Angono

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Angono, Rizal)
Jump to navigation Jump to search
Angono
Angono Rizal.JPG
Palayaw: 
"Kabisera ng Sining ng Pilipinas" ("Art Capital of the Philippines")
"Tahanan ng Pista ng Higantes" ("Home of the Higantes Festival")
"Kabisera ng Kalinangan ng ASEAN" ("ASEAN Culture Capital")
Motto(s): 
"Angono: An Artist's Paradise, A Tourist's Haven"
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng kinaroroonan ng Angono
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng kinaroroonan ng Angono
Angono is located in Philippines
Angono
Angono
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinato: 14°32′N 121°09′E / 14.53°N 121.15°E / 14.53; 121.15Mga koordinato: 14°32′N 121°09′E / 14.53°N 121.15°E / 14.53; 121.15
BansaPilipinas
RehiyonCALABARZON (Rehiyong IV-A)
LalawiganRizal
DistritoUnang Distrito ng Rizal
Mga barangay10
Pamahalaan
 • AlkaldeGerardo V. Calderon, MPA (NPC)
Lawak
[2]
 • Kabuuan26.22 km2 (10.12 milya kuwadrado)
Populasyon
(2015 senso)
 • Kabuuan113,283
 • Kapal4,300/km2 (11,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong postal
1930
IDD:area code+63 (0)2
Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
Websaytangono.gov.ph

Ang Angono (pagbigkas: a•ngó•no) ay isang Unang Klaseng bayan sa lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ay nasa 30 km silangan ng Maynila. Ayon sa senso noong 2015, may populasyon itong 113,283.

Itinatag ito bilang isang pueblo noong 1766 at naging bayan noong 1935. Natamasa nito ang kaunlaran sa paglipas ng panahon. Nagsimula ito bilang isang maliit na bayang nagsasaka at nangingisda, ngunit umunlad sa isang makabagong bayan na nagkaroon ng madaming maliliit at katamtamang laking mga negosyo, na karamihan ay mga bangko na nagsitayo ng mga sangay sa bayan. Ang mga sikat na fastfood at iba pang mga establisyamento ay nagkaroon din ng mga sangay. Ang bayan ay may makabagong sistemang pangtelekomunikasyon, na nagbibigay ng serbisyo sa hattinig (telepono), Cable TV, serbisyong internet atbp.

Kilala rin ang bayan ng Angono bilang Kabisera ng Sining ng Pilipinas. Tahanan ito ng dalawang Pambansang Artista ng Pilipinas, si Carlos V. Francisco para sa Pagpipinta (1973) at Lucio D. San Pedro para sa musika (1991). Kilala rin ang bayan dahil sa pinakamatandang gawa ng sining sa Pilipinas, ang Angono Petroglyphs subalit ito ay nasa hangganan ng Angono, Binangonan at Antipolo sa lalawigan ng Rizal.

May mangilan-ngilang na tanghalan ng sining at istudiyo sa Angono at ito ang talaan ng iba sa kanila:

  1. Blanco Family Museum, Nemiranda Arthouse & Gallery
  2. Tiamson Art Gallery
  3. Ang Nuno Artists Foundation Gallery
  4. Village Artist Gallery
  5. Juban Studio, # Vicente Reyes Art Studio
  6. The Second Gallery
  7. The Angono Ateliers Gallery.

Si Papa Clemente I, na mas kilala bilang San Clemente, ay ang santong patron ng Angono at ng karamihan ng mga bayan sa Pilipinas, ay isang pista na pinagdiriwang taon-taon. Ang pagdiriwang na ito tuwing Nobyembre 23 ay pinapaganda ng mga prusisyon na kilala bilang "pagoda", at dinadaluhan ng mga katututbo at ng mga turista.

Mga barangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang bayan ng Angono ay nahahati sa 10 mga barangay.

  • Bagumbayan
  • Kalayaan
  • Poblacion Ibaba
  • Poblacion Itaas
  • San Isidro
  • San Pedro
  • San Roque
  • San Vicente
  • Santo Niño
  • Mahabang Parang

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Senso ng populasyon ng Angono
Senso Populasyon +/-
19032,231
19393,896
19485,2553.4%
19607,0932.5%
197012,1275.5%
197517,5747.7%
198026,5718.6%
199046,0145.6%
199559,4445.3%
200074,6685.01%
200797,2093.71%
2010102,4070.72%
2015113,2831.40%
Pinagmulan: Philippine Statistics Authority[3][4][5][6]

Noong senso 2015, ang populasyon ng Angono, ay 113,283 katao, na may kapal na 4,300 katao kada kilometro kuwadrado o 11,000 katao kada milya kuwadrado.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Official City/Municipal 2013 Election Results". Intramuros, Manila, Philippines: Commission on Elections (COMELEC). 11 Setyembre 2013. Hinango noong 23 Oktubre 2013.
  2. "Province: Rizal". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Hinango noong 12 Nobyembre 2016.
  3. "Region IV-A (CALABARZON)". Census of Population (2015): Total Population by Province, City, Municipality and Barangay (Report). PSA. Hinango noong 20 Hunyo 2016.
  4. "Region IV-A (CALABARZON)". Census of Population and Housing (2010): Total Population by Province, City, Municipality and Barangay (Report). NSO. Hinango noong 29 Hunyo 2016.
  5. "Region IV-A (CALABARZON)". Census of Population (1995, 2000 and 2007): Total Population by Province, City and Municipality (Report). NSO. Sininop mula sa orihinal noong 24 Hunyo 2011.
  6. "Province of Rizal". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Hinango noong 17 December 2016.

Mga Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]