito Politico-Militar de los Montes de San Mateo. Makalipas ang apat na taon, ito ay pinangalanang Distrito-Militar de Morong upang bigyang-diin na Morong ang kabisera ng distrito.
Noong 1860, ang lalawigan ng Tondo ay naging lalawigan ng Maynila at ang lahat ng bayan nito ay isinailalim sa pangagasiwa ng gobernador ng Maynila.
Sa kalagitnaan ng hidwaang Pilipino-Amerika noong 1900, sinimulan ang diskusyon ukol sa pagsasanib ng mga lalawigan ng Maynila at Morong. Noong 5 Hunyo 1901, 221 delegado ang dumalo sa pagpupulong sa Simbahan ng Pasig. Sa pagpupulong na ito, iminungkahi ni Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera na pagsamahin ang Maynila at Morong sa isang lalawigan ng tatawaging Rizal bilang paggunita sa bayaning si Dr. José Rizal.
Noong 11 Hunyo 1901, sa pamamagitan ng Batas Blg. 137, nilikha ng Ikalawang Komisyon sa Pilipinas ang lalawigan ng Rizal na binubuo ng 19 na bayan mula sa Maynila at 14 na bayan mula sa Morong sa kabuuang 33 bayan.
Sa loob ng maraming taon, nagbago ang kinasasakupan ng lalawigan ng Rizal hanggang sa ito ay buuin ng 26 na bayan (maliban sa mga lungsod ng Kalookan, at Quezon): Las Piñas, Malabon, Makati, Parañaque, Taguig, Pateros, Pasig, Marikina, Muntinlupa, Mandaluyong, Navotas, San Juan, San Mateo at Montalban (mula sa dating lalawigan ng Maynila), at Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Antipolo, Cardona, Jalajala, Morong, Pililla, Tanay, Taytay at Teresa (mula sa Distrito-Militar de Morong).
Noong 7 Nobyembre 1975, sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo Blg. 824, ang 12 sa pinakamaunlad na mga bayan ng Rizal—Las Piñas, Muntinlupa, Taguig, Parañaque, Pateros, Makati, Mandaluyong, San Juan, Malabon, Navotas, Pasig at Marikina—ay inilipat sa bagong tatag na Kalakhang Maynila. Kabilang din sa bagong rehiyon ang bayan ng Valenzuela na dating sa Bulacan, at ang mga lungsod ng Quezon, at Kalookan.[2]
Sa ngayon, ang lalawigan ng Rizal ay binubuo na lamang ng 14 na bayan—San Mateo, Montalban, Cainta, Taytay, Angono, Antipolo, Binangonan, Teresa, Morong, Cardona, Tanay, Pililla, Baras at Jalajala.
Noong 13 Pebrero 1998, nilagdaan ng Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Pambansa Blg. 8505 na nagtatag sa bayan ng Antipolo bilang isang lungsod. Ito ay niratipika matapos ang plebisitong ginawa noong 4 Abril 1998.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasa silangan ng Kalakhang Maynila ang lalawigan ng Rizal. Matatagpuan ito 20 kilometro silangan ng Lungsod ng Maynila. Pangkahalatang mabundok ang lupain ng lalawigan, at karamihan ng mga bayan sa katimugang bahagi ay naghahanggan sa Lawa ng Laguna.
Pampolitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pampolitika na nahahati ang Rizal sa 13 bayan at 1 lungsod.[3]
| Lungsod/Bayan | Bilang ng mga Barangay | Sukat (km²) | Populasyon (Senso noong 2010) | Densidad (bawat km²) |
|---|---|---|---|---|
| Angono | 10 | 26.10 | ||
| Antipolo | 16 | 306.10 | 677,741 | 2,214.12 |
| Baras | 10 | 84.93 | 32,609 | 385.95 |
| Binangonan | 40 | 66.34 | 249,872 | 3,766.54 |
| Cainta | 7 | 26.81 | 311,845 | 11,631.68 |
| Cardona | 18 | 28.56 | 47,414 | 1,660.15 |
| Jalajala | 11 | 44.12 | 30,074 | 681.64 |
| Morong | 8 | 37.58 | 52,194 | 1,388.88 |
| Pililla | 9 | 69.95 | 59,527 | 850.99 |
| Rodriguez | 11 | 312.70 | 280,904 | 898.31 |
| San Mateo | 15 | 55.09 | 205,255 | 3,725.81 |
| Tanay | 19 | 200.00 | 98,879 | 494.3 |
| Taytay | 5 | 38.80 | 288,956 | 7,447.32 |
| Teresa | 9 | 18.61 | 47,163 | 2,534.28 |
Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kilalang personalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pambansang bayani at makabayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Licerio Gerónimo (1855–1924) – Rebolusyonaryong Heneral ng Pilipinas (Rodriguez)
- Tomás Claudio (1892–1918) – Sundalong Pilipino na sumali sa Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos noong Unang Digmaang Pandaigdig. Siya ang itinuturing na unang Pilipinong namatay sa ibang bansa noong panahon ng isang pandaigdigang tunggalian. (Morong)
- Ambrosio Flores (1843–1912) – Pilipinong heneral sa Rebolusyong Pilipino at ang unang gobernador ng lalawigan ng Rizal.
Sining
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Carlos “Botong” Francisco (1912–1969) – National Artist of the Philippines for Visual Arts – Painting (Angono)
- Lucio San Pedro (1913–2002) – Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Musika (Angono)
- Vicente Manansala (1910–1981) – Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Sining Biswal – Pagpinta (Binangonan)
- Francisco Feliciano (1941–2014) – Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Musika (Morong)
- Nemesio Miranda (ipinanganak 1949) – pintor at iskultor (Angono)
- Rodel Tapaya (ipinanganak 1980) – pintor (Rodriguez)
- JC Jacinto (ipinanganak 1985) – visual artist (Cainta)
- Jesse Santos (1928–2013) – Filipino comic-book artist (Teresa)
- Ligaya Tiamson-Rubin – manunulat at tagapagturo (Angono)
- Jose Antonio Vargas (ipinanganak 1981) – mamamahayag, gumagawa ng pelikula, at aktibista ng karapatan sa imigrasyon sa Estados Unidos (Antipolo)
Libangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Herlene Budol (ipinanganak 1999) – artista at komedyante (Angono)
- Mike Tan (ipinanganak 1987) – artista (Angono)
- Bentong Sumaya (ipinanganak 1975) - artista (Antipolo)
- Francis Magalona (1964–2009) – aktor, rapper, musikero, producer, host ng telebisyon. (Antipolo)
- Yassi Pressman (ipinanganak 1995) – artista, mang-aawit at mananayaw (Antipolo)
- Kristel de Catalina (ipinanganak 1985) – spiral pole dancer, Pilipinas Got Talent season 6 grand champion (Antipolo)
- Marco Masa (ipinanganak 2007) – dating bata at kasalukuyang teen actor (Antipolo)
- Rocco Nacino (ipinanganak 1987) – artista (Antipolo)
- Ai-Ai delas Alas (ipinanganak 1964) – artista/comedienne (Cainta)
- Bea Alonzo (ipinanganak 1987) – Aktres, at negosyante. (Cainta)
- Camille Prats (ipinanganak 1985) – artista, modelo (Cainta)
- Aster Amoyo (ipinanganak 1956) – host ng telebisyon, tagapamahala ng talento, kolumnista (Cainta)
- Amy Perez (ipinanganak 1969) – artista, host (Cainta)
- Yeng Constantino (ipinanganak 1988) – singer-songwriter, Pinoy Dream Academy season 1 grand champion (Rodriguez)
- Makisig Morales (ipinanganak 1996) – dating child actor (San Mateo)
- Alice Dixson (ipinanganak 1969) – Aktres, kinatawan ng Pilipinas para sa Miss International noong 1986 (Taytay)
- Toni Gonzaga-Soriano (ipinanganak 1984) – Aktres, Mang-aawit, TV Host, ("Ang Ultimatitan-sabay sabay Star") (Taytay)
- Alex Gonzaga (ipinanganak 1988) – TV Host, Vlogger, Aktres, Komedyante, Awtor ng Libro (Taytay)
- Xyriel Manabat (ipinanganak 2004) – dating bata at kasalukuyang tinedyer na aktres (Taytay)
- Meg Imperial (ipinanganak 1993) – Modelo, Aktres (Taytay)
- Andrea Brillantes (ipinanganak 2003) – dating bata at kasalukuyang tinedyer na aktres, mananayaw (Taytay)
- Jon Lucas (ipinanganak 1995) – Teen Actor, Mananayaw, Rapper (dating miyembro ng Hashtags ng It's Showtime!) (Taytay)
- Rez Cortez (ipinanganak 1956) – Pilipinong beteranong aktor at assistant director (Taytay)
- Cai Cortez (ipinanganak 1988) – aktres at komedyante (Taytay)
- Faith Anne (ipinanganak 1994) – mang-aawit
Pamamahayag
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Rhea Santos (ipinanganak 1979) – Unang Hirit host (San Mateo)
Musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Valentin Mechilina (ipinanganak 1915) – conductor at composer na kilala sa kanyang Dalampasigan overture (Binangonan)
- Gloc-9 (ipinanganak 1977) – rap artist at musikero (Binangonan)
Pulitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Consuelo Ynares-Santiago (ipinanganak 1939) – dating associate justice ng Supreme Court of the Philippines (Binagonan)
- Mon Ilagan (ipinanganak 1960) – broadcaster, dating alkalde ng Cainta na nagsilbi noong 2004 - 2013 (Cainta)
- Rebecca Ynares (ipinanganak 1949) – Dating Pulitiko, nagsilbi bilang Gobernador ng Lalawigan ng Rizal noong 2001 – 2004, at 2013 – 2022 (Taytay)
Isports
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Christian Standhardinger (ipinanganak 1989) – Manlalaro ng Basketbol (Angono)
- Arvin Tolentino (ipinanganak 1995) – Manlalaro ng Basketbol (Angono)
- Johnmar Villaluna (ipinanganak 1994) – MLBB Pro Player, 2021 SEA Games Gold Medalist, MLBB World Champion (Antipolo)
- Alvin Patrimonio (ipinanganak 1966) – retiradong propesyonal na Filipino basketball player (Cainta)
- Tin Patrimonio (ipinanganak 1991) – atleta (tennis) na manlalaro, modelo, artista at isang dating reality show contestant (Cainta)
- Rachel Anne Daquis (ipinanganak 1987) – Volleyball Athlete (Taytay)
- Oliver Barbosa (ipinanganak 1986) – Chess Grand Master (Taytay)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Septiyembre 2016. Nakuha noong 23 October 2013.
{{cite web}}: Check date values in:|archive-date=() - ↑ Rizal Provincial Government Official Website Naka-arkibo 2017-09-28 sa Wayback Machine.. Provincial Government of Rizal. Hinango noong 10 Hulyo 2016.
- ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-08-03. Nakuha noong 2013-08-02.
{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
