Pumunta sa nilalaman

Korupsiyon sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang buod na mapa ng index of perception of corruption, 2012

Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa pamahalaan nito. Kabilang sa mga paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang pintuan, nepotismo, padrino. Ito ay mula sa mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa mga lokal na unit ng pamahalaan. Ayon sa Ombudsman’s Finance and Management Information Office, ang kabuuang 3,852 kaso ay inihain laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan noong 2011. Sa mga ito, ang 633 ay inihain sa Luzon, 600 sa Visayas at 544 sa Mindano. Ang Philippine National Police (PNP) ang ikalawa sa dami ng mga kasong inihain laban dito sa Ombudsman noong 2011. Kabilang sa mga kasong inihain laban sa mga sumusunod na kagawaran ng pamahalaan noong 2011: Department of Education (562 kaso), Philippine Information Agency (490 kaso), Bureau of Internal Revenue (416 kaso), Armed Forces of the Philippines (304 kaso), Bureau of Customs (177 kaso), Department of Environment and Natural Resources (155 kaso), Department of Social Welfare and Development (148 kaso), Department of Justice (98 kaso).[1] Noong 2012, ang Pilipinas ay may ranggong 105 na may 3.4 CPI sa talaan ng Transparency International na rumaranggo ng 176 mga bansa at teritoryo batay sa kung kaagano silang katiwali ayon sa publikong sektor. Ang Pilipinas ay karanggo ng mga bansang Algeria, Armenia, Bolivia, Gambia, Kosovo, Mali, at Mexico. Ang mga 30 % ng pambansang badyet ng Pilipinas ay iniulat na nawawala dahil sa graft at korupsiyon kada taon.[2]

Mga uri ng korupsiyon sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pitong mga korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas ang pagtakas sa pagbabayad ng buwis, mga ghost projects at payroll, pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata, pagpasa ng mga kontrata, nepotismo at paboritismo, pangingikli, salaping proteksiyon at panunuhol.

Pagtakas sa pagbabayad ng buwis

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ay talamak partikular na sa pribadong sektor dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara ang kanilang taunang kinita at magbayad ng mga angkop na buwis sa pamahalaan.

Mga ghost project at pasahod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance. Ang katiwaliang ito ay talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa pormulasyon at pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular na sa imprastruktura at sa pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga benepisyong pensiyon.

Pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa pagkakaloob ng mga kontrata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang paglisan ng mga mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite ng mga subasta at pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa publiko o pagkakaloob ng mga kontrata sa mga pinaborang mga negosyo o kontraktor na makapagbibigay sa kanila ng mga personal na benepisyo. Upang legal na maiwasan ang pagsusubasta sa publiko ng mga kontrata, ang mga ahensiya ng pamahalaan ng bumibili ay magsasagawa ng isang pira-pirasong stratehiya ng pagbili kung saan ang maliit na halaga ng mga suplay at materyal ay bibilhin sa isang tuloy tuloy na proseo. Sa kasong ito, ang mga kasunduan sa pagitan ng bumibili at suplayer ay ginagawa kung saan ang isang persentage ng halagang presyo ay ibibigay sa namimili na minsang nagreresulta sa sobrang presyo at pagbili ng mga mababang uring mga suplay at materyal.

Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may kasanayan ng pagpasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa. Sa prosesong ito, ang isang persentahe ng halaga ng proyekto ay napapanatili ng bawat kontraktor at subkontraktor na nagreresulta sa paggamit ng mga mababang uring materyal o hindi natapos na proyekto.

Nepotismo at paboritismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga matataas na opisyal ay maaaring maglagay o humirang mga kamag-anak at kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan kahit pa hindi kwalipikado. Ito ay isa sa mga ugat ng kawalang kaigihan at pagdami ng mga empleyado sa byurokrasya.

Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o mga serbisyo mula sa mga ordinaryong mamamayan na nakikipagtransaksiyon sa kanila o sa kanilang opisina. Ito ay talamak sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga clearance at ibang mga dokumento, mga nasasangkot sa pagrerecruit ng mga tauhan o mga nagsasagawa ng mga serbisyon na direktang pumapabor sa mga ordinaryong mamamayan.

Suhol o Lagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sistemang lagay o suhol na akto na ang mga mamamayan ay nanunuhol o naglalagay sa mga opisyal ng pamahalaan ay tumatagal dahil sa byurokratikong red tape. Ang labis na mga kailangang papeles, matagal na pagpoproseso ng mga dokumento, hindi epektibo at hindi maiging pangangasiwa ng mga tauhan at kawalan ng propesyonalismo sa paglilingkod sa publiko ay nagtutulak sa mga ordinaryong mamamayan na maglagay para sa mabilis na pagpoproseso at pag-iisyu ng mga personal na dokumento. Ang karaniwang paraan nito ang pagaalok ng malaking halaga ng salapi sa isang opisyal ng pamahalaan na makakatulong sa pag-iisyu ng mga nais na dokumento sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga lisensiya, permit, mga clearance at mga ahensiyang nagpapasya sa mga partikular na isyu. Ang isa pang paraan nito ang paggamit ng mga fixer kung saan ang mga tao ay nagbabayad sa ilang mga indbidwal na maaari o hindi maaaring mga empleyado ng pamahalaan na magproseso o magtamo ng mga kinakailangang dokumento para sa kanila.

Mga pampolitika na dinastiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga dinastiyang pampolitika sa Pilipinas ay naglilimita sa pantay na oportunidad para sa lahat ng mamamayan at naglilimita rin sa pagbabago sa palpak na sistema sa bansa dahil napapanatili ng mga pamilyang ito ang sistema na nagbibigay pakinabang sa kanila. May mga panukalang batas na anti-Dinastiya sa Kongreso ng Pilipinas ngunit wala pa ring naipapasa hanggang ngayon at hindi alam kung may maipapasa sa hinaharap dahil ang karamihan ng mga kasapi ng Kongreso ng Pilipinas sa parehong kapulungan ay kasapi ng dinastiyang pampolitika. Dahil may kaunting tsansa na maipasa ang isang panukalang batas anti-Dinastiya sa Kongreso ng Pilipinas, ang paraan lamang na magkaroon ng batas na ito ay sa pamamagitan ng isang reperendum at upang maisagawa ang reperendum ay kailangang lumikom ng mga lagda na hindi bababa sa 10 porsiyento ng lahat ng mga rehistradong botante at hindi bababa sa 3 porsiyento sa bawat distritong lehislatibo gaya ng inaatas ng Republic Act 6735 o Initiative and Referendum Act. May tinatayang mga 250 pamilyang pampolitika sa Pilipinas na nasa mga posisyon sa lahat ng mga lebel ng byurokrasya. Ang mga pamilyang ito ay kabilang sa mga nakaaangat at ang ilan ay umaasal bilang mga tagapaggawa ng patakaran o mga patron ng mga politikong nagsasabwatan upang magkamit ng mas malaking kapangyarihang ekonomika. Bukod sa nalilikhang korupsiyon ng mga dinastiyang pampolitika sa Pilipinas, ang isang pamilya na nasa kapangyarihan ay maaaring hindi magpondo ng mga proyekto ng pamahalaan sa mga lugar na kinokontrol ng mga katunggali nito. Sa maraming mga kaso, ang mga nasa kapangyarihan ay kumikilos lamang tuwing may halalan. Sinisiguro ng mga nasa kapangyarihan na alam ng mga botante kung sino ang nasa likod ng pagpapagawa ng mga imprastruktura at iba pang serbisyo ng pamahalaan.[3]

Mga batas na ipinasa upang sugpuin ang korupsiyon sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ang Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas na pinamagatang Pagpapanagot ng mga Opiser na Pampubliko ay nagsasaad sa Seksiyon 1 na ang opisinang pampubliko ay isang pagtitiwalang pampubliko. Ang mga opiser at empleyadong pampubliko ay dapat managot sa lahat ng mga panahon sa mga tao, magsilbi sa kanila ng may sukdulang responsibilidad, integridad, katapatan, kaigihan, akto ng patriotismo at hustisya at mamuhay ng mga katamtamang pamumuhay.
  • Ang Seksiyon II ng parehong Artikulo ay nagsasaad na ang Pangulo, Pangalawang-Pangulo, mga kasapi ng mag komisyong konstitusyonal at ombudsman ay maaaring alisin sa opisina nito sa impeachment para sa panunuhol at graft at korupsiyon.
  • Ang Republic Act No. 3019 na kilala rin bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act of 1960 ay nagtatala ng lahat ng mga kasanayang tiwali ng anumang opiser na pampubliko, nagdedeklarang sa mga ito na hindi naayon sa batas at nagbibigay ng mga kaukulang parusa ng pagkabilanggo (sa pagitan ng 6 hanggang 15 taon), walang katapusang diskwalipikasyon mula sa pagtakbo sa opisinang pampubliko, at pagsamsam ng hindi maipaliwanag ng kayamanan ng pabor sa pamahalaan.
  • Ang Artikulo XI Seksiyon 17 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 at Seksiyon 8 ng Republic Act No. 6713 na "Kodigo ng Pag-aasal at mga Pamantayang Etikal para sa mga Opisyal at Empleyadong Pampubliko" ay nag-aatas na magsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) kada taon.
  • Ang Executive Order No. 292 o Administrative Code of 1987 ay umuulit sa mga probinsiyon na nasa Seksiyon I, Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas. Ito ay nagbibigay rin ng kapangyarihan sa Pangulo ng kapangyarihan na magpasimula ng mga paglilitis upang mabawi ang mga ari-arian ng mga opisyal at empleyadong pampubliko na nakamit ng mga ito nang hindi naayon sa batas .
  • Ang Republic Act No. 6713 na kilala rin bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees of 1989 ay nagtataguyod ng isang mataas na pamantayan ng etika at nag-aatas sa lahat ng mga tauhan ng pamahalaan na gumawa ng isang tumpak na mga pahayag ng ari-arian at liabilidad, ibunyag ang kanilang net worth at mga ugnayang pang salapi. Ito ay nag-aatas rin sa mga bagong opisyal na pampubliko na magbawas ng pag-aari ng anumang mga pribadong negosyo sa loob ng 30 araw mula sa pag-upo sa opisina upang maiwasan ang alitan ng interes.
  • Ang Republic Act No. 6770 na kilala rin bilang Ombudsman Act of 1989 ay nagbibigay ng organisasyong pangtungkulin at pang-istruktura ng Opisina ng Ombudsman.
  • Ang Republic Act No. 7055 na kilala rin bilang An Act Strengthening Civilian Supremacy over the Military ay lumilikha ng dalawang mga pakikitungo sa paglilitis ng mga nagkakasalang mga kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ibang mga kasaping nasa ilalim ng mga batas militar. Ang mga krimeng pinaparusan ng Revised Penal Code at ibang mga special na batas ng kaparusahan at mga ordinansa ng lokal na pamahalaan ay lilitisin sa mga hukumang sibil. Ang mga korteng militar ay dapat kumilala lamang sa mga nakatuon sa serbisyong krimen.
  • Ang Republic Act No. 7080 na kilala rin bilang Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder ay nagpaparusa sa sinumang opiser na pampubliko na sa kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga kamag-anak sa ugnayan o kadugo, mga ka-negosyo ay lumilikom o nagkakamit ng masamang nakuhang kayamanan sa pamamagitan ng isang pagsasama ng sunod sunod na mga pangyayari ng aktong kriminal na may kabuuang halaga ng hindi bababa sa 50 milyong piso (P50,000,000).
  • Ang Republic Act No. 8249 na kilala rin bilang Act Further Defining the Jurisdiction of the Sandiganbayan ay umuuri sa Sandiganbayan bilang isang espesyal na hukuman at naglalagay rito na katumbas ng Hukuman ng Apela.

Mga katawan o ahensiyang nilikha upang sugpuin ang korupsiyon sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ay lumikha ng mga katawan na konstitusyonal upang sugpuin ang graft at korupsiyon at epektibong maipatupad ang mga probinsiyan ng pagpapanagot na pampubliko. Ang mga katawang ito ay pinagkalooban ng kapangyarihang piskal upang masiguro ang kanilang kalayaan at ang kanilang mga aksiyon ay maapela lamang sa Kataas-taasang hukuman.

  • Ang Office of the Ombudsman (OMB) na nag-iimbestiga at kumikilos sa mga reklamong inihain laban sa mga opisyal at empleyadong pampubliko at nagisislbi bilang mga “people’s watchdog” ng pamahalaan. Ang Ombudsman at mga diputado nito (Overall Deputy Ombudsman, Deputy Ombudsman for the Military, One Deputy Ombudsman each for Luzon, Visayas and Mindanao) ang mga "protektor ng mga tao". Ang opisinang ito ay nangangasiwa sa pangkalahatan at spesipikong pagganap ng mga katungkulang opisyal upang ang mga batas ay angkop na mailapat. Ito ay sumisiguro sa patuloy at maiging paghahatid ng mga serbisyong pampubliko. Ito ay nagpapasimula ng mga pagpipino ng mga pamamaraan at kasanayang pampubliko at nag-aatas ng mga sanksiyong administratibo sa mga nagkakasalang opisyal at empleyado ng pamahalaan at naglilitis sa kanila para sa mga paglabag ng batas kaparusahan. Ang nakaraang Ombudsman na si Merceditas Gutierrez ay na-impeach dahil sa kawalang pagkilos sa mga kasong inihain laban sa korupsiyon.
  • Ang Civil Service Commission (CSC) ang sentral na ahensiya ng tauhan ng pamahalaan na inatasang magtatag ng isang serbisyong karera at magtaguyod ng moral, kaigihan, integridad, pagtugon, pagsulong at kagandahang loob sa serbisyong sibil. Ito ay nagpapalakas rin ng sistemang merito at mga gantimpala, pagpapaunlad ng mapagkukunang pantao at pananagot na pampubliko. Ito ay may hurisdiksiyon sa mga kasong administratibo kabilang ang graft at korupsiyon na inihain dito sa apela.
  • Ang Commission on Audit (COA) ang bantay ng mga operasyong pangsalapi ng pamahalaan. Ito ay binigyang kapangyarihan upang siyasatin, tasahin o iaduit at bayaran ang lahat ng mga account na nauukol sa kinita o nalikom na buwis, mga resibo at mga gastos o paggamit ng mga pondo at ari-arian sa ilalim ng kustodiya ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad. Ito ay magpapalaganap ng mga patakarang accounting at auditing at mga regulasyon para sa pagpipigil at hindi pagpayag sa mga iregular, hindi kinakailangan, malabis, maluho o hindi makatwirang mga gastusin o paggamit ng mga pondo at ari-arian ng pamahalaan.
  • Ang Sandiganbayan ay isang hukumang anti-graft sa Pilipinas. Ito ay may hurisdiksiyon sa mga kasong sibil at kriminal na kinasasangkutan ng mga kasanayang graft at corrupt at ibang gayong mga paglabag na ginawa ng mga opiser at empleyadong pampubliko. Ito ay nangangasiwa sa pagpapanatili ng moralidad, integridad at kaigihan sa serbisyong pampubliko.

Mga sagabal sa pagsugpo ng korupsiyon sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sagabal sa pagsugpo ng korupsiyon sa Pilipinas ay itinuturo sa mga sumusunod na paktor:

  • Ang spesipikong kultura ng mga Pilipino nagpapalakas ng paglaganap ng graft at korupsiyon. Ang mga malalakas na ugnayang pampamilya ay nagbibigay dahilan o katwiran sa pagbibigay ng mga benepisyo sa mga hindi kwalipikadong tumatanggap nito na napaka-ebidente sa pagbibigay trabaho at pagkakaloob ng mga kontrata. Ang phenomenon na ito sa lipunan ng Pilipinas ay mapanganib na umaapekto sa propesyonalismo, kaigihan at pagiging epektibo ng serbisyo sa pamahalaan gayundin sa pagpapapatayo ng mga publiong imprastruktura at pagkakamit ng mga suplay at materyal ng pamahalaan na minsang mababang uri at labis na mataas ang presyo.
  • Ang kulturang Pilipino ng pagbibigay regalo ay nagbibigay katwiran sa paglalagay o panunuhol at pangingikil na gumagawang mahirap para sa pagpapatupad ng batas at mga ahensiyang anti-korupsiyon na sugpuin ang problema. Ang kasanayang panlipunang ito ay gumagawang inutil sa batas na nagbabawal sa pagbibigay regalo at kaya ay karagdagang nagpapalakas ng kasanayang korupsiyong ito.
  • Ang mga ahensiya sa Pilipinas na inatasan na labanan ang graft at korupsiyon ay hindi mahusay na pinopondohan ng pamahalaan. May kawalan rin ng pagkilala, mga merito, mga gantimpala at mga pabuya na ibinibigay ang pamahalaan ng Pilipinas para sa mga pagsisikap ng mga ahensiyang anti-korupsiyon. Ang mga tauhan ng mga ahensiyang anti-korupsiyon na ito ay marupok sa mga panunuhol dahil sa kawalan ng suportang pangsalapi, integridad at propesyonalismo. Ang mga patakaran ay dapat ipakilala sa pagrerecruit ng mga tauhang anti-korupsiyon upang masiguro na ang mga ito ay nag-aangkin ng moralidad, katapatan, integridad at dedikasyon sa tungkuling ito.
  • Ang transparency o pagiging bukas ay hindi sinusunod partikular na sa mga transaksiyon ng pamahalaan. Ang publiko ay tinatanggihan na magkaroon ng kaalaman sa mga aktibidad ng mga opisyal ng pamahalaan. Hindi pinapaalam sa mga mamamayan ang detalye ng bahagi sa pambansang badyet ng mga kagawarang ehekutibo (pangulo), lehislatura (kongreso) o hudikatura (korte) at kung paanong ginugugol ng mga kagawarang ito ang kanilang mga pondo.
  • Ang epektibong pagmomonitor ng mga programa at proyekto ng pamahalaan gayundin ang mga gastusin ay hind seryosong isinasagawa ng mga ahensiya o tauhan na inatasang magmonitor ng mga ito. Ang mga ito ay marupok rin sa panunuhol at hindi aktuwal na nagsasagawa ng buong inspeksiyon ng mga ito ngunit umaasa lamang sa mga impormasyong nakalap.
  • Ang mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN na mekanismo sa pagsugpo ng graft at korupsiyon ay isinusumite ng lahat ng mga opisyal pampubliko. Gayunpaman, walang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na inatasan na siyasatin ang pagiging totoo ng mga datos na ipinasok dito. Ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan ay maaaring magtago ng kanilang nalikom na hindi maipaliwanag na kayamanan habang nasa panunungkulan sa pamahalaan sa pamamagitan ng hindi tapat na pagdedeklara nito sa kanilang SALN.

Ayon sa isang akademikong pag-aaral, nais ng nakararaming mga Pilipino na ipatupad ang parusang kamatayan sa mga kurakot na opisyal ng pamahalaan. Bukod sa parusang kamatayan, ang mga Pilipino ay nagmungkahi rin na ang mga whistleblower o naglalantad ng korupsiyon, ay bigyan ng bahagi ng salaping kinukurakot ng mga opisyal bilang pabuya sa mga ito. [4]

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.gmanetwork.com/news/story/258940/news/nation/ombudsman-most-cases-in-2011-filed-vs-local-govt-execs
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-23. Nakuha noong 2013-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.nytimes.com/2007/05/11/world/asia/11iht-phils.1.5665416.html?pagewanted=all&_r=0
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-03. Nakuha noong 2013-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)