Sangguniang Barangay
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang Sangguniang Barangay, kilala sa wikang Ingles bilang Barangay Council, at dating kilala bilang Rural Council (Konsehong Rural) at pagkatapos Barrio Council (Konsehong Baryo), ay isang lehislatibong lupon ng isang barangay, ang pinakamababang anyo ng pamahalaan sa Pilipinas.
Pinamumunuan ng bawat sanggunian o konseho ng Punong Barangay o tinatawag sa Ingles bilang barangay captain, at mayroon itong pitong kasapi na tinatawag na barangay kagawad (o barangay councilman sa Ingles), at kasama din ng konseho ang tagapangulo ng Sangguniang Kabataan, kaya, ang Sangguniang Barangay ay binubuo ng walong kasapi. Hinahalal lahat ng opisyales na ito ng mga residente ng isang partikular na barangay. Tulad ng ibang mga lokal na opisyales na hinahalal, ang kasapi ng Sangguniang Barangay ay kailangang isang mamamayang Pilipino at nakatira sa barangay na kanyang nais pagsilibhan ng hindi bababa sa isang taon bago agad ng halalan ng barangay.[1] Dagdag pa dito, kailangang marunong magsulat ang kandidato ng Filipino o kahit anumang ibang wika o diyalekto sa Pilipinas.[1] Para sa mga nais maging punong barangay o kasapi ng Sangguniang Barangay, kailangang hindi bababa ang gulang nila sa 18 taon sa araw ng eleksyon habang sa mga kandidato ng Sanggunian Kabataan, kailangang 15 taon hanggang 21 taon gulang lamang sila sa araw ng halalan.[1]
Bilang isang asambleang katawan, pangunahing pinapasa ng Sangguniang Barangay ang mga ordinasa at resolusyon para sa epektibong pamamahala ng barangay. Nakalahad ang kapangyarihan at tungkulin ng lupon na ito sa Lokal na Kodigo ng Pamahalaan ng 1991.[2] Para sa iba pang opisyal, hinihirang ang kalihim (o sekretarya) at ingat-yaman ng punong barangay na may pagsang-ayon ng Sangguniang Barangay.[2] Nakalahad din ang kanilang kuwalipikasyon, kapangyarihan, at tungkulin sa Lokal na Kodigo ng Pamahalaan ng 1991.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Panahong Kolonyal ng mga Amerikano, nalikha ang mga Konsehong Rural (o Rural Council), na may apat na mga konsehal na tumutulong sa Tenyente ng Baryo, na kilala na ngayon bilang Punong Barangay (o Kapitan ng Barangay).[3] Sa kalaunan, napalitan ang pangalan ng lupon sa Konsehong Baryo (o Barrio Council).[3] Nabago ng Batas ng Karta ng Baryo (Barrio Charter Act) ng 1959, na pinasa pagkatapos ng kalayaan ng Pilipinas noong 1946, ang konseho mula sa paghirang tungo sa paghalal sa kanila.[4]
Noong 1982, pinasa ang Batas Pambansa Bilang 222 upang magbigay ng batas para sa eleksyon ng mga opisyal ng barangay, at sa ibang layunin.[5] Sa batas na ito, binubuo ang mga opisyales ng barangay ng isang Punong Barangay at anim na Kagawad ng Sangguniang Barangay.[5] Binago ito ng Lokal na Kodigo ng Pamahalaan ng 1991 at ito ang namamayaning batas para sa mga gampanin at responsibilidad ng Sangguniang Barangay.[2]
Mga sanggunain
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "QUALIFICATION AND ELECTION - Book I - Title Two - Chapter 1". Commission on Elections (sa wikang Ingles). 10 Oktubre 1991. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "THE LOCAL GOVERNMENT CODE OF THE PHILIPPINES - BOOK III - LOCAL GOVERNMENT UNITS" (PDF) (sa wikang Ingles). Department of the Interior and Local Government. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-06-23. Nakuha noong 2022-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Zamora, Mario D. (1966). "Political Change and Tradition: The Case of Village Asia". Sa Karigoudar Ishwaran (pat.). International Studies in Sociology and Social Anthropology: Politics and Social Change (sa wikang Ingles). Leiden, the Netherlands: E.J. Brill. pp. 247–253. Nakuha noong 12 Nobyembre 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tigno, Jorge V. (2003). "Economic Vitality and Local Governance: The Political Economy of Decentralization in the Philippines". Sa Yasutami Shimomura (pat.). Asian Development Experience: The role of governance in Asia Volume 2 of Asian Development Experience Series (sa wikang Ingles). Institute of Southeast Asian Studies. p. 266. ISBN 9789812302007. Nakuha noong 12 Nobyembre 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "PHILIPPINE LAWS, STATUTES AND CODES - CHAN ROBLES VIRTUAL LAW LIBRARY". www.chanrobles.com. Nakuha noong 2022-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)