Valenzuela
Valenzuela ᜊᜎᜒᜈ᜔ᜐᜓᜁᜎ Polo | |||
---|---|---|---|
City of Valenzuela, Lungsod ng Valenzuela | |||
Mula sa taas, kaliwa-pakanan: Bulwagan ng Katarungan; Tahanan ni Pío Valenzuela; People's Park; Simbahan ng San Diego de Alcala; Gusaling Panlungsod ng Valenzuela | |||
| |||
Palayaw: "Northern Gateway to Metropolitan Manila"; "The Vibrant City"; "The City of Discipline" | |||
Bansag: "Tayo na, Valenzuela!
"Valenzuela, May Disiplina" | |||
Awit: Himig Valenzuela | |||
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng Valenzuela | |||
Kinaroroonan sa Pilipinas | |||
Mga koordinado: 14°42′N 120°59′E / 14.7°N 120.98°E | |||
Bansa | Philippines | ||
Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon (NCR) | ||
Lalawigan | wala | ||
Distritong pambatas | Ika-1 at Ika-2 distrito | ||
Meycauayan | 1578 | ||
Polo | 12 Nobyembre 1623 | ||
Valenzuela | 11 Setyembre 1963 | ||
Lungsod (HUC) - Pagsasabatas | 14 Pebrero 1998 | ||
Lungsod (HUC) - Ratipikasyon | 30 Disyembre 1998 | ||
Nagtatág | Padre Juan Taranco at Don Juan Monsód | ||
Ipinangalan kay (sa) | Pío Valenzuela | ||
Barangay | 33 (tignan mga barangay) | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlungsod | ||
• Punong Lungsod | Rexlon T. Gatchalian | ||
• Pangalawang Punong Lungsod | Lorena C. Natividad-Borja | ||
• Kinatawan , Ika-1 Distrito | Weslie T. Gatchalian | ||
• Kinatawan , Ika-2 Distrito | Eric M. Martinez | ||
• Mga Botante | 443,611 voters (2022) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 47.02 km2 (18.15 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-119 sa 145 na lungsod | ||
Taas | 22 m (72 tal) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 714,978 | ||
• Ranggo | Ika-13 sa 145 na lungsod | ||
• Kapal | 15,000/km2 (39,000/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 193,025 | ||
Demonym | Valenzuelaño Valenzuelano | ||
Ekonomiya | |||
• Klase ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | ||
• Insidente ng kahirapan | 3.56% (2015)[2] | ||
• Kita | (2022) | ||
• Assets | (2022) | ||
• Expenditure | (2022) | ||
• Liabilities | (2022) | ||
Mga tagapagbigay ng serbisyo | |||
• Elektrisidad | Meralco | ||
• Tubig | Maynilad | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
PSGC | |||
Kodigo ng lugar | 02 | ||
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | ||
Katutubong Wika | wikang Tagalog | ||
Mga relihiyon | Katolisismo, Kristiyanismo, Islam | ||
Araw ng pista | 12 Nobyembre | ||
Romano Katolikong Diyosesis | Diyosesis ng Malolos | ||
Patron santo | San Diego de Alcalá | ||
Websayt | valenzuela.gov.ph |
Ang Valenzuela ay isang lungsod pang-industriya na matatagpuan sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. May populasyon itong 714,978 katao (2020) at ang ika-13 pinakamataong lungsod sa Pilipinas. Ito ay may layong 14 kilometro mula sa kabisera ng bansa, ang Lungsod ng Maynila.
Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 714,978 sa may 193,025 na kabahayan.
Kasaysayang Pampook
[baguhin | baguhin ang wikitext]Catangalan, Meycauayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kasalukuyang pook na kinasasakupan ngayon ng Lungsod ng Valenzuela, bayan ng Obando, at Novaliches ng Lungsod Quezon, ay iisa lamang at tinawag ito noon bilang Catangalan o Catanghalan, isa sa mga barrio sa ilalim ng pueblo ng Meycauayan. Sinasabing nagmula ang ngalan ng barrio mula sa tangal, isang uri ng bakawan na may pulang balat na ginagamit sa pagkulay ng lambanog.[3]
Ang pueblo o bayan ng Meycauayan ay unang itinatag noong 1578 ng mga paring Pransiskano na sina Padre Juan de Placencia at Padre Diego de Oropesa. Ang patron santo ng bayan si San Francisco ng Asís. Ang ngalan ng bayan ay nangangahulugang may kawayan.
Polo, Bulacán
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 12 Nobyembre 1623, sa pagtutulungan nina Don Juan Monsod at ang Kastilang Pransiskanong prayle na si Padre Juan Taranco OFM, ihiniwalay ang Sitio Polo mula sa Catangalan, Meycauayan bilang isang sariling pueblo o bayan. Itinalaga Padre Juan Tarancon bilang unang ministro, si Don Juan Tibay bilang unang gobernadorcillo ng pueblo, at si Don Juan Monsod bilang unang cabeza de barangay.
Sa pangunguna ni Padre Juan Taranco, ipinatayo sa Población ang Parokyang Simbahan ng San Diego ng Alcalá, ang patron santo ng bayan ng Polo.
Tinawag ang pook bilang Polo dahil sa mga katubigang nakapalibot dito —ang Ilog Tullahan sa timog at mga sanga-sangang ilog at sapa mula sa silangan at hilaga. Dahil dito, ang anyo ng kalupaan sa pook na ito ay maihahalintulad sa isang pulô o isla, na siyang ipinangalan sa pook at isinulat ayon sa ortograpiyang Espanyol na “Polo”.[4]
Obando, Bulacán
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 14 Mayo 1753, sa utos ng Gobernador-Heneral Francisco José de Ovando y Solís, ang hilaga-kanlurang bahagi ng Polo ay ihiniwalay at itinatag bilang bagong bayan. Ipinangalan ito sa nagtatag ng bayan, Obando. Ang pagtatag ng bayan ay pinangasiwaan at dinaluhan ng alkalde mayor ng lalawigan na si Don Francisco Morales y Mozabe, minstro panlalawigan na si Rev. Fr. Alejandro Ferrer, at iba pang deboto. Ang itinalagang unang ministro ng bayan ay si Rev. Fr. Manuel de Olivencia.
Novaliches, Bulácan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pook na kinasasakupan ngayon ng Novaliches, Lungsod Quezon at Hilagang Lungsod ng Caloocan ay sinasabing dating nabibilang sa bayan ng Polo o ng Catangalan. Noong 22 Setyembre 1855, itinatag ang Novaliches bilang isa sa mga bayan ng Bulacan. Ito ay ipinangalan kay Manuel Pavía y Lacy, ang unang Marquis ng Novaliches. Ngunit, makaraan ang tatlong taon, ang bayan ay inilipat sa ilalim ng lalawigan ng Maynila, na isa sa mga walong lalawigang nag-alsa laban sa mga Kastila noong 23 Agosto 1896.[5] Inilipat ang Novaliches sa ilalim ng bagong tatag na lalawigan ng Rizal (na dati’y lalawigan ng Morong) at inilipat muli ngunit bilang barrio na lamang ng Caloocan. Nahati ang Novaliches nang isama ang malaking bahagi nito (na noo’y bahagi na ng Caloocan) sa bagong tatag na Lungsod Quezon noong 1948, bilang bagong kabisera ng bansa. Nananatiling hati at distrito lamang ng Lungsod Quezon at Lungsod ng Caloocan ang Novaliches sa ngayon.
Ang Pagkakahati: Polo, Bulacan at Valenzuela, Bulacan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1953, ipinanukala ni Eusebio de Leon ang paghihiwalay ng 14 na silangang barrio ng Polo dahil sa nadaramang kapabayaan dito. Ang mga barrio na ipinapanukalang ihiwalay ay Bignay, Punturin, Lawang Bato, Lingunan, Bagbaguin, Canumay, Caruhatan, Malinta, Maysan, Mapulang Lupa, Paso de Blas, Torres Bugallon (ngayo’y Hen. T. de Leon) at Ugong. Ngunit, ito ay sinalungat ng alkalde na si Arsenio Sebastian at ang panukala ay isinantabi.
Noong 11 Enero 1959, binuhay muli ang panukala ngunit mula sa 14 na silangang barrio ay ibinaba ito sa 10 na silangang barrio na lamang. Ito ay ipinasa ng kinatawan ng ika-2 distrito ng Bulacan na si Rogaciano Mercado kahit na halos lahat ng Sangguniang Pambayan, maliban sa isa, ay salungat sa panukala. Ang panukala ay ipinagtibay lalo ng Sangguniang Panlalawigan na Bulacan ngunit ito ay hindi sinangayunan ng Pangulong Carlos Garcia. Bukod dito, ito ay pinawalambisa ng mga konsehal. Dagdag pa rito, naglabas ang Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan noong 8 Pebrero 1960 ng Resolusyon Blg. 177 na nagsasaad ng pagtutol sa paghati ng Polo.
Noong 1960 Abril 29, binuhay muli sa ikatlong pagkakataon ang panukala at ipinasa sa kapulungan ng kinatawan ang Panukalang Batas Blg. 4885 o ang paglikha ng Munisipalidad ng Hen. Pio Valenzuela kasama ang mga sumusunod na barrio mula Polo: Malinta, Marulas, Caruhatan, Torres Bugallon, Ugong, Mapulang Lupa, Bagbaguin, Paso de Blas, Canumay at Maysan. Ito ay pumasa sa ikatlong pagbasa sa kamara noong 18 Mayo 1960.
Noong 21 Hulyo 1960, nilagdaan ng Pangulong Garcia ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 401, s. 1960 Naka-arkibo 2021-07-10 sa Wayback Machine. na nagsasaad ng paglikha ng Munisipalidad ng Valenzuela. Ang mga susunod na buwan at taon ay naging magulo dahil marami ang umaangkin sa pagka-alkalde ng bayan.
Noong 11 Hulyo 1962, binisita ni Pangulong Diosdado Macapagal ang bayan ng Valenzuela upang tanungin ang kanilang saloobin sa pagkakaisa muli ng dalawang bayan ng Polo at Valenzuela. Marami ang nagpahiwatig ng pagsang-ayon sa mga kondisyon na mananatili ang pangalang Valenzuela at ang pagtayo ng bagong gusaling pambayan o munisipyo sa silangang bahagi ng bayan.
Kaya noong 11 Setyembre 1963, nilagdaan ng Pangulong Macapagal ang Kautusang Tagagpagpaganap Blg. 46, s. 1963 Naka-arkibo 2021-07-10 sa Wayback Machine. na muling pagsasama ng bayan ng Polo at bayan ng Valenzuela sa ilalim ng iisang bayan ng Valenzuela.
Nagtagal ang bayan ng Valenzuela, bilang hiwalay na bayan mula sa Polo, nang higit tatlong taon, mula 21 Hulyo 1960 hanggang 11 Setyembre 1963.
Mula sa lumang gusaling pambayan sa Población, pinasinayaan ang bagong gusaling pambayan o munisipyo ng Valenzuela sa Población II, Malinta, na nasa silangang bahagi alinsunod sa kondisyon.[6]
Valenzuela, Kalakhang Maynila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 7 Nobyembre 1975, ang Valenzuela ay hiniwalay mula sa lalawigan ng Bulacan at naging bahagi ng Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng Batas ng Pangulo Blg. 824 o ang paglika ng Kalakhang Maynila at Metropolitan Manila Commission Naka-arkibo 2017-09-03 sa Wayback Machine..
Noong 14 Pebrero 1998, nilagdaan ng Pangulong Fidel Ramos ang Batas Republika Blg. 8526 o ang pagsasalungsod ng Valenzuela Naka-arkibo 2021-07-10 sa Wayback Machine.. Ang nasabing batas ay naratipikahan noong 30 Disyembre 1998.
Sa kasalukuyan, inilipat muli ang gusaling panlungsod sa higit na malawak na lupain sa karatig pook ilang metro pabalik ng kanluran, na nakapaloob sa barangay ng Karuhatan.
Talaan ng mga Alkalde ng Valenzuela
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Nahalal, 2007-2010
[baguhin | baguhin ang wikitext]Position | Name |
---|---|
Alkalde | Sherwin T. Gatchalian |
Bise Alkalde | Eric M. Martinez |
Kinatawan ng Unang Distrito | Rexlon T. Gatchalian |
Mga Konsehal ng Unang Distrito | Marcelino G. Morelos |
Ritche D. Cuadra | |
Gerald A. Esplana | |
Katherine C. Pineda | |
Ignacio G. Santiago, Jr. | |
Corazon A. Cortez | |
Kinatawan ng Ikalawang Distrito | Magtanggol M. Gunigundo II |
Mga Konsehal ng Ikalawang Distrito | Shalani Lani R. Soledad |
Kate Abigael G. Coseteng | |
Rosalie S.D. Esteban | |
Maria Cecilia V. Mayo | |
Fernando D.G. Padrinao | |
Adrian C. Dapat | |
Karagdagang Miyembro ng Konseho | Pangulo ng Pederasyong Sangguniang Kabataan Ricmar C. Enriquez |
Pangulo ng Samahan ng mga Kapitan ng Barangay Alvin S. Feliciano |
Mga Barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Unang Distrito
|
Ikalawang Distrito
|
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 8,183 | — |
1918 | 9,323 | +0.87% |
1939 | 13,468 | +1.77% |
1948 | 16,740 | +2.45% |
1960 | 41,473 | +7.85% |
1970 | 98,456 | +9.02% |
1975 | 150,605 | +8.90% |
1980 | 212,363 | +7.11% |
1990 | 340,227 | +4.83% |
1995 | 437,165 | +4.81% |
2000 | 485,433 | +2.27% |
2007 | 568,928 | +2.21% |
2010 | 575,356 | +0.41% |
2015 | 620,422 | +1.45% |
2020 | 714,978 | +2.83% |
Sanggunian: PSA[7][8][9][10] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
- ↑ "PSA releases the 2015 Municipal and City Level Poverty Estimates". Quezon City, Philippines. Nakuha noong 1 Enero 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Roces, Alejandro (Mayo 29, 2010). "The triumvirate of Obando". Nakuha noong Hulyo 11, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History". City Government of Valenzuela. Nakuha noong Hulyo 11, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Samonte, Severino (Hulyo 27, 2018). "The checkered history of Novaliches as a town". pna.gov.ph. Philippine News Agency. Nakuha noong Hulyo 11, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Galinato, Epifanio (2001). "132nd Birth Anniversary of Dr. Pio Valenzuela Souvenir Program". Nakuha noong Hulyo 11, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Metro Manila, 3rd (Not a Province)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Marilao | Meycauayan | Caloocan |
| ||||
Obando Navotas |
Lungsod ng Quezon | ||||||
Lungsod ng Valenzuela | |||||||
Navotas | Malabon Caloocan |
Caloocan |