Pumunta sa nilalaman

Mga lalawigan ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Philippine province)
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang lalawigan (Filipino: probinsiya) ay ang pangunahing yunit ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, may walumpu't-isa (81) na lalawigan ang Pilipinas na hinahati sa mga lungsod at mga bayan. Ang Pambansang Punong Rehiyon, pati ang mga malayang nakapaloob na lungsod, ay may kalayaan mula sa pamahalaang panlalawigan. Ang bawat lalawigan ay pinamamahalaan ng halal na mambabatas na tinatawag na Sangguniang Panlalawigan at ng isang halal na gobernador.

Ang mga lalawigan ng Pilipinas ay napapangkat sa mga rehiyon ayon sa katangiang pang heograpiya, kultura, at etnolohiya. Sa labing-pitong rehiyon ng bansa, may nakatakdang bilang para sa labing-apat na rehiyon kung saan nauugnay ang kanilang kinalalagyan mula hilaga pababa sa katimugan. Walang itinakdang bilang para sa Kalakhang Maynila o Pambansang Punong Rehiyon (NCR), sa Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (CAR) at sa Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (BARMM).

Pinamumunuan ng isang gobernador ang pamahalaan ng bawat lalawigan sa Pilipinas. Ang mga lungsod sa isang lalawigan ay hindi nasasakop sa kapangyarihan ng gobernador. Sa hangad ng lehislatura, bawat isa sa mga ito ay binubuo ng mga distrito. Mayroong mga halal na kinatawan o kongresista ang bawat distrito sa Kongreso o Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas. Ang mga distrito ay nagtataglay din ng isang lupon ng mga kagawad (board members) sa Sangguniang Panlalawigan (tingnan ang sumusunod na seksiyon tugkol sa pamahalaang lalawigan).

Noong 30 Oktubre 2006, inaprubahan ng mga mamayan ng unang distrito ng Maguindanao ang pagkakabuo ng isang bagong lalawigan, ang Shariff Kabunsuan, sa isang plebisito na pinamunuan ng Komisyon ng Halalan. Inaprubahan din noong 2 Disyembre 2006, nabuo din ang bagong lalawigan ng Dinagat Islands sa Surigao del Norte mula sa naganap na plebisito. Itinatag ng Kongreso ng Pilipinas ang mga batas na ukol sa mga ito.

Pamahalaang lalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad ng Pamahalaang Pambansa ng Pilipinas, mayroon ding kagawaran ng tagapagpaganap at tagapagbatas ang pamahalaang panlalawigan. Nasa pamamahala ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang panghukuman na kapangyarihan ng lalawigan. Malaya ang pamahalaang panlalawigan. Binigyan ito ng tuwirang kapangyarihan upang magpalakad ng mga gawain sa mga naturang lalawigan ngunit tuluyan pa ring nakikipag-ugnayan ang pangulo sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.

Sangay tagapagpaganap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang gobernador nakatalagang tagapagpaganap sa bawat lalawigan. Siya ang may hawak sa iba't ibang mga kagawaran ng lalawigan katulad ng Pangasiwaan, Tanggapang Legal, Tanggapan ng Impormasyon, Tanggapang Inhinyeriya, at Tanggapan ng Ingat-Yaman.

Hinahalal ang isang gobernador na binibigyan ng tatlong taon sa isang termino at maaaring gumanap muli sa loob ng tatlong termino kung muling siyang ihahalal. Hinihirang ng isang gobernador ang mga pinuno ng mga kagawaran sa kanyang lalawigan.

Sangay tagapagbatas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinamumunuan ang lehislatura ng bise-gobernador na nasasakop sa Sangguniang Panlalawigan ng lupon ng mga kagawad (Filipino: bokal, Ingles: board members) mula sa bawat distrito. Depende sa uri ng kita ng lalawigan, maaari itong bumuo ng lupon ng mga kagawad na ginaganapan ng walo hanggang sampung miyembro. Binibigayn ng sampung mga kagawad ang una at ikalawang uri ng lalawigan samantalang walo naman ang sa ikatlo at ika-apat na uri ng lalawigan. Natatangi ang Negros Occidental at Cebu dahil ang kanilang mga lupon ay binubuo ng labindalawang kagawad.

Sa Lupon ng mga Lalawigan, binubuo ito ng mga kasaping ex-officio tulad ng pangulo ng Liga ng mga Kapitan o Association of Barangay Captains, Liga ng mga Konsehal sa Pilipinas o Philippine Councilors League (PCL), at ang Pederasyon ng mga Pangulo ng Sangguniang Kabataan.

Ang gobernador at mga kagawad ay hinahalal ng mga mamamayan sa lalawigan. Hinahalal naman ang mga kasaping ex-officio sa loob ng kanilang organisasyon.


Tala ng mga lalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lalawigan[fn 1] Kabisera Rehiyon Populasyon Lawak (km²) Densidad ng
Populasyon
(bawat km²)
Abra Bangued CAR 209,491 3,975.6 52.7
Agusan del Norte Cabadbaran[1] XIII 552,849 2,590.0 213.5
Agusan del Sur Prosperidad XIII 559,294 8,966.0 62.4
Aklan Kalibo VI 451,314 1,817.9 248.3
Albay Legazpi V 1,090,907 2,552.6 427.4
Antique San Jose de Buenavista VI 471,088 2,522.0 186.8
Apayao Kabugao CAR 97,129 3,927.9 24.7
Aurora Baler III 173,797 3,239.5 53.6
Basilan Lamitan Bangsamoro BARMM 259,796 1,234.2 210.5
Bataan Lungsod ng Balanga III 557,659 1,373.0 406.2
Batanes Basco II 16,467 209.3 78.7
Batangas Lungsod ng Batangas IV-A 1,905,348 3,165.8 601.9
Benguet La Trinidad CAR 582,515 2,655.4 219.4
Biliran Naval VIII 140,274 555.5 252.5
Bohol Tagbilaran VII 1,137,268 4,117.3 276.2
Bukidnon Malaybalay X 1,060,265 8,293.8 127.8
Bulacan Malolos III 2,234,088 2,625.0 851.1
Cagayan Tuguegarao II 993,580 9,002.7 110.4
Camarines Norte Daet V 458,840 2,112.5 217.2
Camarines Sur Pili V 1,551,549 5,266.8 294.6
Camiguin Mambajao X 74,232 229.8 323.0
Capiz Roxas VI 654,156 2,633.2 248.4
Catanduanes Virac V 215,356 1,511.5 142.5
Cavite Imus IV-A 2,063,161 1,287.6 1,602.3
Cebu Lungsod ng Cebu VII 3,356,137 5,088.4 659.6
Cotabato Kidapawan Bangsamoro XII 958,643 6,569.9 145.9
Davao de Oro Nabunturan XI 580,244 4,667.0 124.3
Davao del Norte Tagum XI 743,811 3,463.0 214.8
Davao del Sur Digos XI 1,905,917 6,377.6 298.8
Davao Occidental Malita XI 905,917 6,377.6 298.8
Davao Oriental Mati XI 446,191 5,164.5 86.4
Dinagat Islands San Jose XI 127,152 1,036.34 120
Eastern Samar Borongan VIII 375,822 4,339.6 86.6
Guimaras Jordan VI 141,450 604.7 233.9
Ifugao Lagawe CAR 161,623 2,517.8 64.2
Ilocos Norte Laoag I 514,241 3,399.3 151.3
Ilocos Sur Vigan I 594,206 2,579.6 230.3
Iloilo Lungsod ng Iloilo VI 1,925,002 4,719.4 407.9
Isabela[fn 2] Ilagan II 1,287,575 10,664.6 120.7
Kalinga Tabuk CAR 174,023 3,119.7 55.8
La Union San Fernando I 657,945 1,493.1 440.7
Laguna Santa Cruz IV-A 1,965,872 1,759.7 1,117.2
Lanao del Norte Tubod X 758,123 3,092.0 245.2
Lanao del Sur Marawi Bangsamoro BARMM 800,162 3,872.9 206.6
Leyte Tacloban VIII 1,592,336 5,712.8 278.7
Maguindanao Buluan Bangsamoro BARMM 801,102 4,900.1 163.5
Marinduque Boac IV-B 217,392 959.3 226.6
Masbate Lungsod ng Masbate V 707,668 4,047.7 174.8
Misamis Occidental Oroquieta X 486,723 1,939.3 251.0
Misamis Oriental Cagayan de Oro X 1,126,215 3,570.0 315.5
Mountain Province Bontoc CAR 140,439 2,097.3 67.0
Negros Occidental[fn 3] Bacolod VI 2,565,723 7,926.1 323.7
Negros Oriental Dumaguete VII 1,126,061 5,402.3 208.4
Northern Samar Catarman VIII 500,639 3,498.0 143.1
Nueva Ecija Palayan III 1,659,883 5,284.3 314.1
Nueva Vizcaya Bayombong II 366,962 3,903.9 94.0
Occidental Mindoro Mamburao IV-B 380,250 5,879.9 64.7
Oriental Mindoro Calapan IV-B 681,818 4,364.7 156.2
Palawan Puerto Princesa VI 755,412 14,896.3 50.7
Pampanga San Fernando III 1,882,730 2,180.7 863.4
Pangasinan Lingayen I 2,434,086 5,368.2 453.4
Quezon Lucena IV-A 1,679,030 8,706.6 192.8
Quirino Cabarroguis II 148,575 3,057.2 48.6
Rizal Antipolo IV-A 1,707,218 1,308.9 1,304.3
Romblon Romblon IV-B 264,357 1,355.9 195.0
Samar Catbalogan VIII 641,124 5,591.0 114.7
Sarangani Alabel XII 410,622 2,980.0 137.8
Siquijor Siquijor VII 81,598 343.5 237.5
Sorsogon Lungsod ng Sorsogon V 650,535 2,141.4 303.8
South Cotabato Koronadal XII 1,102,550 4,489.0 245.6
Southern Leyte Maasin VIII 360,160 1,734.8 207.6
Sultan Kudarat Isulan XII 586,505 4,714.8 124.4
Sulu Jolo Bangsamoro BARMM 619,668 1,600.4 387.2
Surigao del Norte Lungsod ng Surigao XIII 374,465 1,936.9 193.3
Surigao del Sur Tandag XIII 501,808 4,552.2 110.2
Tarlac Lungsod ng Tarlac III 1,068,783 3,053.4 350.0
Tawi-Tawi Bongao Bangsamoro BARMM 322,317 1,087.4 296.4
Zambales Iba III 627,802 3,714.4 169.0
Zamboanga del Norte Dipolog IX 823,130 6,618.0 124.4
Zamboanga del Sur Pagadian IX 1,437,941 4,964.1 289.7
Zamboanga Sibugay Ipil IX 497,239 3,087.9 161.0

Talababa:

  1. Opisyal na pangalan at baryant sa Tagalog mula sa ISO 3166-2 Newsletter II-2 (2010-06-30)
  2. Noong 20 Pebrero 1995, pinagtibay ang panukalang batas sa paghahati ng Isabela sa Isabela del Norte at Isabela del Sur. Hindi natuloy ang paghahati.
  3. Nabuo ang Negros Oriental mula sa Negros Occidental noong 3 Enero 1986. Ipinahayag na ang pagkakabuo nito ay hindi sang-ayon sa saligang batas noong 11 Hulyo 1986, at ito ay nabuwag noong 18 Agosto 1986.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Opisyal nang itinalaga ang Cabadbaran bilang kabisera ng lalawigan sang-ayon sa Batas Republika Blg. 8811 Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine.. Ngunit ang luklukan ng pamahalaang panlalawigan ay nasa proseso ng paglipat mula Butuan, kung saang naririyan pa rin ang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.