Teresa, Rizal
Teresa Bayan ng Teresa | ||
---|---|---|
| ||
Mapa ng Rizal na nagpapakita sa bayan ng Teresa. | ||
Mga koordinado: 14°33′31″N 121°12′30″E / 14.55861°N 121.20833°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) | |
Lalawigan | Rizal | |
Distrito | Pangalawang Distrito ng Rizal | |
Mga barangay | 9 (alamin) | |
Pagkatatag | 1853 | |
Pamahalaan | ||
• Punong-bayan | Rodel N. Dela Cruz | |
• Pangalawang Punong-bayan | Freddie Bonifacio | |
• Manghalalal | 46,107 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 18.61 km2 (7.19 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 64,072 | |
• Kapal | 3,400/km2 (8,900/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 14,731 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-2 klase ng kita ng bayan | |
• Antas ng kahirapan | 5.70% (2021)[2] | |
• Kita | ₱242,079,004.83 (2020) | |
• Aset | ₱514,751,005.05 (2020) | |
• Pananagutan | ₱169,609,438.99 (2020) | |
• Paggasta | ₱215,491,650.10 (2020) | |
Kodigong Pangsulat | 1880 | |
PSGC | 045814000 | |
Kodigong pantawag | 2 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | wikang Tagalog | |
Websayt | teresarizal.gov.ph |
Ang Teresa ay isang ika-4 na klaseng urbanong munisipalidad sa lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 64,072 sa may 14,731 na kabahayan.
Nalagak ito sa mga libis ng Bulubundukin ng Sierra Madre at nakukulong ng lupa sa apat na sulok ng Lungsod ng Antipolo sa hilaga, ng Angono sa kanluran, ng Baras sa silangan, at ng Morong sa timog.
Karamihan sa mga tao rito ay mga Tagalog. Pangunahing kilala ang Teresa dahil sa kalapit na mga pasyalan, katulad ng Villa Sampaguita Resort at ng Sunset Resort. Taliwas sa ilang mga lathalain, isang lambak ang Teresa na napaliligiran ng mga bundok. Ang lundayan ng bayan ay halos nasa gitna ng lambak. Sa isang tanawin ng Teresa mula sa himpapawid, mapapansin ng isang nagmamasid ang dating malawak na lupaing pangsaka na nahahanggahan ng mga bundok na mayaman sa marmol.
Dati, agrikultura ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan sa Teresa. Subalit dahil sa pagbubukas ng mga pabrikang tulad ng FR Cement Factory (Dragon Cement), Teresa Marble, at ABC Chemical Factory, unti-unting lumipat sa larangan ng industriya ang mga kasapi ng pamayanan. Bilang dagdag pa, ang kasiglahan ng pagbebenta ng mga lupa noong mga 1990 ang nagdulot ng paglaki sa bilang ng populasyon sa Teresa kasama ang pagbubukas ng mga tirahang subdibisyong Carisa 1 at Carisa 2.
Dinaraanan ang bayan ng mga motoristang patungo sa mas papaloob na mga kabayanan ng Morong, Baras, Tanay, Pililla, at Laguna at mga lalawigan ng Quezon.
Sa kasalukuyan, pinamumunuan ang Teresa, Rizal ng alkaldeng si Raul S. Palino at pangalawang alkaldeng si Jose Jeriel SD. Villegas
Napailalim sa maraming mga pagbabago ang Munisipalidad ng Rizal sa loob ng huling ilang mga taon partikular na sa imprastruktura at pampublikong mga gusali. Kamakailan lamang, nakumpleto na noong nakaraang 15 Disyembre 2007 ang MRF o Material Recovery Facilities (Teresa Integrated Solid Waste Management Facility) na matatagpuan sa Lansangang Pantay Buhangin, Barangay Dalig.
Mga barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Teresa ay nahahati sa 9 na mga barangay.
- Bagumbayan
- Dalig
- Dulumbayan
- May-Iba
- Poblacion
- Prinza
- San Gabriel
- San Roque
- Calumpang Santo Cristo
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 1,683 | — |
1939 | 2,425 | +1.02% |
1948 | 3,356 | +3.68% |
1960 | 4,928 | +3.25% |
1970 | 9,381 | +6.64% |
1975 | 13,394 | +7.40% |
1980 | 14,781 | +1.99% |
1990 | 20,645 | +3.40% |
1995 | 23,906 | +2.79% |
2000 | 29,745 | +4.80% |
2007 | 44,436 | +5.69% |
2010 | 47,163 | +2.19% |
2015 | 57,755 | +3.93% |
2020 | 64,072 | +2.06% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: Rizal". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Rizal". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- 2000 Philippine Census Information Naka-arkibo 2010-01-30 sa Wayback Machine.