Hukuman ng Pag-aapela

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang Hukuman ng Pag-aapela[1] (Ingles: Court of Appeals) ay isang kalipunan ng hukuman sa pag-aapela sa Pilipinas. Binubuo ang Hukuman ng Pag-aapela ng isang namumunong mahistrado at animnapu't walong kasamang mahistrado. Alinsunod sa Saligang Batas, ang Hukuman ng Pag-aapela ay "hindi lamang nirerepaso ang mga pasya ng Mga Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis, mga gawad, mga husga, huling kautusan o resolusyon ng, o inawtorisa ng mga ahensyang administratibo na ginanap ang tungkuling kuwasi-hudisyal na binabanggit sa Patakaran 43 ng mga Patakaran ng Pamamaraang Sibil (Rules of Civil Procedure) ng 1997, dagdag pa dito ang Pambasang Komisyon sa Amnestiya (Pampangulong Proklamasyon Blg. 347 ng 1994) at ang Tanggapan ng Tanodbayan."[2] Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 9282, na itinaas ang Hukuman ng Pag-aapela sa Buwis sa parehong antas ng Hukuman ng Pag-aapela, sumasailalim ang pasyang en banc ng Hukuman ng Pag-aapela sa Buwis sa pagrepaso ng Kataas-taasang Hukuman sa halip ng Hukuman ng Pag-aapela (taliwas sa kung ano ang kasalukuyang binigay sa Seksyon 1, Patakaran 43 ng mga Patakaran ng Hukuman). Dinagdag sa mabigat na listahan ang mga desisyon at resolution ng Pambansang Komisyon ng Ugnayan sa Paggawa na inisyal na ngayong marerepaso ng Hukuman ng Pag-aapela, imbis na isang direktang pagdulog sa Kataas-taasang Hukuman, sa pamamagitan ng petisyon para sa certiorari sa ilalim ng Patakaran 65.[3]

Matatagpuan ang mga gusali ng Hukuman ng Pag-aapela sa Kalye Maria Orosa, Ermita sa Maynila, sa lugar kung saan dating bahagi ng kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naorgnisa noong 1 Pebrero 1936, inisyal na binubuo ang Hukuman ng Pag-aapela ni Mahistrado Pedro Concepcion bilang ang unang namumunong mahistrado at sampung hukom sa pag-aapela na hinirang ng pangulo ng Pilipinas na may pagpayag ng Komisyon sa Paghirang ng Kapulungang Pambansa ng Pilipinas. Mayroon itong ekslusibong hurisdiskyon sa pag-aapela ng lahat ng kaso na hindi pumapatak sa ilalim ng Kataas-taasang Hukuman na binubuo ng pitong kasapi. Huli na ang mga pasya nito sa mga kasong ito, maliban kapag kinakailangan patunayan ang kaso na irepaso ng Kataas-taasang Hukuman sa pamamagitan ng petisyon para sa certiorari sa mga katanungan sa batas. Mayroon din itong orihinal na hurisdiksyon sa pag-isyu ng mga writ (o sulat) ng mandamus, prohibition (pagbabawal), injunction (pag-uutos), certiorari, habeas corpus at iba pang katuwang na mga writ sa pagtulong sa hurisdiksyong pag-aapela nito. Umuupo ang hukuman na en banc o sa dalawang dibisyon, isa sa anim at isa pa ng limang mahistrado. May kaparehong kuwalipakasyon ang mga mahistrado sa pag-aapela tulad ng naibigay sa Konstitusyon para sa mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Noong Marso 1938, pinagalan ang mga hukom bilang mga mahistrado (o justices) at nadagdagan ang kanilang bilang mula labing-isa hanggang naging labing-lima, na may tatlong dibisyon ng lima sa ilalim ng Batas Komonwelt Blg. 259. Noong 24 Disyembre 1941, nadagdagan muli ang mga kasapi ng korte sa labing-siyam na mga mahistrado sa ilalim ng Kautusang Tagapapaganap Blg. 395.

Hukuman ng Pag-aapela

Gumana ang hukuman noong panahon ng pananakop ng mga Hapon mula 1941 hanggang 1944. Bagaman, noong Marso 1945, binuwag ang hukuman ni Pangulong Sergio Osmeña sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 37. Sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naibalik ang mga prosesong demokratiko sa bansa. Noong 4 Oktubre 1946, pinasa ang Batas Republika Blg. 52, na muling nililikha ang Hukuman ng Pag-aapela, na may isang namumunong mahistrado at labing-apat na mga kasamang mahistrado. Binubuo ang hukuman ng limang dibisyon ng may tatlong mahistrado bawat isa.

Noong 23 Agosto 1956, napalawig ang mga bilang ng kasapi sa hukuman sa labing-walong mahistrado dahil sa Batas Republika Blg. 1605. Napataas pa uli ang bilang sa dalawampu't apat na mahistrado ayon sa Batas Republika Blg. 5204 na sinang-ayunan noong 15 Hunyo 1968. Pagkalipas ng sampung toan, lumobo sa mas malaking hukuman ito sa apatnapu't limang mahistrado sa ilalim ng Kautusang Pampangulo Blg. 1482 noong 10 Hunyo 1978. Pagkatapos, nagkaroon ng muling pag-oorginasa ng hudikatura noong 17 Enero 1983, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 864 ni Pangulong Ferdinand Marcos. Napalitan ang pangalang ng hukuman sa Intermediate Appellate Court o Intermediyang Hukumang Pag-aapela, at napalaki ang kasapi nito sa limampu't isang mga mahistrado. Bagaman, tatlumpu't pito lamang ang nahirang sa hukumang ito.

Noong 28 Hulyo 1986, nilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Kautusang Tagapagpanap Blg. 33, na ibinalik ang orihinal na pangalan ng hukuman sa Hukuman ng Pag-aapela, at ang namumunong mahistrado nito at ang limangpung kasamang mahistrado.

Noong 23 Pebrero 1995, naipasa ang Batas Republika Blg. 7902, na pinalawig ang hurisdiksyon ng hukuman na naging epektibo noong 18 Marso 1995. Noong 30 Disyembre 1996, nilikha ng Batas Republika Blg. 8246 ang anim na karagdagang dibisyon sa hukuman, sa gayon, dinadagdagan ang kasapi mula limangpu't isa sa animnapu't siyam na mahistrado. Binigyan daan ng mga karagdagang mga dibisyon na ito—tatlo para sa Visayas at tatlo para sa Mindanao—ang pagsasarehiyon ng hukumang pag-aapela. Nakaluklok ang hukuman sa Visayas sa Lungsod ng Cebu, habang nasa Lungsod ng Cagayan de Oro naman ang tahanan ng hukuman sa Mindanao.

Noong 1 Pebrero 2018, ipinagdiwang hukuman ang ika-82 anibersaryo nito.[4]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Tinago (PDF) mula sa orihinal noong March 29, 2017. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  2. Fabian v. Desierto, 295 SCRA 470
  3. St. Martin Funeral Homes v. National Labor Relations Commission, 295 SCRA 414
  4. mb.com.ph, Court of Appeals 75th Anniversary Naka-arkibo 2011-07-21 sa Wayback Machine.