Gabinete ng Pilipinas
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang Gabinete ng Pilipinas (tinatawag ring Gabinete) ay binubuo ng mga namumuno sa pinakamalaking bahagi ng sangay tagapagpaganap ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas. Sa ngayon, binubuo ito ng 20 kalihim ng kagawarang tagapagpaganap at ang iba pang mga pinuno ng mga ahensiya at tanggapan na sumasailalim sa Pangulo ng Pilipinas.
Ang mga kalihim ng Gabinete ay inaatasan payuhan ang Pangulo sa iba't ibang gawain ng estado gaya ng pagsasaka, pagbabadyet, pananalapi, edukasyon, at kagalingang panlipunan, pambansang tanggulan, ugnayang panlabas at iba pa.
Sila ay ninonomina ng Pangulo at inihaharap sa Komisyon ng Paghirang, isang sangay ng Kongreso ng Pilipinas na kumukumpirma sa lahat ng mga ininatalaga pinuno ng estado. Kung ang mga ito ay maitalaga, sila ay makatatanggap ng titulong kalihim, at magsisimulang gawin ang kanilang takdang gawa.
Basehang konstitusyonal at legal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagtatalaga
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Artikulo 7, Seksiyon 16 ng Saligang Batas ng Pilipinas, ang Pangulo ay
dapat magnomina at, sa pagsang-ayon ng Komisyon ng Paghirang, dapat humirang ng mga puno ng mga kagawarang tagapagpaganap, mga ambasador, iba pang mga pambayang minister at konsul, o mga pinuno ng sandatahang lakas mula sa rankong koronel o kapitan ng hukbong pandagat at iba pang mga pinuno na ang mga paghirang ay nakasalalay sa kanya sa Konstitusyong ito. Dapat din niyang hirangin ang lahat ng iba pang mga pinuno ng Pamahalaan na ang paghirang sa kanila ay walang ibang itinatadhana ang batas, at ng mga maaari niyang hirangin sa pamamagitan ng batas. Ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas, ay maaaring magsalalay sa Pangulo lamang, sa mga hukuman, o sa mga puno ng mga kagawaran, mga sangay, mga komisyon o mga kalupunan, ng kapangyarihang humirang ng iba pang mga nakabababang pinuno.
Gabinete at mga opisyal na may antas-Gabinete
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga nakatala sa ibaba ay ang mga bumubuo sa gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte, at sila rin ang namumuno sa mga kagawarang tagapagpaganap ng Pilipinas. Ang mga namamahala ay nakatala ayon sa order of precedence na itinatag ng pamahalaan.[1]
Gabinete
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lahat ng mga kagawaran ay nakatala sa paggamit ng kanilang pangalang Filipino sa itaas at ng kanilang pangalan sa ibaba.
Kagawaran | Daglat | Tanggapan | Kalihim | Naninilbihan mula |
---|---|---|---|---|
Tanggapan ng Pangalawang Pangulo Office of the Vice President |
OVP | Pangalawang Pangulo | ||
Kagawaran | Daglat | Tanggapan | Kalihim | Naninilbihan mula |
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas Department of Foreign Affairs |
DFA | Kalihim ng Ugnayang Panlabas | ||
Tanggapan ng Kalihim Tagapagpaganap Office of the Executive Secretary |
OES | Kalihim Tagapagpaganap | ||
Tanggapan ng Tagapagsalita ng Pangulo Office of the Presidential Spokesperson |
OPS | Tagapagsalita ng Pangulo | ||
Kagawaran ng Pananalapi Department of Finance |
DOF | Kalihim ng Pananalapi | ||
Kagawaran ng Katarungan Department of Justice |
DOJ | Kalihim ng Katarungan | ||
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal Department of the Interior and Local Government |
DILG | Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal | ||
Kagawaran ng Kalusugan Department of Health |
DOH | Kalihim ng Kalusugan | ||
Kagawaran ng Pagsasaka Department of Agriculture |
DA | Kalihim ng Pagsasaka | ||
Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan Department of Public Works and Highways |
DPWH | Kalihim ng mga Pagawain at Lansangang Bayan | ||
Kagawaran ng Transportasyon Department of Transportation |
DOTr | Kalihim ng Transportasyon | ||
Kagawaran ng Edukasyon Department of Education |
DepEd | Kalihim ng Edukasyon | ||
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad Department of Social Welfare and Development |
DSWD | Kalihim ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad | ||
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo Department of Labor and Employment |
DOLE | Kalihim ng Paggawa at Empleyo | ||
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala Department of Budget and Management |
DBM | Kalihim ng Pagbabadyet at Pamamahala | ||
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa Department of National Defense |
DND | Kalihim ng Tanggulang Pambansa | ||
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya Department of Science and Technology |
DOST | Kalihim ng Agham at Teknolohiya | ||
Kagawaran ng Repormang Pansakahan Department of Agrarian Reform |
DAR | Kalihim ng Repormang Pansakahan | ||
Kagawaran ng Turismo Department of Tourism |
DOT | Kalihim ng Turismo | ||
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya Department of Trade and Industry |
DTI | Kalihim ng Kalakalan at Industriya | ||
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman Department of Environment and Natural Resources |
DENR | Kalihim ng Kapaligiran at Likas na Yaman | ||
Kagawaran ng Enerhiya Department of Energy |
DOE | Kalihim ng Enerhiya | ||
Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon Department of Information and Communications Technology |
DICT | Kalihim ng Teknolohiyang Pang-impormasyon at Komunikasyon |
Mga opisyal na may Antas-Gabinete
[baguhin | baguhin ang wikitext]May iilang mga posisyon sa ilalim ng tagapagpaganap na may antas-Gabinete, ngunit hindi sila mga kalihim ng mga kagawarang tagapagpaganap, na nangangahulugang maaari silang dumalaw sa mga pagtitipon ng Gabinete para sa mga natatanging dahilan. Ito ay ang mga sumusunod:
Kagawaran | Daglat | Tanggapan | Namamahala | Naninilbihan mula |
---|---|---|---|---|
Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad National Economic and Development Authority |
NEDA | Direktor-Heneral ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad | Arsenio M. Balisacan | 13 Mayo 2012 |
Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Komunikasyon at Pagpaplanong Estratehiko Presidential Communications Development and Strategic Planning Office |
PCDSPO | Kalihim ng Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Komunikasyon at Pagpaplanong Estratehiko | Ramon A. Carandang | 30 Hulyo 2010 |
Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapatakbo ng Komunikasyon Presidential Communications Operations Office |
PCOO | Kalihim ng Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapatakbo ng Komunikasyon | Herminio B. Coloma, Jr. | 30 Hulyo 2010 |
Pambansang Sangguniang Panseguridad National Security Council |
NSC | Pambansang Tagapayong Panseguridad | Cesar P. Garcia, Jr. | 9 Hulyo 2010 |
Tanggapan ng Kalihim ng Gabinete Office of the Cabinet Secretary |
OCS | Kalihim ng Gabinete | Jose Rene D. Almendras | 5 Nobyembre 2012 |
Pamunuan ng Pampanguluhang Pamamahala Presidential Management Staff |
PMS | Pinuno ng Pamunuan ng Pampanguluhang Pamamahala | Julia Andrea R. Abad | 30 Hunyo 2010 |
Tanggapan ng Tagausig Panlahat Office of the Solicitor General |
OSG | Pinuno ng Pampanguluhang Pamamahala | Francis H. Jardeleza | 6 Pebrero 2012 |
Tanggapan ng Punong Tagapayo ng Pangulo sa Batas Office of the Chief Presidential Legal Counsel |
OCPLC | Punong Tagapayo ng Pangulo sa Batas | Eduardo V. De Mesa | 30 Hunyo 2010 |
Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila Metropolitan Manila Development Authority |
MMDA | Tagapangulo ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila | Francis N. Tolentino | 30 Hunyo 2010 |
Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim National Commission on Muslim Filipinos |
NCMF | Tagapangulo ng Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim | Mehol K. Sadain | 15 Abril 2012 |
Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Mindanao Mindanao Development Authority |
MinDA | Tagapangulo ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Mindanao | Luwalhati R. Antonino | 15 Setyembre 2010 |
Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan National Anti-Poverty Commission |
NAPC | Punong Tagapagtanghal ng Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan | Jose Eliseo M. Rocamora | 20 Setyembre 2010 |
Tanggapan ng Tagapayo ng Pangulo sa Prosesong Pangkapayapaan Office of the Presidential Adviser on Peace Process |
OPAPP | Tagapayo ng Pangulo sa Prosesong Pangkapayapaan | Teresita Quintos-Deles | 30 Hunyo 2010 |
Tanggapan ng Tagapamagitan ng Pangulo sa Lehislatura Presidential Legislative Liaison Office |
PLLO | Pinuno ng Tanggapan ng Tagapamagitan ng Pangulo sa Lehislatura | Manuel N. Mamba | 20 Pebrero 2012 |
Tanggapan ng Tagapayong Pampolitika Office of the Political Adviser |
OPA | Tagapayong Pampolitika | Ronaldo M. Llamas | 17 Enero 2011 |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The Cabinet, Official Gazette (Philippines), inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-02, nakuha noong 2012-07-19
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)