Shariff Kabunsuan
Shariff Kabunsuan | ||
---|---|---|
Lalawigan ng Shariff Kabunsuan | ||
| ||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Shariff Kabunsuan | ||
Mga koordinado: 7°8'N, 124°18'E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Rehiyong Awtonomo sa Muslim na Mindanao | |
Pagkakatatag | 28 Oktubre 2006 |
Ang Shariff Kabunsuan ay dating lalawigan ng Pilipinas na nabuo mula sa sampung bayan na dating bumubuo sa unang distrito ng lalawigan ng Maguindanao. Ito ang ika-80 lalawigan ng bansa at ikaanim sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ito ang unang lalawigan na hindi binuo ng Kongreso dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kapangyarian ng Batas Republika 9054 o ang Pinalawig na Batas ARMM.
Inaprubahan sa isang plebisito ng mga botante ng 29 bayan ng Maguindano ang pagtatag ng lalawigan. Sa higit na 500,000 rehistradong botante ng Maguindanao, 285,372 rito ang sumang-ayon habang 8,802 lamang ang tumutol dito.
Noong 17 Hulyo 2008, nagpahayag ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na ang pagkabuo ng probinsiya ay labag sa Saligang Batas. Ito ngayo'y ibinalik sa pagiging bahagi ng unang distrito ng Maguindanao.
Mga Bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Shariff Kabunsuan ay binuo ng 11 bayan ayon sa dalawang distrito ng Sanggunian:
Unang Distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]bayan | Mga Barangay |
Populasyon (2000) |
Laki (km²) |
Densidad (per km²) | |
---|---|---|---|---|---|
Barira | |||||
Buldon | |||||
Matanog | |||||
Parang | |||||
Sultan Mastura | |||||
Sultan Kudarat (Nuling) |
Ikalawang Distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]bayan | Mga Barangay |
Populasyon (2000) |
Laki (km²) |
Densidad (per km²) | |
---|---|---|---|---|---|
Datu Blah T. Sinsuat | |||||
Datu Odin Sinsuat (Dinaig) | |||||
Hilagang Kabuntalan | |||||
Kabuntalan (Tumbao) | |||||
Upi |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.