Pumunta sa nilalaman

2011 Eskandalong Korupsiyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang 2011 Eskandalong Korupsiyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay isang eskandalong korupsiyon ng mga pondo na pumutok noong 2011 sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Ibinunyag ng dalawang whistleblower na sina retiradong Lieutenant Colonel George Rabusa at dating Commission on Audit (COA) accountant Heidi Mendoza ang ilang mga insidente at mga ebidensiya ng korupsiyon sa matataas na opisyal ng AFP.

Sinasabing may maling paggamit ng P46 milyong pisong pondo para sa 2007 joint US-RP Balikatan military exercises. Inangkin ng opiser ng navy na si Mary Nancy Gadian na ang bahagi ng 46 milyong piso ng 2007 budget ng Balikatan ay napunta sa mga bulsa ng ilang mga opiser ng militar. Ayon kay Gadian, sa 46 milyong pondo para sa Balikatan, ang 2.3 milyong piso lamang ang napunta sa mga sundalong Pilipino. Ibinunyag ng mga taga Commission on Audit na ang taunang ulat na audit na ginawa ng ahensiya para sa 2001,2002 at 2003 ay hindi sumalamin sa AFP modernization funds na nasa ilalim ng termino ni AFP chief-of-staff Angelo Reyes. Ang isang opisyal ay nagsabing walang ulat na ginawa tungkol sa disbursement ng AFP modernization programs funds na nagkakahalaga ng higit sa PHP 11 bilyong piso. Ang taunang mga ulat na audit ng AFP Logistics Center na itinakda para sa pagkakamit ng mga kagamitan at materyal ay hindi rin nagpapakita ng mga disbursement na ginawa para sa mga sinabing taon. Ayon kina Rabusa at Mendoza, ang militar ay naglihis ng mga milyong dolyar na bahagi ng grant ng United Nations bilang pabaon na hindi bababa sa 50 milyong piso para sa mga nagreretirong opisyal. Sinabi ni Rabusa na ang lahat ng mga AFP chief of staff ay tumanggap ng pabaon. Si Angelo Reyes na isa sa mga sinasabing tumanggap ng pabaon ay nagpatiwakal nang siya ay piliting humarap sa Kongreso tungkol dito.

Kasong plunder laban kay General Garcia at kanyang pamilya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang dating retiradong AFP comptroller na si Major General Carlos Garcia, ang kanyang asawa at tatlong mga anak na lalake ay kinasuhan ng plunder, paglabag sa Seksiyon ng 4-A ng Anti-Money Laundering Act, at perjury sa Opisina ng Ombudsman.[1] Ang idineklarang mga ari-arian ni General Garcia noong 2003 ay 2.76 milyong piso lamang.[2] Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, sinabi ng whistleblower na si Rabusa na kanyang dinala ang hindi bababa sa 160 milyong piso kay Gacia na nag-utos sa kanyang magwithdraw ng 10 milyong piso ng 16 beses. Ayon kay Rabusa, dapat ibinigay ito ni Garcia kay Villanueva. Ang probe ng Ombudsman ay nagbunyag ng 9 na sasakyan na nakarehistro sa kanyang pangalan, asawang si Clarita at anak na Ian Carl. Kanyang idineklara sa kanyang pinakahuling Statement of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) na ang kabuuang halaga ng lahat ng mga sasakyan ay to PHP 1,150,000 piso lamang. Hindi niya dineklara sa anuman sa kanyang 1993–2003 SALN ang kanyang mga ari-arian sa Ohio at New York, USA. Nabigo rin siyang ideklara sa kanyang 2000–2003 SALN ang kanyang mga pamumuhunan sa Armed Forces and Police Savings and Loan Association (AFPSLAI) at mga dividend na kanyang natanggap gayundin ang mga salapi sa dolyar na nagkakahalaga ng halos PHP 8,432,141.37 (USD193,400.00) na dinala ng kanyang asawa at anak na Juan Paulo sa Estados Unidos. Noong Disyembre 2003, ang kanyang anak na fashion publicist na si Timothy Mark Depakakibo Garcia ay dinakip ng US Customs sa San Francisco airport sa pagkabigong ideklara ang PHP 4,359,949 (USD 100,000). Inangkin ni Garcia na ang salapi ay para sa inisyal na downpayment ng condo unit ng kanyang anak sa New York. Ang sinasabing condo unit sa ilalim ni Timothy Mark Garcia ay nagkakahalaga ng PHP33,353,609.85 (USD 765,000). Inutos ni judge Marilyn Patel ng U.S. District Court of Northern California ang pagkuha ng $100,000 cash kasunod ng guilty plea nina Ian Carl Depakakibo Garcia at Juan Paulo Depakakibo Garcia.[2] Pumasok sa isang kasunduang plea bargaining si General Garcia sa opisina ng Ombudsman. Pumayag ang abogado ni Garcia na palitan ang kanyang plea ng "hindi guilty" ng plunder sa "guilty" ng hindi direktang panunuhol at paglabag ng Anti-Money Laundering Act. Ang kasunduang ito ay pumayag sa kanyang makalabas sa bilangguan pagkatapos niyang magpiyansa ng 60,000 piso at tumungo sa mas maliit na sentensiya sa panahong napagsilbihan niya na. Bagaman, si Garcia ay inakusahan ng hindi bababa sa Php303 milyon, ang kasunduan ay nakipagkasundo sa PHP 135.43 milyon.

Kayamanan ni General Ligot

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang retiradong Major General Jacinto Ligot na nagsilbi bilang military comptroller mula 1999 hanggang 2001 ay sinasabing lumikom ng PHP 740 milyon na ang PHP 666 milyon ay nawithdraw na bago pa ifreeze ang kanyang mga account ng Anti-Money Laundering Council. Sa pagdinig ng Senado, ang mga detalye ng kanyang bank account ay nagpapakitang si Ligot ay may dollar bank account na naglalaman ng USD 8.7 million (PHP 379,533,411) at isang peso bank account na naglalaman ng PHP 300 milyon. Hindi niya idineklara ang kanyang mga bank account gayundin ang mga ari-arian sa Estados Unidos na nakarehistro sa ilalim ng kanyang asawang si Erlinda Yambao Ligot sa kanyang statement of assets and liabilities. Ang senate hearing ay nagbunyag rin ng 6 pang ibang mga ari-arian sa Estados Unidos maliban sa dalawa sa California. Tumanggi si Ligot na sagutin ang tungkol sa mga bank account. Sa panahon na kanyang nalikom ang 740 milyong piso, ang kanyang sahod kada buwan bilang comptroller ay PHP 30,000 lamang. Ang kanyang asawang si Erlinda ay isang housewife, ang kanyang anak na si Paolo ay kumita ng PHP 20,000 sa pangangasiwa ng bukid, ang kanyang anak na si Riza ay kumita sa pagitan ng PHP 20,000 hanggang PHP 30,000 bilang call center agent at kanyang pinakabatang anak na si Miguel ay isang estudyante. Si Edgardo Yambao na kapatid ni Erlinda Ligot ay humarap sa senate hearing ngunit hindi maipaliwanag kung paano niya nalikom ang 255 milyong piso sa iba't ibang mga bangko nang walang idineklarang kita sa BIR.[3]

Mga sangguniani

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://star.worldbank.org/corruption-cases/sites/corruption-cases/files/documents/arw/Garcia_Third_Son_Detained_GMANEWS_Mar_18_2009.pdf[patay na link]
  2. 2.0 2.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-31. Nakuha noong 2013-03-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. https://www.youtube.com/watch?v=xglY2hppeFs