Merceditas Gutierrez
Merceditas Gutierrez | |
---|---|
Ombudsman of the Philippines | |
Nasa puwesto December 1, 2005 – May 6, 2011 | |
Pangulo | Gloria Macapagal-Arroyo Benigno Aquino III |
Nakaraang sinundan | Simeon V. Marcelo |
Sinundan ni | Orlando C. Casimiro (acting) |
Secretary of Justice | |
Nasa puwesto December 24, 2003 – August 31, 2004 | |
Pangulo | Gloria Macapagal-Arroyo |
Nakaraang sinundan | Simeon Datumanong |
Sinundan ni | Raul M. Gonzalez |
Nasa puwesto November 27, 2002 – January 15, 2003 | |
Nakaraang sinundan | Hernando Perez |
Sinundan ni | Simeon Datumanong |
Personal na detalye | |
Isinilang | Philippines |
Kabansaan | Filipino |
Propesyon | Politician |
Si Ma. Merceditas Navarro Gutierrez ay isang dating opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas at isang dating ombudsman ng Pilipinas. Siya ay dalawang beses na kalihim ng Philippine Justice Department noong 2002 at 2004. Siya ay naging Ombudsman noong 1 Disyembre 2005 bilang unang babae sa posisyong ito. Noong 22 Marso 2011, ang House of Representatives ay bumoto upang iimpeach si Gutierrez. Kanyang inanunsiyo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto noong 29 Abril 2011 na nagkaepekto noong May 6, 2011.
Impeachment
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Marso 2009, ang dating pangulo ng Senado na si Jovito Salonga at iba pang mga pangkat ay naghain ng kasong impeachment sa harap ng Kongreso ng Pilipinas laban kay Gutierrez dahil sa sinasabing maling paghawak niya sa mga kaso. Ang reklamo ay kalaunang itinakwil.[1]
Noong 22 Hulyo 2010, ang isang bagong reklamong impeachment ay inihain laban kay Gutierrez ni Risa Hontiveros-Baraquel, Brigadier General Danilo Lim at Evelyn Pestano sa basehan ng ilegal, hindi nararapat at hindi maiging paghawak sa mga kaso. Noong Agosto 201, ang isa pang reklamong impeachment ay inihain ng Bagong Alyansang Makabayan laban kay Gutierrez para sa kanyang kawalang pagkilos sa Fertilizer Fund scam, Euro Generals scandal at Mega Pacific scandal.[2] Noong 10 Marso 2011, nirekomiyenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang impeachment at pagbibitiw ni Guitierrez bilang Ombudsman gayundin ang pagpapatalsik ng mga kasapi ng Office of the Special Prosecutor para sa pagpapabaya, pagpapahina at pagpapasalimuot ng kasong plunder laban sa dating comptroller ng militar na si Maj. Gen. Carlos Garcia at kanyang pamilya.[3] Noong 22 Marso 2011, ang House of Representatives ay bumoto na iimpeach si Gutierrez sa mga kaso ng pagtatraydor ng pagtitiwala ng publiko. Ang 210 ng mga representative ay bumoto para sa impeachment, 46 laban sa impeachment at 4 na nangilin.[4] Ang boto ng 2/4 ng lahat ng mga senador o 16 ay kailangan upang hatulan si Gutierrez at patalsikin sa pwesto. Gayunpaman, si Gutierrez ay nagbitiw noong 29 Abril 2011 na kumakansela sa impeachment ng Senado.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.gmanews.tv/story/173423/ombudsman-hails-dismissal-of-impeach-complaint
- ↑ Legaspi, Anita (2010-08-03). "Another impeachment complaint filed vs Ombudsman Gutierrez". GMANews.TV. Nakuha noong 2011-03-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.abs-cbnnews.com/nation/03/10/11/blue-ribbon-gutierrez-resign
- ↑ Calonzo, Andreo (2011-03-22). "House impeaches Ombudsman for betrayal of public trust". GMANews.TV. Nakuha noong 2011-03-22.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)